Chapter 1

15.3K 310 43
                                    

Hello guys!

TRD is back! :) This story can stand alone, but if you wanna know Helen & Marvin's history, it's better to read my other story, Marry Me, Beki! Dun sila unang naglandian. :D

By the way, more on Helen's POV po ang story though inuna ko munang dumaldal si Marvin sa prologue. Lol.

For those who want dedics, comment lang po. :)

Ciao! xx

---------------------------------------

Chapter 1

Helen's Point of View

Si Calvin Buenaventura.

Ang tumayong ama ng anak kong si Hevin for about two years simula nang nag-three years old siya. Nakilala ko siya sa isang resort. Celebration noon ng 3rd birthday ni Hevin. Siya ang nagsilbing knight-in-shining armor ng anak ko.

Gabi noon at busy kaming lahat sa pagliligpit ng mga gamit dahil pauwi na kami kinabukasan.

Napansin ni Mama na nawawala ang anak ko. Hindi ko napansin yun dahil nang iniwan ko siya sa kwarto ay mahimbing na ang tulog niya. Kaya naman abut-abot ang kaba ko nang sabihin ni Mama na wala si Hevin sa kwarto niya.

Hinanap namin siya sa halos buong resort. Todo na ang pag-iyak ko at pagsisisi dahil iniwan ko siyang mag-isa sa kwarto niya. Malamang ay hinanap ako nun nang magising siya at nang hindi ako nakita ay lumabas siya upang hanapin ako.

"Hevin! Asan ka na, Anak?!"

D'yos ko, huwag Niyo naman pong ipahintulot na may mangyaring masama sa anak ko. Ikamamatay ko kung pati siya'y mawala sa akin.

"Mommy!" ilang sandali ay narinig ko ang tawag niya.

Nabuhayan ako ng loob nang makita siya. Ngunit agad na nataranta nang makita siyang bitbit nang isang 'di kilalang lalaki.

Agad naman akong tumakbo palapit sa kanila. Kinuha ko ang anak ko at 'di napigilang mapahagulgol dahil sa sari-saring emosyon.

"Anak, saan ka naman nagpunta? Pinakaba mo naman si Mommy! Huwag mo na ulit gagawin yun ah?"

Naramdaman ko ang maliliit niyang daliri na pinahid ang mga luha ko. "Sorry po. Hanap lang kita Mommy eh."

Hindi ko napigilang mapangiti. Sadyang matalino ang anak ko. Manang-mana sa kanya.

Aish! Di ko na sya dapat isipin pa. Isa siyang masamang panaginip sa buhay ko. Si Hevin lang ang magandang naidulot nya.

"Mommy, huwag ka na iyak. I'm here na oh!" sermon pa ng anak ko.

"By the way Mommy, look at him!" sabay turo nya dun sa lalaking may karga sa kanya kanina. "He's my knight-in-shining armor, my Daddy Calvin!"

At doon nagkaroon ng instant daddy si Hevin. Basta nya nalang idineklara na daddy nya na daw si Calvin. Hindi naman tumanggi si Calvin. Mabait sya at magkasundo talaga sila ni Hevin. In fact, mas close pa nga 'ata sila ng anak ko kesa saken. But still, thankful talaga ako kay Calvin sa pagmamahal na binibigay nya kay Hevin.

Magkaibigan kami ni Calvin, though madalas din siyang magpahaging o magparamdam, I still consider those gestures as a simple joke. I don't really plan to go into any relationship. Masyado na kasing masakit yung pinagdaanan ko— yung pang-iiwan niya. Masakit, sobra. Nakakatrauma.

I really loved him. I did. Kaya nga naisunod ko pa sa pangalan naming dalawa ang pangalan ng anak namin. Yun ay dahil mahal ko siya. Though cold and civil lang palagi ang pakikitungo ko sa kanya noon, defense mechanism ko lang yun to hide my feelings for him. It's because I don't wanna ruin our friendship. Our friendship that I have treasured for years. Hindi ko gustong isugal yun dahil alam ko namang ako rin ang talunan bandang huli.

Of course, it's very impossible for him to love me back. Hindi ang mga tipo ko ang magugustuhan niya.

Lalake. Kapwa niya lalake ang gusto niya.  That was the hell truth! And it hurts. A lot. Lalo na nung magbunga pa ang one-sided love ko sa kanya, na siya namang tinakbuhan niya.

That night, that very wonderful night. Though lasing kami pareho ay nasa katinuan pa rin naman ako noon. Ngunit sya, malamang ay wala. Baka nga napagkamalan niya pa kong lalaki kaya naatim niyang gawin yun sa akin. Despite that, tanggap at mahal ko talaga siya kung anuman ang pagkatao niya noon. Kaya pumayag at nagpaubaya ako, though that was my very first time. Because I love him. His imperfections. His flaws. His humor and everything. I love all of him. Oh, I mean I loved him. And now, dahil sa ginawa niyang pag-abandona sa amin ni Hevin, tanging galit nalang siguro ang nararamdaman ko para sa kanya.

"O, Helen parang galit na galit ka 'ata dyan sa baboy?"

Tila nabalik naman ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang natatawa-tawang tinig na yun ni Calvin.

"Kanina ka pa d'yan?" tanong ko

"Oo. Kanina ko pa rin nawiwitness ang pangmumurder mo d'yan sa lulutuin mong baboy. Hahaha!"

"Ewan ko sayo! Haha, matigas lang talaga 'tong baboy kaya nakakapanggigil," palusot ko pa.

"Sus! Yung baboy ba talaga o baka naman—"

"Asan nga pala si Hevin," segway ko na. Mukhang may isisingit na namang di maganda eh.

"Andun sa garden," sagot naman niya na di napansin ang pag-iiba ko ng usapan.

"Anong ginagawa sa garden?"

" Tutor."

Napangiti ako. Spoiled talaga si Hevin kay Calvin. Pati tutor ay provided nito sa anak ko. Pero nahihiya na din syempre ako sa kanya, sa pamilya niya. Pati kasi parents at kapatid ni Calvin ay mahal si Hevin. Halos lahat talaga ng luho ng anak ko ay binibigay nila. Mayaman ang pamilyang Buenaventura. Pag-aari nila ang malalaking businesses dito sa Batangas, pinakamalaki na ang Buenaventura's Chain of Hotels. Laking pasalamat ko talaga sa pamilya niya, hindi lang sa mga materyal na bagay na binibigay nila sa anak ko, higit lalo na sa pagmamahal na nila kay Hevin pati na rin sa pamilya ko.

"Calvin, salamat ah?"

"Again Helen, for the past two years, yan nalang palagi ang naririnig ko from you. Wala na bang iba?" biro niya pa.

"Basta salamat talaga. Kundi dahil sayo, baka hanggang ngayon hinanap pa rin ni Hevin ang da—"

"O, kanina sinegway mo ko nung babanggitin ko siya. Bakit ngayon ikaw naman ang nagbo-brought up sa kanya?"

Napansin nya rin pala yung kanina. Actually ay hindi rin kilala ni Calvin kung sino ang tunay na ama ni Hevin. Basta ang tanging alam niya lang ay iniwan kami nung gag*ng yun. That's all. Kaya tulad ko ay galit din sya sa duwag na ama ng anak ko.

We've also promise na kahit kelan ay di na makikilala ni Hevin si Marvin, ang ama niyang bading na di siya kinilala. Para maging fair diba? Hindi niya binigyan ng karapatan ang anak ko na kilalanin sya, so wala din siyang karapatang kilalanin ang anak ko. Pero asa namang gusto niya talagang kilalanin siya ni Hevin bilang ama. Tss.

"Ahh galing nga pala kaming park. Naku yang si Hevin, napakaadventurous talaga. Nalingat lang ako saglit, nakatakas na. Mabuti nalang nakita ko siyang kausap nung isang lalaki, I mean, bading pala. Hahaha, lambot e! Crush pa nga 'ata ako. Tss, lagkit kung makatingin!"

"What?!" naalerto ako bigla. "Anong sabi mo, bading?!"

Oh no! Lord, please no. Huwag naman sana.


-------------------------------------------------------------------


The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon