Chapter 49

3.8K 122 26
                                    



Dedicated to you. =) Ito na yung hinihiling mo. Haha!

***

Chapter 49

"Your promise...always...re...mem...ber your promise."

As he said those heartbreaking words, I felt my whole world crashing. Lalo pa nang tuluyan na siyang pumikit kasabay nang pagbagsak ng kanyang kamay sa sahig.

"Marvin!!!" marahan kong tinapik ang kanyang pisngi ngunit wala na akong narinig na tugon mula sa kanya. Para akong nawawala sa katinuan habang nakikita ang itsura niya ngayon, "Marvin, wake up. Please...don't leave me."

Ngunit kahit na ano pang gawin ko ay wala akong narinig na tugon mula sa kanya.

Hagulgol ako ng iyak dahil alam kong wala na. Nahuli na ako at higit sa lahat ay 'ni hindi ko man lang nasabi sa kanya ang lahat.

"I didn't even say all the things I've wanted to tell you..." ani ko kasabay ng paghikbi. "Mahal na mahal kita, alam mo ba 'yun?"

Alam kong hindi niya na ako naririnig ngunit nagbaka-sakali pa rin ako, "Alam mo ba kung kailan nag-umpisa? Sa park, noong una nating pagkikita noon sa parke as strangers, I fell in love with you. Na-love at first sight ako sayo."

Lalo lang ako napaiyak nang maalala ang lahat nang iyon. Ni hindi ko pa nasabi sa kanya kung gaano siya kagwapo nang araw na iyon.

"You looked so gorgeous that day, kahit pa babakla-bakla ka, lalaking-lalaki pa rin ang tingin ko sayo that day. Mahal na kita noon palang at ang isa ko pang gustong malaman mo..." pilit ko pa ring sabi kahit na hihikbi-hikbi pa rin ako. "Napatawad na kita...matagal na, bago ka pa man din bumalik muli sa buhay namin ni Hevin. Hindi ko magawang magalit sayo nang matagal dahil mahal kita, mahal na mahal ka namin ng anak mo, gago ka tumayo ka na d'yan! Huwag mo naman kaming iwan ulit!"

I cried my heart out as I said those words, I've really regretted all those times na sinayang ko...mga panahong hinayaan kong mawalay pa kami ng ilang taon sa kanya dahil sa pagtakbo namin mula sa kanya. I just realize now na hindi lang pala kami ang tinakbuhan niya, hindi lang pala kami ang tinakasan niya kundi ako mismo, ako mismo ang lumayo sa kanya. Ipinagkait ko sa kanya ang anak namin lalo na ang panahon na dapat ay buo na kami.

"I'm sorry Marvin...I'm so sorry it was all my fault..." I cried and cried.

"I told you not to ever blame yourself."

I felt his hand on my cheek again. Tila nananaginip ako. Kumurap-kurap pa ako nang ilang beses.

Then I saw him smiled at me.

Nangunot ang noo ko lalo na nang may kuminang na diyamante sa ilalim ng ilaw. He's holding now a little squared-box with a ring inside it.

"W-what's this?"

Gulong-gulo ako. Kanina lang ay nakahandusay na siya sa sahig, then one second ito na siya at nakangiti sa akin while offering me a diamond ring in a box.

Hindi ko malaman kung anong mararamdaman. Ang matuwa dahil buhay siya at abot-tenga pa ang pagkakangiti sa akin o ang mainis at batukan siya dahil sa pantitrip niyang ito.

"Will you marry me?" he said.

Tila hindi ko pa narinig masyado ang pagkakasabi niya noon dahil bigla nalang may tumunog na musika sa paligid kasabay noon ay isa-isang nagbukasan ang ilaw ng buong building. Kitang-kita ko ang mga nakangising mukha ng pamilya at mga kaibigan ko habang nakatunghay sa amin.

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon