xvi.

24.2K 1.1K 347
                                    

I'm sipping my tea as I browsed the newspaper. Wow I look cute. Damn those highlights are on fleek! Ang galing galing naman ng nag edit sa picture na 'to, mukha tuloy akong endorser ng highlighter. Tignan nga natin kung maayos yung foundation ko, ay! In fairness! Pak hindi ako nag mukhang multo! Thank God! 

Oh paano naman yung kilay ko? On fleek din kaya? Yung lipstick ko? Ay bet--

"Lady Callisia!" 

Lumapit si Claudine sa akin, para siyang natataranta na ewan. Isiniwalang bahala ko nalang at tumingin ulit doon sa picture. Hmm sa tingin ko parang kulang yung blush ko? Nagmumukha binudbod sa harina anak ng! 

"Hindi po ba kayo kinakabahan?!"

"Why would I?"

Itinuro niya yung newspaper na hawak ko. Pabalik balik yung tingin niya sa akin at doon sa pinto. "His Royal Highness is coming!" 

"So?"

"M-Mukha po siyang galit!"

"At bakit?"

"Lady!" Napahimas siya sa noo niya. Bakit? Ano bang nangyayari? Ako lang ba yung may maganda ang mood ngayong umaga? What's wrong with her? Ibinalik ko ulit yung tingin ko sa newspaper. What's wrong with this newspaper aside from my on fleek outfit and make up? Ah! Baka nagtataka siguro siya kung bakit nasa newspaper ako? Well . . .

Nagbukas yung pinto at iniluwa nito yung lalaking kasama ko kahapon na nagpa check up. He slammed a newspaper in front of me at nakita ko na naman yung napakaganda kong mukha sa front page.

"Mag papa autograph ka ba? Sadly I don't have my pen with me. Next time nalang ha? A--Hey!"

Hinila niya ako papatayo at kinuha yung newspaper saka niya inilapit ito sa mukha ko. Ano ba! Ipinagmumukha niya ba sa akin na maganda ako? I'm flattered pero bakit siya galit? Look! Ang gwapo rin kaya niya sa tabi ko! What the hell is wrong with him?

"What's wrong?"

"What's wrong?" Inulit niya yung sinabi ko in a mocking manner. Bakit ba ang aga aga ang papangit ng mood nila? Pati ako dinadamay nila pucha. 

"This. This is f*cking wrong." Dinuro niya yung newspaper na may nakabalandarang mukha namin na kakalabas sa hospital. Nakahawak ako sa tiyan ko at kahit hindi siya nakaalalay sa akin, nasa likod ko lang siya. Oh? Anong mali diyan?

Napangisi ako ng palihim. Sabi ko naman gaganti ako diba? Ang galing talaga ni bakla kumuha ng litrato. Love it.

Binasa ko yung headline, "A Royal Highness from Greece spotted with a mysterious woman. Could it be his wife? Is he married and expecting a royal offspring?" in all caps and bold letter. Tinignan ko ulit siya at gusto kong tumawa dahil mukha siyang stressed. Poor puppy. Naalala ko tuloy yung nangyari sa hospital.

"The baby is in good condition pero kailangan mo maging maingat sa pagbubuntis mo dahil napaka delikado ng iyong sitwasyon  Mrs . . . ?"

"Mukha ba akong napanagutan Doc? Ms. lang."

"O-Okay Ms . . . ?"

"Monteiro."

"Okay Ms. Monteiro, kailangan mong magpahinga pagkauwi mo at as much as possible, umiwas po kayo sa stress para sa ikakabuti ng bata." Tumango ako sakto namang nagbukas yung pinto at pumasok si Gold eyes. Hindi man lang niya ako tinignan at binati niya yung doctor. Napaka-!

Yung doctor naman halatang kinikilig. Punyemas. Inulit niya lang ulit kay Gold eyes yung sinabi niya sa akin at tumango tango naman si Gold eyes, hindi pa rin niya ako tinitignan. Inirapan ko silang dalawa. Nag beep yung phone ko at nag text sa akin si Bakla na naka posisyon na raw siya sa labas kaya napangisi ako.

It All Started With The Royal's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon