xiii.

24.4K 1.2K 358
                                    

"Interesting. Is this how you welcome me?" 

Mabilis na umalis yung mokong sa ibabaw ko at tinulungan ako ni Dallas at Derick na tumayo. Hindi ko maalis-alis yung tingin ko sa lalaking nasa harapan namin na may dalang maleta. Nakasuot siya ng shades kaya 'di ko makita yung mata niya. 

Who's this?

"Ha- Ha- Ha- welcome big bro? Tang*na asan yung confetti?" Mahinang bulong ng ugok na ipinaglihi sa asul na manok.

"I thought you'll come next year?"

"Private matters."

Tahimik lang ako rito sa tabi habang pinagmamasdan silang anim.

"Where's Harper?"

"Hindi pa rin namin mahanap."

"Is that so?"

Pinasadhan niya lang ako ng tingin at umalis na. Hindi siya nagtanong kung ano yung ganap kanina. Mukhang wala naman siyang pake.

"Hoy sino 'yon?"

"Gabi na. Mas mabuti kung magpahinga ka na muna."

"No. Stop giving me that bullcrap." Nanggigigil talaga ako eh. Eto na naman ililihis na naman nila yung tanong ko. Pwes kung ayaw nila sabihin sa akin, edi ako mismo magtatanong sa kanya. Susundan ko na sana siya pero grabe ilang kamay yung pumigil sa akin. Ano 'to? Mga octopus?

"Is he the fath-hmph!"

Mabilis na tinakpan ni Drake yung bibig ko at napalingon doon sa dinaanan nung lalaki kanina.

"Be carefu-argh!"

"I told you, don't touch me without my permission." Siniko ko siya ng napakalakas kaya napaatras siya.

"Damn woman!"

"So ano? Ikaw o siya?"

"Go to your room please. We'll continue talking tomorrow doll face." Si Derick na yung pumagitna sa aming dalawa.

Why can't they just tell me? Mahirap ba 'yon? Inirapan ko silang lahat. Something's fishy here pero hindi ko na sila pinilit. Malalaman ko lang din kung anong itinatago nila.

Sa inis ko, hindi ako nagtuloy papunta sa kwarto ko kundi lumabas muna ako para magpahangin. Wala na akong pake kung kulang 'tong damit ko at kung malamig sa labas. Tiis ganda lang 'to. Naglakad lakad lang ako at hindi ko inaakala na ganito pala kalayo yung mismong bahay mula sa garden nila. 

May natagpuan akong swing sa gilid nila at umupo muna roon. Bakit nga ba ako sobrang nagpapa apekto rito? Gaya nga ng sinabi ko nung una, kaya ko naman kahit wala yung ama ng bata pero bakit ngayon parang atat akong hanapin kung sino?

Isa pa alam ko naman na parte lang ng plano ko ang pagpunta rito. Malalaman ko lang din naman kung sino yung ama kahit na hindi nila sabihin kasi . . .

"Oh wag ka na mag alaburto diyan! Ito ang plano, kailangan mo lang makakuha ng kagamitan nila at saka natin ipapa-DNA test. Ang sabi ni Doc, as early as seven weeks into pregnancy, maari ka na magpa-DNA test."

"Bakla paano naman ako makakakuha ako ng pang test aber?"

"Shokla ka! Edi magnakaw ka!"

It All Started With The Royal's BabyWhere stories live. Discover now