xii.

25.2K 1.2K 405
                                    

"Lady Callisia."

Nangilabot ako. Parang kagalang galang ako pakinggan which is a very very 'dafaq really?' moment for me. Ang mas nakakakilabot pa eh sabay sabay sila at saka sabay ding yumuko. Woah, what is happening here? I don't like it, Lady Callisia sounds so pure which is the opposite of me. Halata naman diba? 

"Here's your room." Binuksan ng isang maid yung pinto at bumungad sa akin ang isang napakalaking kwarto. Kailangan ko na talagang masanay na lahat ng space dito eh kasing lawak ng isang bahay. Napatingin ako sa paligid, hmm not bad, still looks ancient but very classy and elegant. Lahat ng kulay na makikita mo dito eh gold and lilac. It looks very royal.

Ah right! Well kasalanan ko ba? Hindi ko naman pwede piliin kung sino makaka one night stand ko diba? Pero bakit sa lahat--ugh f*ck me

"May kailangan pa po ba kayo, Lady Callisia?"

"Callie is fine girl."

"P-Po?"

Pumasok na ako at nag tuloy tuloy sa kama. This is going to be a really long day for me. Nagsara yung pinto at akala ko umalis na sila. Dumilat ako saglit pero tangin* lahat sila nakatingin sa akin habang nakahilata ako rito sa kama! Mga weirdo.

"Hindi pa ba kayo aalis?"

"Just ring this bell if you need anything, Lady Callisia."

May inilapag siyang mini tray kung saan may nakapatong na bell rito at inilagay sa bed side table. Aba sosyal naka tray yung bell. Umalis na sila pagkatapos pero syempre hindi sila umalis nang hindi muna sila yumuyuko. Hindi kaya sumasakit leeg ng mga taong 'to? 

Ipinikit ko ang mga mata ko at hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaidlip hanggang sa may narinig akong kumatok. Hindi pa ako sumasagot nang magbukas ang pinto at pumasok yung limang maid na kasama ko kanina.

Atat sis? Hindi ko pa nga ni-ring yung bell.

"Lady Callisia, it's almost dinner time. You need to get ready. Ihahanda ko na po ang inyong panligo."

Dinner time? Ilang oras lang ba ako umidlip? 

"Ilang oras akong nakatulog?"

"Limang oras po."

"P*nyeta?!"

Nagulat sila sa ginawa kong pagmumura pero wala silang sinabi. Lumapit yung isang maid at yumuko sa akin at may dinalang papel, special paper to be exact. What the f*ck is this?

"Letter from Their Royal Highnesses." 

That title, ayoko talagang maniwala pero eto na. Sh*t. Hindi talaga ako nananaginip at totoo yung mga nakita ko kanina. Weird pa rin para sa akin dahil hindi talaga ako sanay kasi sobrang formal nila dito eh sa bahay wala kaming pakealaman ng buhay doon.

But really? A letter? Wala ba silang load pang text? Ang yaman yaman nila pero ni pang unli wala sila. Mga kuripot tang*na. Binuklat ko ito at hindi ako makapaniwala na masa maganda pa yung penmanship nila kaysa sa akin.

 Binuklat ko ito at hindi ako makapaniwala na masa maganda pa yung penmanship nila kaysa sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
It All Started With The Royal's BabyWhere stories live. Discover now