xiv.

24.1K 1.1K 230
                                    

"Good morning, Lady Callisia. Are you feeling all right?"

Muntik ko na makalimutan na wala pala ako sa bahay. Tumama sa akin ang napaka liwanag na sinag ng araw mula sa bintana kaya nagtalukbong ulit ako ng kumot at nagbingi-bingihan. Leche walang good sa morning. Sino ba nag pauso niyan? Ny*ta.

"Their Royal Highnesses are waiting for you at the garden for breakfast." 

So what?

Hindi ako sumagot dahil inaantok pa ako. Buong gabi ko pinag isipan kung paano ako gaganti. Sinabi ko naman kay Smurf na huwag na huwag niyang sasabihin sa iba yung nangyari and as much as I want drama, hindi muna sa ngayon. 

"Lady Callisia?"

"We are so sorry, napag utusan lang po kami."

Naramdaman ko nalang yung kumot na bumabalot sa katawan ko na biglang nawala at tumambad sa akin ang limang maid. What the f*ck? Hindi ba uso sa kanila ang salitang privacy? Hindi ako bumangon at nakipag titigan lang sa kanila.

Hala sige mga ateng mag staring contest tayo.

Hinawakan ako nung isa pero tinignan ko lang siya ng masama. Why is she touching me? Binawi niya agad yung kamay niya at yumuko. "I'm so sorry Lady Callisia pero napag utusan lang po kami na ayusan ka ngayong umaga."

Ayusan? "Ano ako? Bata?"

"N-No Lady Callisia, that's not what I meant."

"We can't disobey Their Highnesses orders."

Hinawakan na ako nung isa at dahan dahang pinabangon mula sa kama. I shot her an irritated look but she remained staring at the floor to avoid my gaze habang pilit niya akong pinapabangon. 

I heard it again. We can't disobey his royal highness this and that. I almost forgot who I am living with. Ugh this is harder than I thought. Pansin ko lang na hindi nila kasama si Claudine. Was she also punished because of the formal dress code during dinner na hindi niya naipa suot sa akin? Well, that was not my fault either.

"Fine! Now go out para makapag ayos ako." 

"We will take care of you, Lady Callisia." And the next thing I knew, hila hila na nila ako papuntang bathroom. May naka ayos na bathtub at at towels sa tabi, ang dami ring naka hilerang mga shampoo, conditioner, body wash gel at iba pang mga anik anik na hindi ko na maintindihan.

"Wha-"

Bam! Hindi pa ako tapos at natagpuan ko nalang ang sarili ko na wala ng damit. Since I was just wearing shirt, mabilisan lang yung proseso at saka na nila ako pinag tulungang ipasok sa bath tub. I mean yeah, pare-parehas naman kaming babae so walang kaso pag ipaglandakan ko yung katawan ko sa kanila pero tangina bakit kailangan nila akong paliguan!? 

Jusme ilang taon na ako!? Ano ako sanggol!?

"Stay still Lady Callisia, we'll take care of you, just relax."

"No! Get out!" Muntik na akong mapatili nang may humawak sa paa ko at minsahe 'yon. Pati yung buhok ko, sinisimulan na nila shampoo-han. May dalawa namang naka toka sa sa magkabilaang kamay ko at abala sila sa pagsabon sa akin, pagkatapos, mina-masahe nila yung daliri ko.

Kanina pa ako nagmamaktol pero nagbibingi-bingihan lang sila.

Para akong octopus sa lagay kong 'to. Ang daming nakapalibot sa akin na parang galamay ko. In the end, I just shut up and let them to their work and I'm kinda liking it. Not the part na hinubaran nila ako pero yung parteng may kasamang masahe. 

It All Started With The Royal's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon