x.

26.6K 1.2K 358
                                    

"There's none to worry about the chances of miscarriage due from the shot she received a while ago." Gising na ako pero nakapikit lang ako habang nakikinig doon sa sinasabi ng doctor. Tinatamad ako dumilat, pake niyo ba? "But that's not the only concern here, may I ask who is the husband?"

"Uhm . . . "

As if naman. Narinig ko yung boses ni Smurf, siya yung nag 'uhm' kaya nagtaka ako kung bakit pa siya nandito sa hospital at kung kasama niya ba yung apat. Kahit ngayon lang, bakit ayaw ako saluhin ni Azen? Hindi ba pwede siya nalang magpanggap na ama?

"The five of us . . . "

"Excuse me, tama po ba rinig ko? Kayong lima ang ama?"

Tarant*ado nagmukha pa akong pokp*k! 

"Yes . . . I mean no . . . Sh*t." Hindi nila namalayan na gising na ako at nakaupo na ako dito sa hospital bed habang pinapanood silang parang mga tuod sa harap ng Doctor. Nakatalikod sila sa banda ko at kitang kita ko yung ekspresyon nung Doctor na naguguluhan. Hinanap ng mata ko si Azen at ang gag* nakaupo lang din sa gilid habang pinapanood yung lima. Tang*na naman hindi ito yung panahon para ma-star struck Azen!

"I'm the *cough* father."

Parehos kaming napalingon ni Azen doon sa boses. 

Pepper spray?

"Okay." Lumingon siya sa apat na mukhang naguguluhan. P*cha, lahat ata kami naguguluhan na. 

"Can you please give us some privacy?" Tumango naman yung apat at umalis na at nakabuntot lang sa kanila si Azen. Hayop talaga. Hindi ko talaga maiwasang pansinin yung Damian. Ang weird niya kasi ang bilis niya umalis kaysa sa tatlo and to think na siya pa yung pinaka tahimik sa kanilang lahat at pinaka walang pake sa nangyayari. Whatever.

"Oh sakto, gising na si Mrs." 

The fuck, Mrs? Bigwasan ko kaya 'tong doctor na 'to? Lumingon si Pepper spray at napatingin siya sa sa kamay ko na nakabandage at naka arm string strap. Hindi ko pa rin gets kung anong nangyari kanina sa mall pero tang*na ang swerte ko talaga dahil sa ako yung natamaan at hindi yung lima.

Lumapit silang dalawa sa akin at hindi ko alam kung bakit ang seryoso ng mukha ni Doc. "The reason why I'd like to discuss this concern in private is . . . " Napatingin siya sa aming dalawa kaya napatingin din kami sa isa't isa. Ang awkward lang dahil para kaming nag so-social distancing sa layo ng espasyo naming dalawa. Umupo siya sa tabi ko at ipinatong niya yung kamay niya sa balikat ko pero napangiwi ako dahil tinamaan niya yung sugat ko.

"F*ck!" I hissed at him. Nanadya ba 'to?

"Sorry." Tinanggal niya yung kamay niya at inilipat niya sa bewang ko saka niya ako hinila papalapit sa kanya. 

"Go on Doc."

"Yeah go on. . ." Ngumiti ako ng pilit saka humawak sa kamay niya na nakapatong sa bewang ko at pinisil yung kamay niya saka siya pinanlakihan ng mata. What the hell is he doing? Sinong may sabi na pwede niya akong hawakan?

"Though the shot may not have an impact on your baby but," But what? kanina pa pa-suspense 'tong doctor gusto ko na umuwi. "as early as now I advise you as a parent to stop anything that might harm the baby. Not to be nosy or what Mrs. pero amoy ko kasi na nag yo-yosi ka and correct me if I am wrong, have you been frequently smoking since you found out about your pregnancy?"

Tumango ako, ba't ko pa itatanggi kung naamoy niya na pala?

Naramdaman kong humigpit yung pagkakahawak niya sa bewang ko. Pasimple akong tumingin sa kanya pero nakatingin lang siya sa Doctor. Hindi ko maipinta yung hitsura niya kaya hinayaan ko nalang.

It All Started With The Royal's BabyWhere stories live. Discover now