xxiv.

22.8K 1.3K 225
                                    

Unti-unting lumiliwanag ang paligid pero 'di pa rin ako tumitigil sa kakatakbo. Pakiramdam ko kasi na kapag huminto ako ay bababalik na naman yung mga bangungot sa isipan ko.

Gabe, that motherf*cker.

Huminto na ako sa wakas dahil pakiramdam ko ay lalagutan na ako ng hininga. I'm still pregnant so I need to be extra careful. Napahawak ako sa tuhod ko at kita ko mula rito sa kinatatayuan ko yung napakalaking bahay na akala mo nangangain ng tao sa sobrang laki. 

Hindi ko alam kung anong oras ako lumabas para mag-jogging pero sa tingin ko ay higit limang oras no'ng tumakas ako para mag-jog. Oo, tumakas ako dahil sa dami ba naman ng bantay, baka hindi nila ako payagan at isa pa, kating kati na ako makalanghap ng sariwang hangin.

Naglakad na ako papalapit sa mansion  kaso hindi pa ako gaanong nakakalapit ay mukhang nagkakagulo yata sila sa loob kaya napakunot noo ako.

Anong meron?

Mukhang hindi mapakali yung mga maid at mukhang tinakasan naman ng dugo yung mga guards. 

Anong nangyayari? Bakit sila ganyan?

Nakalapit na ako sa front gate at tinapik ko sa balikat si Claudine na mukhang maiihi na sa takot habang palinga-linga sa paligid. 

"Anong ganap? Bakit para kayong nakakita ng halimaw?"

Lumingon siya sa akin at halos atakihin siya sa puso at mukhang hihimatayin kung hindi ko lang siya hinawakan agad sa braso. 

"Saan po kayo pumunta?!" sigaw niya sa mukha ko.

Nagulat ako saglit. Bakit siya sumisigaw? 

"Hindi ako bingi, sis." Hinawakan ko yung tainga ko at tumingin sa paligid. Lahat sila ay mukhang aligaga sa paghahanap. 

"P-Pasensya na po, Lady Callisia..." Mabilis siyang yumuko at para siyang naiiyak kaya sinapak ko siya sa braso.

"Hoy ano ba, bakit ka umiiyak? Ito naman, hindi ako nangangain ng tao." 

"Lady Callisia..." Itinaas niya yung ulo niya at umiiyak talaga siya, "Akala ko po talaga na-kidnap ka kaya ka nawawala," sabi niya habang mangiyak-ngiyak.

Ano?

"Teka lang, anong pinagsasabi mo? Anong kidnap? Ako? Ano--" Naputol ako dahil bigla niya akong tinadtad ng tanong habang sinusuri niya yung katawan ko.

"Wala po ba kayong sugat? Ayos lang po ba kayo? Yung sanggol po? Hindi po ba kayo sinaktan? Paano po kayo nakabalik? Mukhang ayos naman po kayo? Pero bakit po kayo biglang nawala? Bakit po kayo pawisan? May humahabol po ba sa inyo? Sin--"

"Wait! Claudine, kalma lang!" Hinawakan ko siya sa braso para patigilin siya. Ano bang nangyayari sa babaeng 'to?

"Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo pero nag-jogging lang ako, okay? Hindi ako na-kidnap o ano. Wala ring nanakit sa akin. Kaya pwede ba? Ano bang nangyayari?" tanong ko pero napalakas siguro yung boses ko at napatingin yung iba sa akin. 

Tulad ni Claudine ay nagulat sila at nawala yung takot sa kanilang mukha at mukhang nakahinga sila nang malalim ngayong nandito na ako. Yumuko agad sila para magbigay galang sa akin kahit hindi naman dapat.

Magtatanong pa sana ulit ako kaso may narinig akong mga sigawan sa loob.

Tumingin ako kay Claudine kaso itinuro niya lang yung daan papasok kaya naglakad ako papasok at nakabuntot lang siya sa akin na parang tuta na nagtatago.

"Where the hell is she?!" Dylan's voice greeted my ears. 

'Yan agad yung narinig ko pagkapasok ko at halos atakihin ako sa puso sa sobrang lakas. Pati si Claudine sa tabi ko ay napatalon sa gulat at takot. 

It All Started With The Royal's BabyWhere stories live. Discover now