Chapter 5

7.5K 238 15
                                    

Chapter 5

Helen's Point of View

"Sometimes having no closure is the closure."

Yan ang katagang narinig ko sa isang pelikula na pinaniniwalaan ko for the entire years of my life. Not until now... today, that I am right in front of the person I'd really not wish to see anymore.

I was so dumbfounded. Ni hindi makagalaw ang buong katawan ko. Tila gustong manginig ng tuhod ko. Hindi dahil sa lakas ng ulan, kundi dahil pareho kaming gulat na nakatitig lang sa isa't isa.

"What are you doing here?"

"Anong ginagawa mo dito?!"

Halos magkasabay pa naming tanong.

"Wag mo sabihing..." naputol ang gusto niyang sabihin. Tumingin siya kay Hevin, and then sa akin. Bawat pagtitig niya ay tila matutunaw na ako. Nakakunot na rin ang kanyang noo.

Lord please, not now. Tell me this is just a dream. Hindi ko po kayang mawala ang anak ko sa piling ko. Hindi nya na po dapat malaman pa.

"Ikaw?!" Bawat salitang binibigkas nya ay nakabibinging pagdagundong sa puso ko ang kapalit.

"...ikaw ang nanay ng makulit na batang 'to at ex ni Fafa Calvin?!"

I exhaled exasperatedly. Tila nabunutan ng tinik sa narinig ko.

"Naku! Di na ko magtataka kung bakit binreak ka nya. Tsk. Try mo magpasalon girl, baka sakaling makahanap ka pa ng fafa na tunay na magmamahal sayo."

Pigil-pigil ko ang sariling mapailing. Yun pala ang alam niya--na si Calvin ang ama ni Hevin. Siguro dahil nakita nya na si Calvin noon na hinahatid sundo ang anak ko sa eskwela. Or maybe sya yung bading na tinutukoy nila ni Hevin na nakita nila sa park noon!

But its a relief that it happened. Mabuti nang ganun nga ang alam niya. Okay na sakin na hindi niya iacknowledge na anak si Hevin. Baka kung ano pa ang maisip ng baklang yan at kunin ang anak ko sa akin. Hindi ko kakayanin yun. Ikamamatay ko.

Kailangan ko na rin sigurong itransfer sa ibang school ang aking anak. Mahirap na. Baka makahalata pa siya kung magkakasama sila nang matagal.

"Don't worry. I'll think about your suggestion. I will also tell Calvin--"

"Pero Mommy, hindi naman po si Daddy Calvin ang da--"

"Hevin!" Pigil ko agad sa maaaring idaldal ng aking anak.

Indeed, she is his daughter. Hindi mapigilan ang sariling bibig.

"Halika na. Inaantay na tayo ni Daddy Calvin mo. Let's go home. Ahh Marvin, thanks for accompanying my daughter."

Binigyan niya lang ako ng pilit na ngiti. Wala pa rin siyang pinagbago. Isang maarteng bading pa rin.

Habang nakasukob sa malaki kong payong ay kinuha ko na sa kanya si Hevin.

Isinakay ko na agad siya sa sasakyan. Ngunit bago pa man ako makalulan ay tinawag niya kong muli.

"Helen!"

Napatigil ako. Bumilis ang tibok ng puso sa kadahilanang hindi ko malaman. I felt nostalgic. Maybe ngayon ko lang kasi ulit narinig ang pangalan ko mula sa bibig niya.

No. I shouldn't feel this way!

Muli ko siyang nilingon, "Yes?"

"Ahm.." oh gosh, bakit ganyan. Biglain mo nalang Marvin, kung may gusto ka pang sabihin.

"Ah pwede bang magtanong?"

Lalo akong kinabahan sa tono ng boses niya.

"A-ano yun?" Sana lang ay hindi niya nahalata ang pangangatal ng boses ko.

"Ahh kasi... uhm, gusto ko lang sanang tanungin kung..."

Naknampucha! Ang lakas na talaga ng kabog ng dibdib ko. Isabay pa ang lamig ng hanging humahampas sa balat ko.

"Ano ba yun?" Muli kong tanong. Medyo naiirita na dahil sobrang kinakabahan na talaga ako.

"Break na ba kayo ni Calvin?"

Nagtaka ako, "Why are you asking?"

Ayokong mag-assume. Ayokong isipin na kaya niya tinatanong yun ay dahil...

"Ah wala lang. Type ko kasi siya eh. Pero don't worry! I am a sport competitor naman. Hehe!" aniya sabay malanding piece sign pa.

And that's it.  Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa o mainis sa pinagsasabi niyang iyon.

But the conclusion is only just one---na bading pa rin ang gago.

_____

A/N: Maiksi lang siya. Sorry po :3 Siningit ko lang during my thesis work. But will update on Wednesday. :)

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon