Chapter 32.2

4.9K 148 15
                                    



Chapter 32.2

Nabuhay ako sa takot at pangamba. Sa loob ng mahabang panahon, ang tanging nasa isip ko, isang pagkakamali yung nagawa ko. Natakot ako na baka sa kaalamang wala akong kakayahang magkaanak ay maulit na naman yung pangyayari noon...

I was on college when I had my first love; we were classmates from fresh men to senior year. She was the very first girl that made me realize that I am really guy and not a gay that I used to believe myself since I was a child. Her name is Via and just like me, she is also independent and was living on her own.

Noong first year college kami naging close ni Via. Vin and Via pa nga ang tawag sa tandem namin noon. Batid ni Via ang kasarian ko ngunit hindi iyon naging hadlang para maging malapit kami sa isa't isa. Kasalukuyan akong nagtatrabaho noon sa parlor kasama ng kaibigan kong si Barney, samantalang si Via naman ay part-timer rin sa isang fast food restaurant sa mall. Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya ay ang pagiging masipag niya at dedicated sa trabaho at pag-aaral. Matalino rin siya at maganda, almost perfect na kung tawagin siya ng iba. Hindi ko namamalayan na ang paghanga ko pala sa mga katangian niya ay unti-unti nang napalitan ng pagkagusto at sa huli'y naging pagmamahal.

Nasa sophomore palang kami nang mapagdesisyunan ko nang magbago nang tuluyan para sa kanya, batid ko na rin kasi sa sarili ko noon na talagang nag-iba na ang preference ko sa buhay. For the very first time, my heart beats for a girl. Pero dahil sa takot akong masira ang pagkakaibigan namin, kalagitnaan na ng third year college ako umamin sa kanya and through a love letter pa. Sa sobrang nerbyos ko noon, almost one week rin akong hindi nakapasok. Natatakot kasi akong mareject for the very first time. Natatakot din akong hindi niya paniwalaan dahil siya pa ang nakakaalam sa mga lalaking nagugustuhan ko noon. Bukod kasi kay Barney ay sa kanya rin ako madalas na magkwento ng kaganapan sa buhay ko, isa sa dahilan kung bakit naging masyado akong dependent kay Via.

Fourth year college nang sa wakas ay sinagot nya ako. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko noon. Para akong sasabog sa sobrang tuwa ko. Naging stable ang relasyon namin. Nagkaroon ng mga pangarap at plano sa buhay. Sabi niya sa akin noon ang pinakapangarap niya daw talaga ay magkaroon ng malaking pamilya.

"Ayokong matulad ang mga magiging anak natin sa akin. I don't want them to feel alone. Na minalas mawalan ng mga magulang at naiwang mag-isa sa buhay. Gusto ko, kung mangyayari mang mawala tayo pareho, marami silang magkakapatid na magdadamayan at magtutulungan kahit maulila man sila."

Ramdam ko ang takot na nararamdaman noon ni Via. Maaga kasi siyang nawalan ng parehong magulang. At bilang nag-iisang anak, wala siyang nakapitan noon, tanging sarili niya lamang ang inasahan niya sa pag-ahon sa sakit at hirap na dinanas niya. That's why I gave her a promise...

"I will give you lots of kids, babe. I promise we won't let them feel alone, never."

Pero tila naging napaka-mapagbiro at tuso ng tadhana para sa amin. I was diagnosed as an infertile by Dr. Gervacio Ramos, my lolo's friend, a day before our graduation rites. Sobrang shocked ako noon at hindi ko alam kung kanino ko sasabihin ang biglaang kinaharap kong problema.

Nahihiya ako at the same time ay nahihirapan akong harapin ito nang mag-isa. Mas pinasya kong sabihin ito sa girlfriend ko that time na si Via, siya lang ang tanging tao na alam kong makakaintindi sa sitwasyon ko at makakapagpakalma sa takot na nararamdaman ko. And so I talked to her...

"Via I need to tell you something..." I told her nervously.

But she didn't seem to notice the shakiness in my voice because she seems pretty happy, "Happy monthsary baby! I have a surprise for you!"

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon