Chapter 36

4.3K 144 17
                                    

Dedicated to you. Natawa naman ako sa comment mo. Thanks for reading! =)

Chapter 36

"Mommy kila lola po ba ako titira for the whole break?"

I looked at my daughter while driving, I smile and nodded.

Maaga kaming gumising upang magtungo sa parents ko. Tulad ng hiniling nila, sa kanila na muna mananatili ang aking anak pansamantala habang wala pa siyang pasok. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang isipin ang naging usapan sa pagitan namin ni Calvin kagabi.

"Len... I know you still love him. And I cannot do anything about it. I am willing to let go of you, but I'm only asking for one last favor...please stay with me for a week."

Naguluhan ako sa sinabing iyon ni Calvin, hindi malaman kung anong pumasok sa isip niya at hiniling niya iyon.

"My parents are going to meet our business partners from China, at ang alam ng mga iyon at may sarili na akong pamilya. That is one of the requirements if you want to be the CEO. Dahil naniniwala ang mga iyon na kung kaya mong mag-manage ng sarili mong pamilya, you will also be able to manage a business. At kailangan naming sundin ang paniniwala ng mga iyon dahil sila ang isa sa pinamalaking shareholders sa B Holdings."

"So ang ibig mong sabihin, kaya ka naitalagang overall CEO ay dahil ang alam ng mga yun, may sarili ka nang pamilya?" hindi ko magawang paniwalaan ang naiisip ko ngayon. "At ang pamilyang 'yun ay kami ng anak ko?"

Tumango siya. And I keep on asking, "So you've also used us for the sake of your position?"

"I'm sorry Len, but believe me I've got no choice. One day nalaman ko nalang na...na sinabi pala ni Mama sa mga Chinese na yun na pamilyado na ako, at... at kayo ang tinuro niya sa kanila na pamilya ko. When I asked her why, she told me na kayo lang ang nakikita ng publiko na kasama ko. Naging laman tayo ng balita noon sa Korea and those pictures of us together ang nagsilibing ebidensya ni Mama sa kanila."

Wala akong naging tugon sa lahat ng sinabi niya, ang tanging nasa isip ko lang ay si Marvin... na kailangan ako ngayon ni Marvin. Hindi ko alam kung bakit wala akong ibang makapang damdamin sa dibdib ko, kundi ang pag-aalala sa kanya. When it's supposed to be ay magalit ako sa nagawa rin sa amin ni Calvin.

"Please Len, I'm begging you... sana mapagbigyan mo ako. This is the last thing that I should do for my parents, bilang kabayaran nalang sa lahat ng ginawa nila para sa akin, lalong-lalo na sa pagtitiwala nila sa akin. Hindi na ako aasang magagawa mo akong mahalin balang-araw, tatanggapin ko nang imposible talagang mangyari 'yun, but instead, I am begging you to help me with this, Len... please."

Nagulo ko ang buhok ko, napapailing sa sobrang frustration na nararamdaman. Ito lang ang kaisa-isang bagay na hiniling talaga sa akin ni Calvin, ito na rin ang pagkakataon kong makabawi sa kanya. Pero...

"Hindi ko kayang pabayaang mag-isa si Marvin, Calvs I'm sorry."

"Ma, kayo na po munang bahala sa anak ko, may kailangan lang din po akong puntahan," I told my mom nang makarating kami sa bahay nila.

"Okay 'nak, but can I ask kung saan ang punta mo?" tanong niya sa akin.

Hindi ako agad nakasagot.

"Don't tell us, magpapakatanga ka na naman sa lalaking 'yun?" singit ni Papa na nakalabas na pala mula sa study room niya.

"Manang Nilda, pakipalitan na muna ng damit itong apo namin," tawag ni Mama sa katulong nila. Tumalima naman ito at isinama ang anak ko sa kwarto namin dito sa bahay. Tinignan ko si Mama ng nagpapasalamat na tingin. Nag-uumpisa na naman kasi si Papa, at ayokong marinig ng anak ko ang lahat ng galit ng lolo niya sa sarili niyang ama.

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon