xxxiv.

24.7K 1.7K 360
                                    

Napamulat ako bigla at napabalikwas sa kama habang nakahawak sa dibdib ko. Pakiramdam ko lalagutan na ako ng hininga sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Napapikit ako saglit at pinunasan ko yung mga mata kong namamasa. Hindi ko na alam kung kailan titigil 'tong mga bangungot na 'to. Napatingin ako sa kamay ko at napansin kong nakabandage ito at may maliit na ice pack na nakabalot sa kamay ko. Napalingon agad ako sa paligid at ngayon ko lang napagtanto na wala ako sa kwarto ko.

Nasaan ako?

Napasapo ako sa ulo ko at naalala ko na hinila pala ako ni Dylan palabas ng shop at ang huli kong naaalala ay nasa kotse kami. Hindi ko namalayan na nakatulog ako pero saan 'tong lugar na 'to? Nasaan si Dylan?

I'm still pissed but I can't stop looking for him. Tumayo ako mula sa kama at lumabas. Mukhang nasa isa akong rest house—isang malaking rest house. Napatingin ako sa bintana at ngayon ko lang napansin na madilim na. Lumabas ako ng kwarto at nagtingin-tingin sa paligid.

Nasa second floor ako kaya dumungaw ako sa baba. Doon ko nakita si Dylan na nagluluto at mukhang kakatapos niya lang dahil sa ngayon ay paakyat na siya ng hagdan kaso napatigil siya nang makita niya ako. Nakatingin lang ako sa kanya lalo na't wala siyang suot na pang-itaas at tanging itim na jogging pants lang. Iniwas ko agad yung tingin ko at baka kung ano pa ang maisip niya.

"Callie."

Hindi ko siya pinansin at bumalik ako sa kwartong pinanggalingan ko kanina. Maya't maya ay sumunod siyang pumasok. Tumalikod ako mula sa kanya at hinarap ko yung bintana kung saan kitang kita ko yung dagat. Umupo ako sa dulo ng kama at nanatiling tahimik. I can feel him close behind me. Narinig ko siyang huminga nang malalim.

"Callie?" Naglakad siya sa harapan ko pero 'di ko pa rin siya tinitingnan. Hindi rin ako kumibo. Hanggang sa bigla siyang lumuhod sa harapan ko para magkapantay ang aming ulo, "Look at me."

Hindi pa rin ako nagsalita. What could he possibly want? He was being a total jerk a while ago. He's too close but I did not let that bother me. It's been 6 months—6 freaking months— pero bakit ang bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko tuwing ang lapit-lapit niya sa akin, tulad ngayon? Pero kahit na gano'n, I refuse to look at him.

Nagulat ako nang bigla niyang kunin yung kamay ko at hinawakan niya yung bandage doon. Tinanggal niya ito at inalis niya yung maliit na ice pack na nakalagay doon. Sa ngayon, hindi na namumula yung kamay ko 'di katulad kanina. Sa totoo lang hindi naman ganon ka-sensitibo ang balat ko pero epekto na rin siguro ito nang kakulangan ko sa tulog at nutrisyon.

"Sorry." That's the first word that came out from his mouth. Tumingin ako sa kanya. My mistake, his handsome face is distracting me again kaya iniwas ko ulit yung tingin ko.

"For what?" I asked coldly. "Why are you saying sorry?"

"For hurting you," he said in a low voice. "I didn't mean to."

For hurting me? Inagaw ko mula sa kamay niya yung kamay ko. His touch still has this effect on me and I'm afraid I'll give in too easily.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, pag-iiba ko sa usapan.

"I'm looking for you." Tumayo siya ulit nang tuwid at napansin kong nakatingin siya ngayon sa tiyan ko. I can't explain the look on his eyes pero kinakabahan ako. Ngayong alam ko na kung sino ang ama ng anak ko at ngayong nasa harapan ko na siya, hindi ko maiwasang makaramdam ng takot at kaba.

"Bakit mo ako hinahanap? Do you still have an unfinished business with me?" tanong ko.

Mukhang hindi siya nakikinig sa akin at nanatili lang siya nakatitig sa akin. Para niya akong sinusuri mula ulo hanggang paa kaya nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa balikat at pinatayo. Nakakunot noo siya ngayon habang nakatingin sa akin.

It All Started With The Royal's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon