Chapter 2

10.6K 283 12
                                    

Dedicated to @IamMicroSD , thank you for the regular comments in TRD :)

Chapter 2

"What? Anong sabi mo, bading?!"

Bakas sa mukha ni Calvin ang pagkagulat sa nagawa kong pagsigaw. Kahit ako ay nagulat rin sa sarili.

"Yes, bading. Why?"

"Ah...wala wala," pinili kong manahimik nalang. Imposible naman siguro ang iniisip ko.

"Okay ka lang ba, Helen?" rinig kong tanong ni Calvin.

"Yes yes. I'm okay. Mabuti pa siguro tapusin ko na 'tong niluluto ko para makakain na rin tayo ng dinner."

Dalawa lang kami ng anak ko na magkasama pag wala si Calvin . Nasa Manila kasi ang parents ko at minsan lang dumalaw dito sa amin sa Batangas.

Pero okay at safe naman kaming mag-ina dahil bukod sa madalas na pagbisita ni Calvin dito sa bahay ay naghired pa siya ng isang katulong at isang driver namin ni Hevin. Every weekend sila nauwi sa kani-kanilang pamilya.

Si Manang Elsa na aming kasambahay ay tuwing Sabado, samantalang si Mang Max naman na driver namin ay tuwing Linggo. Ito ay dahil si Calvin ang nagpiprisintang maging driver namin tuwing Linggo kapag nagsisimba kami at nagpupunta sa mall o sa kahit saang pasyalan.

Yun na ang nagsisilbing bonding naming mag-ina na kasama si Calvin. Madalang ko kasing maasikaso o matutukan lalo na sa eskwela ang anak ko dahil sa trabaho ko.

I'm currently working as a receptionist sa isang hotel sa Tagaytay na pag-aari nila Calvin.

Buenaventura Group of Companies. Isang patunay ng karangyaan nitong si Calvin at ng pamilya niya. Sila na nga 'ata ang pinakamayamang businessmen family dito sa buong probinsya.

Kaya nga ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko huwag lang mawala sa trabahong 'to. I'm giving my best just to prove them na deserving ako sa trabahong meron ako ngayon. Sa totoo lang ay dumaan din ako sa butas ng karayom makapasok lang dito.

Gusto ni Calvin ng madaliang paghired sa akin, but I insisted na gawin kung ano ang nararapat. From passing my resume hanggang sa mahabang pagpila for the interview on the applicants. Pinakiusapan ko pa si Calvin na huwag makialam sa pagpili ng aplikanteng papasa para sa trabaho bilang receptionist ng kilalang hotel na 'to. Sinunod naman niya 'yun at nagfocus nalang sa ibang trabaho. Ibang officer ang sumala sa amin hanggang sa tawagan nila ako sinabing isa ako sa dalawang napili. Lahat din ng requirements ay pinasa ko, though sinabi pa rin sa akin ng makulit na si Calvin na hindi na daw kailangan 'nun.

Gusto niya pa akong maging sekretarya nalang niya, pero tumanggi ako dahil gusto kong manatili sa pwesto kung saan ako natanggap.

"How's work, Helen?" naulinigan kong tanong ni Calvin.

Kasalukuyan na kaming kumakain ng niluto kong dinner.

"As always, it's a bit tiring but fun," I answered.

Totoo, mahirap nga ang trabaho ko dahil sa maghapong pagtayo sa receiving area pero masaya naman dahil nagagawa ko na ngayong makihalubilo sa iba't ibang tao. Nakakawala pa ng pagod kapag maka-encounter ka ng masayahing guest. Tulad nalang ng kasamahan ko ding receptionist na si Arra. Siya na 'ata ang pinakabungisngis na taong nakilala ko.

"Nga pala Hevin anak, ako na muna ang maghahatid sayo sa school bukas," sabi ko sa anak kong sarap na sarap sa pagkain.

Si Hevin kasi yung tipong kapag kumakain ay malilimutan ang pagiging madaldal niya. Inubos nya muna ang dessert niyang leche flan bago humarap saken at sumagot, "But how about Daddy Calvin, Mommy?"

Si Calvin kasi ang regular na naghahatid-sundo sa anak ko sa Miracle Academy kung saan grade 1 sya dahil sa pagiging accelerated. Pinagpilitan pa ng dalawang 'yan ang pagvovolunteer na paghatid-sundo ni Calvin sa kadahilanang gusto daw nilang makapagbonding na "mag-ama" tuwing umaga bago pumasok.

Si Calvin ang President ng Buenaventura Hotel kung saan ako nagtatrabaho. Pero 'di tulad ko na on-time dapat lagi pumasok, siya naman ay papasok lang sa oras na gustuhin niya.

Pero matalino yang si Calvin. Almost all of the company's problems, nareresolved niya.

"Mommy! Mommy!" nagulat ako nang biglang hilahin ni Hevin ang laylayan ng damit ko, nasa gilid ko na pala siya.

"Yes, baby?"

"My pregnant teacher said that she will take a leave for a long time. Why is that so, Mommy?"

I pat her head, likas na talaga kay Hevin ang magtanong ng kung anu-ano, "Baby, it's because your preggy teacher needs a rest and strength for her baby."

"How about you, Mommy? When will you take a leave for me Mommy?"

I smiled, "I have already filed my leave baby. That's why si Mommy na muna ang maghahatid-sundo sayo para marelax naman si Daddy Calvin."

"No, I'm okay--"

"It's okay Calvin. Alam ko namang nahihirapan ka na din gumising nang maaga para maihatid 'tong si Hevin sa school. Hayaan mong makabawi naman ako sa makulit na batang 'to," I pinched Hevin's nose.

"Ouch! Mommy! Hahaha! Stop! Hahaha!"

Pareho kaming natawa ni Calvin. Ang weird kasi ng kiliti niya, sa ilong.

"Haha! Okay, I'll stop na baby."

Then humarap siya sa akin nang naluluha-luha pa, "Mommy I wanna take a bath na. Gorabels na po tayo sa bathroom."

"Okay my little princess, let's go--" napatigil ako nang may marealize. "What did you just say, Hevin?"

"I wanna take a bath na po."

"No, not that. The other one."

"Sabi nya gorabels na daw kayo sa bathroom, Helen. Haha!" natatawang singit ni Calvin.

But I remained serious, tila tumaas bigla ang dugo ko.

"Gora-WHAT?! Sinong nagturo sayo n'yang kabaklaan na 'yan, Hevin?!"

-------

A/N: Sorry for the short update. Bawi ako next time :)

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon