Chapter 45

4.3K 127 12
                                    



Chapter 45

"Please come home, Len... we need you," ramdam ko ang desperasyon sa tinig ni Marvin. "Our daughter needs you," natigilan ako sa sinabi niya at saka naalala ang anak ko.

Alam kong hindi madali itong ginagawa namin, paano na nga naman si Hevin kung may mangyari sa akin sa proseso ng pag-iimbestiga namin sa mga mabibibigat na taong katulad nina Harvey De Dios at Jacky Lopez.

"Hayaan mong ako na ang kumilos laban sa Tita Jacky ko, besides, sa akin talaga siya galit. Hindi naman ako makapapayag na muli kayong madamay ng anak ko sa galit niya sa akin."

I sighed. Naisip na kahit na gustong-gusto kong tulungan si Marvin sa lahat ng ito ay hindi ko rin maikakailang hindi malabong madamay muli ang anak ko once na malaman nilang pati ako ay kumakalaban sa kanila. Siguro nga dapat nalang akong magtiwala kay Marvin, dapat kong galangin ang mga hakbang na isinasagawa niya rin.

I was about to agree when suddenly, someone snatched my phone from behind.

"Lopez!" nilingon ko agad ito.

"Dionne?" tinapunan niya lang ako ng tingin.

"Yes she's here and she's with me and my sister," kausap niya kay Marvin. "Pwede ba Lopez, Helen's old enough and smart enough to know what's she's doing, a'right?"

Lalong kumunot ang noo niya habang pinapakinggan ang tugon ni Marvin sa kabilang linya, then she sighed deeply, "Okay."

Then after that, she handed me back my phone, "Here."

Tumalikod na siya pagkatapos, inilapat kong muli ang telepono sa tenga ko, I heard Marvin's heavy breathing...pinakinggan ko lang siya.

"Len, come back to us... don't you trust me?" mahinahon na ang tinig niya.

Napapikit ako nang mariin, ang ayoko pa naman sa lahat ay marinig ang ganitong tono ng kanyang tinig, it's my greatest weakness.

Napalabi ako, "Sorry, Vin..."

Gusto ko na kasing ituloy ito kahit ito na lang ang huli. I know it will be hard for him but I think it's going to be unfair for Dionne and Clarice dahil marami na kaming itinuong oras para dito. So might as well participate to them for the very last time, at least.

Matagal bago siya nakasagot.

"O-okay," basag ang kanyang tinig. "Just make yourself safe or I can't promise what I can do to those people."

Napatango ako kahit na hindi naman niya ako nakikita, "Promise this would be the last. Thanks, Vin."

I ended the call after that, mahirap na at baka bumigay na naman ako at sumunod sa gusto niya.

***

Madaling araw na nang sa wakas ay matapos kami.

"Good job, Len. Maganda ang mga naisip mong ideya," Dionne smiled at me. Halata na rin ang pagod sa kanyang mukha then she faces her sister, "Clarice tulog ka na ba?"

Napabangon bigla ito sa sofa, "N-no... I'm not."

Bahagya akong natawa sa marahas na ginawang pag-iling nito, obvious naman kasi na antok na antok na ito.

"Did you just laugh at me?" mataray na tanong nito sa akin.

"No," tugon ko. "Namamalik-mata ka lang, inaantok na din kasi ako."

Inirapan niya lang ako.

"Thank you, Clarice," ani ko. Malaki pa rin kasi ang utang na loob ko sa kanya dahil sa pagsasakripisyo niya para makatulong sa amin.

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon