Chapter 34

4.4K 135 23
                                    


Dedicated to her who requested for dedic. :)


Chapter 34

"Okay Calvin, sasama na kami sa inyo," pinale kong desisyon matapos ang ilang minutong pagtatalo ng puso't isip ko.

"Pero Len—"

"Vin, we need to go home. Isipin mo rin si Hevin, mahihirapan siyang mag-adjust sa pagpasok sa eskwelahan dahil malayo dito ang school niya. Isa pa, nasa bahay pa nga ang karamihan sa mga gamit niya. Hindi praktikal na bumili ka pa ng bago para lang dun—"

Napatigil ako nang hawakan nya ako sa braso, "Len please..." umiwas ako ng tingin dahil hindi ko gusto ang nakikita ko sa mga mata niya, may namumuong mga luha dito. "Can't you really stay with me?"

Napailing-iling siya at napatingala, halatang pinipigil nalang ang pagbagsak ng nagbabantang mga luha, then he looks at me again matagal na pagtitig bago siya muling nagsalita, "I mean...this is your home Len. Akala ko ba okay na? I thought you won't leave me alone, bakit... bakit..."

Hindi niya na naipagpatuloy ang sasabihin dahil tuluyan nang may pumatak na luha sa pisngi niya, napayuko siya. Tila nahihiya sa inaakto niya. Lalo lang akong naaawa sa itsura niya ngayon, pero hindi ko muna dapat sundin ang puso ko sa ngayon. Dahil may masasaktan...may siguradong masasaktan kung patuloy kong susundin ang totoong kagustuhan ko. At hindi ko naman gustong saktan si Calvin. Hindi ko gustong pahirapan si Calvin na malaki ang naging sakripisyo sa amin ng anak ko.

Dahan-dahan kong inalis ang pagkakakapit niya sa akin, pagkatapos ay yumuko ako sa anak ko, "Hevin, let's go home?"

Nakita ko ang bakas ng kalungkutan sa mukha ng anak ko. Ngunit hindi na siya nagsalita pa at tumango nalang bago magtungo sa kwarto niya marahil upang maghanda na rin sa pag-alis namin.

"Len.."

Muli sana akong tatangkaing hawakan ni Marvin nang harangan na siya ni Calvin, "You heard it yourself pare, we need to go home. Kailangan ko nang iuwi sina Helen at Hevin."

Tinabig siya ni Marvin at dumiretso lang sa akin, agad na akong tumalikod upang umiwas ng tingin sa kanya. Ang pinakaayoko sa lahat ay ang makitang malungkot ang mga mata niya, pero ito ang idinidikta ng utak ko na mas tamang gawin. Hindi naman kasi pwedeng talikuran namin si Calvin nang ganun-ganun nalang. Sa kabila ng lahat ng hirap at pagtulong niya sa aming mag-ina, ito pa ba ang ibabalik namin sa kanya? Ang iwanan at talikuran siya?

"Mag-aayos lang kami ni Hevin, Calvin," I told him at saka nilagpasan si Marvin.

Pagdating ko sa kwarto ng aking anak ay naabutan ko si Hevin na tila nagpupunas ng luha sa kanyang pisngi. Agad na nanikip ang dibdib ko sa nakitang itsura ngayon ng anak ko. Kaya naman nilapitan ko siya at pinantayan, "Baby I know you don't want to leave your Papa Marvin, but we also need to make consideration to your Daddy Calvin. Ang dami niyang hirap sa ating mag-ina 'nak. On our darkest times, he was always there for us. Naiintindihan mo ba ang mommy, baby?"

Dahan-dahang tumango ang anak ko, "Opo mommy, and I also said to you that I will be obedient. So I will just trust on the decision you have made, mommy."

Tumango ako at nginitian ang anak ko. Matapos kong punasan ang pisngi niyang basa na ng luha ay tumayo na ako upang maghanda ng susuotin niya.

"Kaya ko na po, Mommy. Bihis ka na din po," ika ng anak ko.

"Okay baby, labas ka na lang after mo okay?"

She nodded at lumabas na rin ako pagkatapos kong kunin ang sarili kong damit. Dumiretso ako sa banyo upang doon magbihis. Matapos ang ilang minuto ay naabutan ko sina Hevin na nasa kandungan ni Marvin sa sala. Tila may binibilin ang huli sa anak ko. Samantalang si Calvin ay nakaupo lang sa may kusina. Tumikhim ako upang iparamdam ang presensya ko kay Hevin. Nang makita niya ako ay dahan-dahan siyang bumitaw sa ama niya at saka ako nilapitan, "Alis na po tayo, Mommy?"

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon