Chapter 18

5.8K 201 16
                                    


Chapter 18

Malalim na ang gabi, ngunit ang diwa ko'y tila naiwan 'ata sa zoo kung saan kami namasyal nina Helen at Hevin. Hindi ko pa rin kasi malimutan ang mga nangyari kanina. Ang kakaibang "sensyasyon", or should I say unfamiliar feeling na naramdaman ko kanina simula nung picture taking hanggang sa makauwi kami ay hindi na nawala ang di-pangkaraniwang bilis at lakas ng kabog ng aking puso.

"Putspa. Nang dahil lang sa babaitang yun, nagiging makata na ang peg ko? Langya, ginagayuma na yata ako nung Helen na 'yun ah? Tsk."

Pinilit kong pumikit at nagpatuloy sa pagbibilang ng tupa, baka at pati na mga langgam sa aking isipan, hoping na sa pinaggagawa kong ito ay malalamon rin ako ng antok. Ngunit sadya atang naglalaro ang tadhana dahil kung kelan nakaramdam na ko ng pamimigat ng mga talukap ay saka naman nagring ang cellphone ko.

"Punyemas na anak ni Hudas. Hello?!"

"Hello, apo?"

"Ay, Lolo! Kayo po pala yan. Sorry po!"

"May kaaway ka ba, hijo?"

"Ah wala po Lolo, na...naalimpungatan lang po."

"Ganun ba? Kamusta ka apo? Kayo ng mag-ina mo?"

Psh. Eto talagang si Lolo ang ugat nito eh.

Pinilit ko na namang magsinungaling, "Okay naman po 'Lo, masaya. Tsaka...masarap po sa pakiramdam na maka-bonding sila."

Parang may kakaiba... parang hindi na pagsisinungaling ang sinabi ko.

"Natutuwa ako para sayo Hijo, sa wakas ay nahanap mo na rin ang tunay na kaligayahan sa buhay."

Napatango ako, kahit na alam kong hindi naman ako nakikita ni Lolo.

"Saka apo, napansin ko lang..."

Napatigil siya.

"Tila malaki ang pagkakahawig sayo ng anak mo kesa sa kanyang ina. Malakas talaga ang dugo natin apo, ano?"

"Po?" narinig ko naman ang sinabi ng lolo ko pero tila ayaw mag-sink in nito sa utak ko.

"Hindi mo ba napansin iyon apo? Napakaimposible naman nun, o sadyang humble ka lang talaga tulad ni Lolo?"

"Ahh, hehe parang ganun na nga po Lolo. Hehe syempre gwapo ang daddy kaya maganda si Baby," ika ko nalang.

"Tumpak ka dyan. Sadyang biniyayaan lang tayo ng magandang lahi apo ko. Oh siya matutulog na si Lolo gusto ko pa sanang kausapin ang mag-ina mo kaso nag-aalala ako na baka natutulog na sila dyan sa tabi mo, ano? Hihihi!"

Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Lolo.

"Hehe okay po 'Lo, goodnight po!"

Pagkababa ko ng cellphone ay agad kong hinagilap ang number ni Helen. Ilang ring ang nakalipas bago niya ito sinagot.

"Hello?" isang inaantok na boses ang sumalubong sa akin.

"Hello Helen? Pasensya na, naistorbo ko ata ang pagtulog mo?"

"Oo nga," walang kaabog-abog niyang sagot.

"Kaya nga pasensya diba?" nakakairita lang talagang kausap 'tong isang 'to.

"May magagawa pa ba ako? Eh ginising mo na ko. Ano bang kailangan mo?"

"I just need you and Hevin to sleep here from now on."

"Shunga ka ba? Andito na nga kami sa bahay mo?!" iritableng sagot na niya.

"No. I mean not there, but here... right here in my room."

"PINAGLOLOKO MO BA KO MARVINO?!"

Naiimagine ko ang pagtatransform ni Helen mula sa antok na imahe sa pagiging monster.

"Ano na naman bang kalokohan yan ha, bakla?" biglang humina ang kanyang boses, marahil ay dahil sa natutulog nang si Hevin.

"Maglinis ka nga ng tenga mo, bruha ka. Ang sabi ko simula bukas dito na kayo ni Hevin matutulog sa kwarto ko!"

"Pero—"

"Wala ng pero pero, basta bukas dito na kayo matulog tapos!"

I ended up the call bago pa siya makaangal muli.

Ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin ako makatulog.

"Gosh! Ang eyebags ko pwede nang gawing bra ni Helen!" napatigil ako sa sinabi ko.

May naimagine na kung ano.

Shet! Kadiri na utak 'to!

"Bakla ka,Marvin! BAKLA!"

*sigh*

Sa kawalan ng magagawa ay muli kong kinalikot ang cellphone ko. "Mabuti pang iiscroll nalang ang gallery ko."

Ganun nga ang ginawa ko. Syempre ang pagmumukha kong maganda ang una kong nakita. Selfie ko kanina sa zoo.

"Ang ganda ko talaga. Gandang diyosa!"

Hanggang sa napapunta sa mga stolen shots ni Helen. At ewan ko ba kung anong maligno ang sumapi sakin, ako ang nagtake ng lahat ng stolen pictures niya.

Nagkibit-balikat ako, "Wala lang. Eh sa walang ibang mapicturan na hayop sa zoo eh, ang puro nakatalikod. Edi mabuti pang siya nalang."

Mga palusot mo Marvin!

"Hindi talaga ako nagpapalusot, promise. Cross my heart. Hope to... nevermind!"

Nag-scroll pa ko ng nang nag-scroll hanggang sa mapunta sa picture nina Helen at Hevin.

Napakunot ang noo ko. Medyo malayo nga ang pagkakahawig nina Helen at Hevin. Medyo malayu-layo ang features ng mga mata at ilong ni Hevin sa nanay niya.

Nagkibit-balikat nalang ulit ako. Kesa mastress pa ko sa kakaisip. Nagpatuloy na lamang ako sa pagiiscroll sa pictures.

Hanggang sa mapatigil ako sa picture naming tatlo. Si Helen, Hevin at ako.

Parang family picture nga kung titignan.

"Tse! Marvin, tumigil ka d'yan! Echuserang bakla!"

Kahit pa naiinis ay hindi ko pa rin napigilan ang chorvang sarili ko na titigan ang phone ko.

Yung mga mata ni Hevin... yung ilong niya.

Nalipat ang tingin ko sa sariling mukha ko. Nanlaki bigla ang mga mata ko. Unconscious na napahawak rin ako sa ilong ko.

No...

Nagflashback ang kaninang sinabi ni Lolo sa akin.

"Tila malaki ang pagkakahawig sayo ng anak mo kesa sa kanyang ina. Malakas talaga ang dugo natin apo, ano?"

Muli kong pinakatitigan ang larawan ng bata.

"No, Hevin... no!"


The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon