xvii.

23.6K 1.2K 327
                                    

"Good morning!" I chirped happily habang isinasalin ko yung medyo maitim na itlog sa plato at pagkatapos, nagsalin ako ng kape doon sa anim na baso. Kinuha ko rin yung pancake na hindi halatang pancake dahil nadurog durog ito habang pilit kong fini-flip kanina. Wow . . . Hindi ko alam kung tao ba o baboy yung papakainin ko sa lagay na 'to.

"The f*ck is this?"

Isa isang pumasok yung mga anim na higante habang nakatingin sa niluto ko, si Devyn yung unang nagsalita. Malamang sino pa bang magtataray ng ganyan ka-aga? 

"Breakfast is ready!"

"More like, poison is ready." Nginitian ko ng pilit si Devyn at inilagay sa harapan niya yung pinakasunog na itlog. Poision pala ha?

"Oh ayan. Sana nga malason ka." 

"Sino ba may sabi na magluto ka ha?"

"I don't want to sit idlly, boring the hell out of my guts! At isa pa, sinabi ko naman yung dahilan ko kung bakit ako nandito ngayon diba? I want to know more about you so why don't we have a good breakfast and you make kwento about your life?" 

"You call this good breakfast? Tinalo ka pa ng bata, itlog na nga lang sunog pa." Pigilan niyo ako makakasabunot ako ng lalaking mataas ang sungay!

"Huwaw! Ha . . Ha . . Ha . ." Tinusok tusok ni Dallas yung pancake na durog at halos sunog na rin. Tumingin lang ako sa kanya kaya napalunok siya. Kumuha siya ng piraso at kinain ito pero muntik na siyang mapabuga. 

Inamoy amoy naman ni Derick yung plato niya at halos magdikit na yung kilay niya. What is wrong with these people? Kulay lang naman yung nag-iba? For sure same pa rin naman yung lasa? Pati si Damien, inilayo niya lang yung plato at naka poker face na nakatingin sa akin. 

Lastly, Gold eye-- I mean, Dylan. As usual, his face is calm and always regal. Very different from what I saw yesterday. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pero kung titignan mo ngayon, parang walang nangyari. I can't really spell him. After that talk on the balcony and after giving me his name, wala na. Umalis nalang siya. Tinignan niya ako at itinuro yung plato na nasa harapan niya.

"Care to explain what this mess is?"

"Excuse me?"

"Tinikman mo ba 'to bago mo inilagay sa plato?" Umiling ako kay Derick. Napaubo naman si Devyn at napailing sa akin.

"Why? Malamang given na kapag ako yung magluluto, masarap--" Tumayo bigla si Devyn dala dala yung tinidor na may itlog at walang sabi sabi itong isinalpak sa bibig ko kaya napatigil ako sa pagsasalita. Napaka bastos! Itutusok ko na sana sa kanya yung tinidor pero dahan dahan akong napangiwi habang tinitikman ko yung itlog na niluto ko.

"Masarap? Ganyan ba hitsura ng masarap?"

P*ta anong lasang 'to? Para akong kumakain ng sunog na ewan. Ang sagwa ng lasa!

"Hey stop it Devil!" Lumapit sa tabi ko si Dallas at inilahad niya yung palad niya sa tapat ng bibig ko. "Luwa." 

Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Spit it out." Mas inilapit pa niya yung palad niya sa bibig ko kaya na-gets ko na. Ew! Why would I do that? 

"Kung ano ano nalang kinakain mo, sa tingin mo ba maganda yan sa bata?" Umiling ako pero with double meaning. Of course ayokong madamay yung bata and of course ayokong iluwa sa kamay niya yung nginunguya ko, ang dugyot!

Tinapik ko nalang yung kamay niya at naglakad sa pinaka malapit na basurahan. I know, I know, masamang magsayang ng pagkain but the damage has been done. Bumalik ako sa dining table pero naging seryoso bigla yung paligid. May kausap si Dylan sa phone niya at kakababa niya lang nito nung nakalapit na ako sa kanila.

It All Started With The Royal's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon