Chapter 16

6.1K 209 13
                                    

Dedicated to MissJhay12 na ang tagal na nagparequest ng dedic. Thanks for reading!

Look at Barney's Picture! Haha!

Chapter 16

GENERAL POINT OF VIEW

"Lolo sige na naman po, ibili niyo na ko ng medyas na Tweety bird!" ngawa ng batang si Marvin sa kanyang Lolo Inggo.

Araw ngayon ng pagtatapos ni Marvin ng elementarya at noong nakaraang buwan niya pa hinihiling ang isang bagong pares ng medyas na Tweety Bird.

"Hindi pwede apo, babae kasi si Tweety Bird at lalaki ka. Hindi magandang tignan," salungat naman ng matanda.

Ngunit hindi naman ito mapagbigyan ng lolo niya dahil naniniwala sya na pambabae lamang daw si Tweety Bird at hindi ito nararapat sa tulad ni Marvin na isang lalaki.

"Mali po kayo, lalaki talaga si Tweety Bird tunog babae lang!"

Sinasalungat din ni Marvin ang paniniwala ng kanyang lolo sa paniniwala niyang lalaki si Tweety bird.

"Babae siya, apo."

"Lalaki siya."

"Babae, apo."

"Lalaki!"

"Pasensya ka na apo, iba nalang sana ang hilingin mo ngayong araw ng pagtatapos mo. Hindi ko talaga maaaring iregalo sayo ang isang pares ng medyas na Tweety Bird," pagpipinal ni Lolo Inggo.

"Ganyan naman kayo eh! Wala na kayong binigay sa akin na gusto ko. Ni minsan hindi niyo sinuportahan kung ano talaga ang nasa kalooban ko! Mula noon hanggang sa magtatapos na ako ng elementarya, ganun pa rin ang sistema sa pesteng bahay na ito. Mabuti pa, mawala nalang ako nang tuluyan dito!" pinaleng linya rin ni Marvin sabay takbo palabas ng bahay.

"Apo!"

____

"Oh? So ano nang nangyari matapos mong umeklat ng pagdadrama sa Loleycious mo sa araw ng graduacious mo?" si Barney na kanina pa nakanganga sa kwento ni Marvin.

"Ayun ngangeycious ang beauty ko. Akala ko makakapamuhay ako ng maayos doon sa Manila matapos kong maglayas mula sa probinsya. Akala ko maluwag sa dibdib ng mga kamag-anak ko na patirahin sa bahay nila. Akala ko tama ang mga akala ko. Akala ko lang pala lahat yun."

"Ayan. Yan ang mga napapala ng mga nagdedesisyon nalang nang basta-basta. Go ka lang ng go sa pagkakara-karaka 'yun pala dehins mo kayang mabuhay mag-isey!" panenermon ng baklang dinosaur.

"Eh teka Marvin," singit ni Helen, "Paano mo naman nakayanang mabuhay nang mag-isa? Nagtagal ka ba sa mga kamag-anak mo? Paano ka nakapagtapos at nakahanap ng matinong trabaho?"

Ang dami pala talaga niyang nalampasan na kaganapan sa buhay ni Marvin, sa isip-isip ni Helen.

"Ayun nagworking student ako. Habang nag-aaral ako ng high school. Sa umaga ako'y isang estudyante samantalang sa gabi naman ako'y isang reyna."

"Reyna?!" sabay na takang-tanong nina Barney at Helen.

"Reyna ng dispatsadora. Dispatcher ako ng trak ng basura. At nung nagkolehiyo naman ako. Sa gabi naman ako estudyante at sa umaga'y reyna ulit."

"Reyna ulit?!" tanong muli ni Helen.

"Reyna ng mga parlorista. Alam ko na ang part na 'yan Mars," si Barney na ang nagpaliwanag dahil noong panahon nga na iyon sila nagkakilala.

Dahil sa paggugupit at pagmamanicure-pedicure ni Marvin sa maliit na Parlor ni Aling Puring ay naitaguyod nya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

"At nung nakapagtapos ka na ng college, doon ka na nagresign sa parlor at napunta sa company ni Ma'am Andrea?" pagkumpirma ni Helen.

"Korekek! Tumpak ka d'yan girl!"

"Huhuhu! I never thought na ganyan pala kahirap ang pinagdaanan mo sa buhay, Marsy! Akala ko'y puro pasarap ka lang sa mga lalaki. I never imagined na ganyang mga pasakit ang dinanas mo. Kung alam ko lang, huhuhu!"

"Kung alam mo lang, ano?" si Marvin.

"Kung alam ko lang..." pag-iinarte pa ni Barney. "Pinag-pray sana kita sa Quiapo."

"Busit ka talaga! Ang laking tulong niyan. Pero mas malaking tulong kung lalayas ka sa harap ko Marsy. Hayaan mo muna kaming mag-usap na dalawa ni Helen. Please lang..."

"Uyyy I smell something fishy hereeee..." pambubuska ng baklang si Barney. "Oh siya gora na akez baka makajiztorbo pa me sa paglalampungan niyo. Vavu!" ani ng baklang dinosaur sabay exit.

Samantala, naiwan na mag-isa sina Marvin at Helen sa bahay. Wala rin doon si Hevin dahil hiniram muna ng mga magulang ni Helen. Walang alam ang mga ito sa kinasasangkutan ng anak nila ngayon.

At heto naman ngayon si Helen na gulong-gulo na rin at hindi na malaman kung tama ba ang idinidikta ng kanyang puso. Mali mang isipin, gusto niyang tulungan si Marvin sa problema nito. Natutuwa rin siya sa ideyang mas mapapalapit pa lalo ang mag-ama sa isa't isa kung papayag siya sa pakiusap ni Marvin.

Ngunit may pumipigil sa kanya. Ang pride niya at galit na hindi niya malimutan simula nang iwan sila ni Marvin.

*kring!*

Tinignan muna ni Helen ang kanyang telepono upang malaman kung sino ang tumatawag.

Si Calvin.

"Hello Calvin? Napatawag ka?"

Kinabahan naman si Marvin sa binanggit na pangalan ni Helen. Hindi niya alam kung bakit pero parang ayaw niya ngayon sa ideyang magkausap ang dalawa. Tila may kung anong kakaibang pakiramdam siya ngayon sa dibdib.

"Ah nakauwi ka na? Mabuti naman at nakauwi ka ng safe..."

Sandaling natahimik si Helen habang pinapakinggan ang kabilang linya. "Oo, andito pa kami kila Marvin eh."

Hindi na mapakali si Marvin. Sa totoo lang ay kanina niya pa gusting agawin ang cellphone ni Helen.

"Gusto mo na kaming umuwi d'yan? Ah sige, pero-"

Doon na tila sinilaban ang kamay ni Marvin at mabilis na hinablot ang cellphone ni Helen sa tenga, "Hello Pare? Ah pasensya ka na ha. Hindi na kasi makakauwi d'yan ang mag-ina ko. Oo dito ko na sila patitirahin simula ngayon."

"Alam ko 'yun. Ang tanga ko para pabayaan sila. Ang bobo ko, para ngayon lang marealize ang mali ko at ang halaga nila sa akin. Pero pare, ayoko nang maging gago para palampasin ang second chance na 'to na binigay ni Helen sa akin, sa amin para maging buo muli. Mahal ko ang mag-ina ko, pare. Huwag mo na sanang hayaang masira ulit ang pamilya namin."


_________

Eherm! I'll cut here, wait po for the second part of this chappy :)

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon