xi.

27.6K 1.1K 274
                                    

Hindi pa rin ako maka get over sa nangyari kahapon. Ang dami ngang tanong nila mama tungkol sa sugat ko at dahil napakagaling kong sinungaling, nakaiwas ako sa imbestigasyon nila.

 Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung nangyari. Pagkatapos ng eksena sa banyo, dinala ako ni Damian pabalik sa hospital room at napaka awkward dahil hindi siya nagsasalita kaya napatahimik din ako. Pagkatapos ng sinabi niya roon sa bruha sa C.R. akala ko papansin na niya ako pero snob pa rin, nak ng.

Naninibago pa rin ako dahil nung pagkapasok namin sa hospital room, lahat sila naka antabay at dali dali nila akong nilapitan, well except for sungit. Bakit ba ako mag e-expect sa mokong na 'yon? Anyhow, lahat sila O.A. maka-react pagkatapos ikwento ni Damian yung nangyari sa C.R. 

Pinipilit nila akong magpatingin ulit sa Doctor at yung Smurf na 'yon bigla bigla nalang niya ako minamasahe at tinatanong kung may masakit ba akong nararamdaman. 

Si Derick naman nag order ng napakaraming pagkain at tinatanong kung gutom daw ba ako. Si Devyn, well anong i-eexpect ko sa masungit na 'yon na mukhang dinaig ang nag me-menopause? 

Si Drake (Pepper spray) naman bumili ng napakaraming vitamin supplies, daig pa gamot ng may sakit. 

At si Damian yung napag-utusang hanapin ako, that explains kung paano siya napadpad sa C.R.

Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila nung araw na 'yon pero ang we-weird nila ngayon. Naninibago pa rin ako, nakakakilabot. Halos itaboy nila ako noon tapos ngayon akala mo mga nanay sa sobrang aruga nila. 

"Ate! Mag dala ka ng madaming damit!"

"Bakit?"

"Anong bakit? Halos wala ka ng suot, daig mo pa bold star."

"Anong masama sa pagsu-suot ng t-shirt at panty lang sa bahay ha? O.A. mo!"

"Duh pati nga sa labas kulang nalang hindi ka rin mag damit."

"Maganda katawan ko, bakit ko tatakpan? Alis ka nga diyan sa maleta ko, bakit ka ba kasi nangengealam ha? Tabi!"

"Malaki ba talaga sahod mo diyan Ate at kailangan mo  hindi umuwi ng dalawang buwan? Big time siguro yang kliyente mo o di kaya gwapo kaya gumagawa ka na naman ng rason-aray! Ate naman eh!"

"Hoy! Professional ako wag ka nga. Di kita padalhan ng baon mo diyan eh." 

Magsasalita pa sana siya kaso biglang pumasok si Mama sa kwarto ko. Nakangiti siyang lumapit sa aming dalawa pero napasimangot nung nakita niya kaming nagbabangayan ulit. Ano pa bang bago?

"Anak? Ayos na ba lahat ng gamit mo?"

"Maaayos na sana Ma kung wala lang damulag na nag atribida."

"Nye nye nye. Bahala ka na nga diyan!" 

Nagdabog siya saka umalis sa kwarto. Napaka damulag talaga. As if I know mami-miss lang ako ng mokong na 'yon.

"Magiging ayos ka lang ba anak? Lalo na ngayong buntis ka baka mas lalo kang ma-stress sa trabaho, masama yan sa anak mo." Inayos niya yung buhok na nakaharang sa mukha ko at hinawakan niya yung kamay ko. 

"Ayos lang ako Ma, ano ka ba." 

"Pasensya na ha? Kailangan mong mag doble kayod para sa amin ng kapatid mo. Hindi mo naman kailangan eh, pwede pa akong maghanap ng sideline kung nahihirapan ka ngayon lalo na't iba na ang sitwasyon mo." 

"Ma? Ano ba diba sabi ko sa'yo kaya ko 'to? Marami pa naman akong ipon kaya hindi mo na kailangan mag-alala at hindi mo rin kailangan maghanap ng sideline." Nagi-guilty tuloy ako.

It All Started With The Royal's BabyWhere stories live. Discover now