xxvi.

23K 1.2K 290
                                    

I think I've done my part here. All I have to do is look at the results when I get home. Kung mas tatagal pa ako rito, mas lalo lang magiging komplikado ang sitwasyon lalo na ngayong nandito na yung lola nila at yung fiancée ni Dylan.

"I'm leaving," I said while pulling my suitcase. Kaso may naalala ako kaya tumigil ako saglit at humarap kay Dylan.

"Help me get out of here. Hindi naman ako pwedeng lumabas sa main exit 'di ba? Lalo na't madadaanan ko pa yung living room at baka nandoon yung lola mo or yung fiance mo. Or you can just distract them para makaalis ako agad? What do you think?" Napasampal ako sa noo ko. Bakit ba kasi ngayon pa sila dumating? 

Tumingin ako kay Dylan para hingin yung opinyon niya pero nakatingin lang siya sa maleta ko at pabalik sa mukha ko. 

"Why would I?" His tone changed in just a snap. Akala ko mabait na kasi pinadalhan ako ng juice pero ano na naman 'tong attitude na 'to?

Napakunot noo ako. Anong problema ng lalaking 'to? Hindi ba siya masaya na sa wakas eh wala nang nambwibwisit sa kanya ngayong aalis na ako?

"Anong 'why would I' ka diyan?  Bakit? Mami-miss mo ako 'no? Enebe!" pabebe kong inipit yung buhok sa likod ng tainga ko sabay medyo labas dila at wink. 

"Why are you leaving suddenly?" tanong niya na may halong pandidiri sa ginawa ko.

Ganun na ba kasagwa yung pag-imitate ko kay Mimiyuh?

"Sabihin mo lang kung mami-miss mo ako."

Nag make face lang siya sa akin. 

"Okay, you may leave," sabi niya at saka itinuro yung pinto.

Pota.

"My time is up here, isa pa, hindi naman ito yung bahay ko. May pamilya rin akong naghihintay sa akin na umuwi," sagot ko sa tanong niya kanina.

"What about the father of the child?"

Naalala ko ulit yung results na sinend sa akin ni bakla. I know, I already have the result at hindi ko na dapat pa pinapatagal ang lahat. I tried hiding my nervousness. I know Dylan is sharp and keen in observing someone that's why I tried my best to control my facial expressions. Napahawak ako sa ilong ko.

"It's fine, I'll handle this on my own. Ayoko na ulit kayong abalahin--"

"You're lying. You always touch your nose whenever you lie or hiding something."

Napatigil ako. Paano niya nalaman? It's one of my mannerisms at yung kapatid kong unggoy lang ang nakakaalam.

"What nonsense are you talking about? Hindi ba pwedeng ano, uhm, ano, makati lang?" 

"I think you already know who the father is. Don't you?"

How . . . ?

Control your expression, Callie. 

Well he's not exactly correct but he's not exactly wrong either. I'm already close to finding who the real father is but...I'm confused. Malapit na ako sa katotohanan pero bakit ngayon pa ako natatakot?

"What are you talking about? I just want to go home, Dylan." Mahina ko siya itinulak sa gilid at saka hinila ang maleta ko.

Kaso nagulat ako sa nakita ko. Hindi ako makapagsalita sa gulat at napaatras ako hanggang tumama yung likod ko sa dibdib ni Dylan. Para akong hihimatayin sa nakita ko.

Puta.

Buti na lang mabilis yung utak ko at hinarap ko si Dylan na nagulat din sa taong kaharap namin pero pinilit kong ngumiti at pinagpagan ko yung suot niya. 

It All Started With The Royal's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon