Chapter 21

6.3K 192 12
                                    



Chapter 21

Five years later...

"Chairman Lopez, we need to reschedule your meeting to the CEO of C.H. Group because of some circumstances."

Natigil ako sa pagbabasa ng powerpoint na ginawa ng aking secretary at umangat ng tingin sa kanya.

"Again?" I asked her.

"Yes Sir, and they have already extended their deepest apology to you, Chairman."

"When will be the third re-schedule?"

She checks her reminder notepad and said, "Next month Sir, March 23 at 7pm Marriott Hotel."

"Okay, thank you Miss Schievvie. You may go now."

And so she did what I have said. Naging mag-isa na naman ako sa kwartong pinag-ukulan ko ng aking apat na taon. Ang unang isang taon ay binuno ko sa palihim na pagsunod at pagbabantay sa mag-ina ko sa Korea kung saan sila dinala ni Calvin. Hindi lang iilang beses kong pinigilan ang sarili kong lapitan sila, humingi ng tawad at bawiin sila kay Calvin. Ngunit ilang beses din akong pinipigil ng konsensya ko sa tuwing naiisip ko ang lahat ng ginawa ko sa kanila, lalo na kay Helen na siyang pinakanasaktan ko sa lahat.

I looked at the picture frame at my desk, it was the last photo the three of us have taken together. Ang saya lang namin noon, hindi ko akalaing yun na pala ang huling beses na ngingiti ako nang totoo. I missed them... so much that it almost took my life. Yes, I've tried several, no, a lot of times to commit suicide. Hindi lang dahil sagalit ko sa sarili ko sa nagawako sa mag-ina ko, kundi dahil sa sobrang  kaduwagan ko upang makabawi sa kanila... upang humingi ng tawad kahit pa paulit-ulit... kahit pa ilang beses niya akong ipagtabuyan. Hindi... hindi ko ginawa. It takes a lot of courage para harapin sila. And I think I don't even have a bit of that.

Naging dahilan pa ang pagkamatay ng Lolo ko apat na taon na ang nakalilipas para sa tuluyang pagtigil ko sa pagsunod-sunod sa aking mag-ina. Napilitan akong umuwi ng Pilipinas nang malaman kong inatake sa puso si Lolo Inggo. Walang nakakaalam kung bakit biglaan ang  pag-atake ng sakitniya. Ang sabi lang ng mga katulong sa akin, hingal na hingal ang lolo ko isang araw noong umuwi ito galing sa isang business meeting. At kinagabihan nang hapunan habang tinatawag nila ito ay hindi na ito nagising pa mula sa pagtulog. They said it was a cardiac arrest.

Simula noon ay ako na ang nagpatakbo ng kumpanyang iniwanan niya. Ito kasi ang nakasulat sa huling testamento niya. Ibinigay niya sa akin ang lahat ng ownership right ng Lopez Group, samantalang iniwan naman niya ang pangangalaga sa mga bukirin namin sa Batangas sa pangalan nina Tita Jacky at ng anak niyang si Chiya. Ganunpaman, pinilit ni Tita Jacky na ipasok ang anak niya sa Headquarters ng Lopez Group. Ipinakiusap niya sa aking gawin itong Director ng Purchasing Department. Wala naman akong nagawa dahil kapatid ko pa rin si Chiya.

Simula rin nang napunta sa akin ang lahat ng responsibilidad na ito ay kinalimutan ko na ang nakaraan ko, ang pagiging salungat ng kasarian ko. Himala ngang wala na ko 'ni katiting na nararamdaman ng pagkahumaling sa kapwa ko lalaki. Siguro dahil narealize ko na rin kung ano talaga ang gusto ko, kung sino talaga ang gusto ko. Masaklap lang dahil saka ko lang nalaman iyon kung kelan wala na sila sa akin... kung kailan wala na siya sa akin at hindi na mapapasaakin pa.

Indeed, regrets are always in the end.

"Chairman Lopez, we're now here in your mansion."

Nagising ako sa marahang pagtapik sa akin ni Kiara, ang babaeng driver at bodyguard naini-assign sa akin ni Lolo bago siya mawala. Ayaw ko man ay wala na akong nagawa. Mukhang pinlano na talaga ng lolo ko para sa akin ang lahat bago pa man siya mawala. Masyado talagang protective si Lolo Inggo sa mga mahal niya.

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon