Chapter 3

9.6K 258 36
                                    

Chapter 3

Marvin's POV

"HINDI AKO ANG AMA N'YAN! WALA AKONG ANAK O SINUMANG NAANAKAN! HINDI AKO PWEDENG MAGKAANAK!"

*PAK!*

Nagising ako bigla. Panaginip na naman pala. Isang masamang panaginip. Ano ba 'to? Bakit paulit-ulit nalang ang panaginip na 'to?

At bakit sa tuwing nananaginip ako ng gan'to, lagi nalang din may sumasampal saken. Tss!

"Nananaginip ka naman, Bakla!" si Barney, ang baklitang bestfriend ko na walang habas na sumampal sa akin.

"Bakit mo 'ko sinampal, Bakla?!" inis ko siyang inirapan, ang sakit kaya.

"Pa'no tanghali na'y nakahilata ka pa d'yan. Kanina pa gising ang Diyos, ikaw naghihilik pa pati tumbong mo 'dyan!" birada na naman ng baklang dinosaur.

"Wapakels! Hmp!"

"Nga pala, may bisita ka."

Nabuhayan ang tuyo't kong dugo. "SINO?! SI FAFA PJ BA?!"

Si Fafa PJ lang naman ang ex kong naiwan ko sa Maynila dahil sa bwiset na Helen na 'yun! Tss, kundi dahil sa mga kaekekan niyang palabas na buntis daw siya at ako ang ama eh hindi sana ako tatakbo dito sa probinsya ng Batangas para matakbuhan ang kakulitan niya. Psh, gaga ba sya?! Ako pang niloko nya! Ama daw ako ng pinagdadala nya eh samantalang matagal ko nang alam na baogskie ako!

Yes! Accidentally, nung nagpatingin ako sa doktor ay natuklasan nya rin ang pagiging incapable ko. For short, BAOG ako. So anong malaking kalokohan ang pinagsasabi niyang nabuntis ko daw siya. DUH?! Desperada much?

At kung sakaling nabuntis nga siya nang totoo, ang kapal naman ng feslak niyang ipaako saken ang panghabambuhay na responsibilidad dala ng kakatihan niya. Tss. Ni wala nga kong maalala sa gabing pinagpipilitan niyang may nangyari daw samen. Oo, we've found ourselves naked that time. But does that mean na may nangyari na agad samen?

Kapag walang saplot pareho, nagchukchakan na agad? Hindi ba pwedeng nainitan lang?!

Kaya naman I have decided na gumora nalang somewhere at layasan siya. Haay. Sinong baklang gugustuhin magkaanak sa isang babae? Tss. Kung kay Fafa PJ yun, okay lang. Aakuin ko talaga ang responsibilidad. At least happy family kami diba?

Hay naku, sa sobrang kakulitan ng lahi ng babaitang Helen na 'yun, pati sa panaginip ko, hinahabol ako.

"Juice colored! Waley naman po akong matinding kasalanan sa inyo. Bakit nyo naman po pinapadanas sa akin ang ganitong paghihirap."T___T

"Hoy, Bakla! Huwag ka na mag-emote d'yan. Babain mo na ang bisita natin. O'sya mauuna na ko sayo at sumunod ka nalang dun sa sala," sabay exit ni Barney.

Syempre ako naman, ang beauty ko ay mas lalo ko pang pina-beauty. Mahirap na, baka nga si Fafa PJ yun. Ayyieee. Kilig mats!

"Nga pala Bakla, kung inaakala mong si PJ mo yung bisita eh nagkakamali ka."

"WHAT?!" langya, super fantasizing na ko dito oh! Tas babalik-balik pa 'tong baklang dinosaur na 'to at sasabihin hindi daw si Fafa PJ yung bisita. Tsk! "Eh sino ba 'yun? Cute ba?"

Sana naman cute. Pampalubag-loob man lang.

"Oo cute. Bilisan mo, bumaba ka na!"

After that, dali-dali na kong nagpaganda at bumaba.

"Hello! May pogi daw dito!"

"Marvin! Kamusta ka na?"

Napasimangot ako. Kung pwede lang mag-status sa facebook ngayon ng Marimar Gandalicious is feeling disappointed, ginawa ko na. -____-

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon