Chapter 11.2

7.4K 225 7
                                    

Chapter 11.2

Helen's Point of View

Lakas- loob na kong nagtungo kila Marvin. Bahala na kung kainin ko man ang pride ko sa gagawin kong 'to, pero para sa anak ko, tatanggapin ko na ang alok niyang pagtira sa kanila.

"Whatcha doing here?" tanong agad ni Marvin habang pababa ng hagdan nila.

Hindi ko muna siya sinagot agad dahil inaabangan ko ang pagsunod sa kanya ni Hevin.

"Asan si Hevin?" tanong ko nang mapansing wala ito.

Nilingon naman ni Marvin ang likuran niya at tila nagtaka rin nang hindi nakita ang anak ko.

"Ay oo nga, waley ang jugets!" aniya sabay tingala sa itaas ng hagdan.

"HEVVVVIIIIINIII!" makapatid-litid niyang sigaw. "HEVVVVIIIIINIII!-EHEM! EHEM!"

"Ayan! Langya, para kasing walang bukas kung makasigaw," ani ng kaibigan niyang bading rin.

Pinamaywangan niya naman ito pagharap, "Bakit ba Barney? Eh sa nagpapractice ako para sa pelikula kong Sigaw eh! Ikaw ha," anito habang dinuduro-duro ang kaibigang kapareho ng dugo, "Masyado ka nang mapapel sa istoryang ito. Mabuti pang ievict na kita. Chupi! May pasok ka pa diba? Alis! Alis na baklang di naliligong dinosaur!"

"K," maiksing tugon nung Barney sabay walk-out ngunit nakipagbeso-beso muna kay Marvin na siya namang magiliw nitong tinanggap. Nag-flying kiss pa sila sa isa't isa.

Tss. Napailing nalang ako. Ang weird lang nila pareho.

Samantala, muli namang tinawag ni Marvin ang anak ko ngunit walang sagot mula sa itaas. Medyo kinakabahan na rin ako. Baka kung ano nang nangyari kay Hevin. Baka kung ano nang ginawa ng baklang 'yan sa anak ko.

"Asan ba talaga si Hevin? Ano bang ginawa mo sa anak ko?"

"I'm here na Papa Marvin!"

"Ayan, bintangera much kasi," bulong niya sabay irap sa akin.

"Hevin anak!" hindi ko na pinansin ang sinabi ni Marvin. Agad na kong tumakbo sa anak ko para yakapin ito. "Mommy missed you so much!"

Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. Naramdaman ko pang tumulo ang luha ko sa sobrang pagkamiss ko sa kanya. "Miss na miss kita Hevin. I'm so sorry, patawarin mo na si Mommy."

Isang inosenteng mukha ang nakita ko nang iharap ko siya sa akin. Nakatitig lang siya sa akin na tila hindi pa alam kung anong sasabihin. Nginitian ko siya, "Sorry na Baby. Please forgive mommy na, huh?"

Tumango siya nang dahan-dahan, "In some conditions?"

"What's that baby?" alerto kong sagot sa anak ko, handa akong gawin ang lahat mapatawad niya lang ako at bumalik ang dating samahan naming mag-ina.

"First," itinapat niya pa ang maliit niyang hintuturo sa akin, "You will stay here, together with me, together with Tito-Tita Barney, and together with Papa Marvin."

"Uh-huh," pagsang-ayon ko. Ayun naman talaga ang dahilan ng pagpunta ko ditto.

"Second, you will obey ALL the things that Papa Marvin will say."

"Pero anak-"

"You want me to forgive you or not?"

I relinquish, "Okay baby, I will."

Tinignan ko nang masama si Marvin.

"O wala kong tinuturo d'yan! Bruha ka, ako na naman pagbibintangan mo!"

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon