xxxviii.

24.9K 1.1K 341
                                    

Flashback

[TRIGGER WARNING]

I can feel the stinging sensation between my legs. Ang sakit, gusto ko na lang mamatay kaysa maranasan ito. Nanghina ang buong katawan ko at wala na akong lakas upang pigilan sila sa pangbababoy nila sa akin. Gusto kong masuka sa pandidiri. 

"Boss! Kailangan na nating umalis! May mga nakatakas na bata at paniguradong papunta na rito ang mga pulis!" sigaw ng kasamahan nila. 

Napatigil siya sa ginagawa niya sa akin at lumingon doon sa lalaki. 

Mommy . . .  gusto ko ng umalis sa lugar na 'to.

"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong nung isang nakahawak sa akin. Paniguradong ako yung tinutukoy niya.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nagmaang-maangan na nawalan ng malay. Nanginginig pa rin yung katawan ko.

"Iwanan niyo na 'yan, tara na!" 

Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa hindi ko na maramdaman yung presensya nila sa paligid. Bumangon ako pero napadaing ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa buo kong katawan. Naiiyak kong inayos ang aking damit at napatingin ako sa dugong tumutulo mula sa pagitan ng hita ko. Hindi ko na napigilan at napahagulgol ako sa sakit at pandidiri.

Sinubukan kong maglakad pero bumigay agad yung tuhod ko at napaupo ako. Pakiramdam ko mababaliw na ako. Punong puno ng sigaw at iyak ang abandunadong eskwelahan na 'to at alam kong hindi lang ako ang biktima. 

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at umaasa pa rin ako na isa itong masamang panaginip. Napapikit ako nang mariin habang iniisip ko kung ano na kayang iniisip ngayon nila mama. Hinahanap kaya nila ako? 

Nakatulog yata ako sa kakaisip at nagising na lang ako dahil sa kakaibang ingay. Iminulat ko ang mga mata ko at napatingin ako sa paligid. May mga pulis at mga medikong abala sa pagsagip ng mga babaeng ka-edad ko. Nalilito pa ako sa una hanggang sa napansin ng isang babae na nakasuot ng police attire na nakamulat ako at litong lito sa nangyayari.

"Hija? Naririnig mo ba ako?" tanong niya.

Tumango lang ako. Wala rin akong lakas upang magsalita. Ngayon ko lang din napansin na nakahiga ako sa isang stretcher. 

"You're safe now. Idadala ka namin sa pinakamalapit na hospital upang magamot ka, okay?" Ang hinahon ng boses niya kumpara sa kaguluhang nangyayari ngayon.

You're safe now.

Parang gusto kong umiyak nang marinig ko yung mga salitang 'yon. Sa wakas, wala na ako sa gusali na 'yon. Wala na ako sa impyernong bumaboy sa pagkatao ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nakaligtas ako o malulungkot dahil alam kong habang buhay na mababaon sa alaala ko ang nangyari sa akin ngayon.

"No! No! Stephanie wake up!" 

Napatingin ako sa kalsada na 'di kalayuan sa kinaroroonan namin. Mukhang may aksidenteng naganap doon dahil may mga mediko ring umaasikaso roon. May babaeng nakahandusay sa sahig at duguan siya. Sa tabi nito ay isang lalaki na kanina pa umiiyak.

Napatingin ako sa luhaan niyang mukha. Di man gaano kalinaw dahil sa distansya namin pero alam kong sa mga oras na 'to ay natatakot siyang mawalan ng taong mahalaga sa kanya. Naisip ko ulit ang pamilya ko. Alam kong sobra silang masasaktan kapag nalaman nila kung anong nangyari sa akin.

Nakatingin lang ako sa dalawa mula sa stretcher na kinahihigaan ko pero nawalan din ako ng malay kalaunan. 

***

It All Started With The Royal's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon