Chapter 7

7.7K 245 16
                                    

Eto na ang start ng promise ko 'bout sa paglabas ng names niyo sa story. :) Enjoy reading.


Chapter 7

Ako, si Hevin at si Marvin ay nagtungo sa Enchanted Kingdom nang hindi alinsunod sa plano or should I say, nang naayon pala sa plano ng pilya kong anak.

"Yey! I am so excited mommy! We're finally here again in EK!" masayang sigaw ni Hevin habang nasa pila kami papasok sa Enchanted. "But sayang wala si Daddy Calvin."

"Oo nga e. Sayang talaga," hindi ako yan, kundi ang baklang si Marvin.

"Tss, until now bading ka pa rin?" hindi ako bitter no. I only said that para naman di ma-OP samen yang baklang yan.

"Aba syempre naman. Bading from then until now and will forever be. Alangan namang maging shiboli ako, labo naman nun teh!" maarteng tugon nya pa.

"What's shiboli teacher Marvin?"

"Oy oy Hevin, don't ask him anything like that. It's not a thing for a child like you," saway ko sa aking anak.

"Ay ay ay! Si mader dear na si Aling Helen istrikta much sa anakis nya?" singit na naman ni Marvin sabay baling kay Hevin, "Little girl, shiboli means---"

"Marvin? Is that you?" Napatigil sya at sabay-sabay kaming napatingin sa gilid kung saan galing yung nagsalita--isang magandang babae kasama ng iba pang magagandang babae. They are like goddesses in a picture.

"Excuse me uhm, but... do I know you? You? You? And all of you?" kunot-noong tanong ni Marvin habang nakaturo isa-isa sa kanila.

Bahagya naman akong natawa dun. Mukha kasing napahiya yung babaeng tumawag sa kanya. But its just for a sudden, bumalik agad ang kanyang composure at pagiging sopistikada.

"Ah haha I guess you can't remember me?" tanong nung magandang babae.

Maganda talaga siya as in. Mahaba ang kanyang buhok na tila kasing haba din ng kanyang makikinis na legs. Maputi siya at tila di dinadapuan ng lamok ang flawless na kutis nya. Matangos ang ilong. At ang kurba ng katawan... tila isang barbie na wala kang masasabi sa sobrang perpekto. At ang kanyang hinaharap, hmm...malaki ang kanyang hinaharap.

Napayuko ako.

Di katulad ko. Mukhang walang hinaharap. :3

"Ah! Yeah! I remember you na! Its you Clarice! Ang babaeng walang ginawa kundi sundan ako nung mga bata pa tayo, right?" walang pakundangan at bahagyang sigaw ni Marvin.

Medyo nakatawag tuloy siya ng pansin ng mga tao sa pila at sa paligid. Pansin kong bahagyang napahiya muli yung tinawag niyang Clarice. But just like earlier, she composed herself in instant and smiles brightly.

"Yes. I am glad you remember now. But Marvs, I think there's a lil bit wrong on your mem'ries."

May pagka-slang pa ang babae, halatang galing abroad. "I'm not your stalker or something... but I'm the one you've promised to marry."

"WHAT?!" this time ay ako naman ang pinagtinginan ng mga tao sa nagawa kong bahagyang pagsigaw.

I looked at Marvin. Hoping he'll say...

"Are you crazy?!"

Nakahinga ako nang maluwag at napangiti. Mukha ngang may saltik ang babaeng 'to. And she's even crazier to say that. Tss, kagandang baliw.

"Why am I crazy?" at nagtanong pa nang painosente ah.

"You foxy little sly," si Marvin sabay turo dun sa blonde na si Clarice. And yes, she kinda looks like that, a foxy sly. Sarreh. But I'm not insecure. Tss. Lumamang lang siya saken ng kapirasong dede no!

"Oo I admit I remember you, but as my makulit na neighbor lang na habol nang habol sa akin noon. Pero yang promise promise na I will marry you?!" ginaya niya pa ang pagka-slang ni Clarice. "Yucks. Eews. Duh?! Mahiya ka nga sa balat mong maputla!"

Pft. This time ay di ko na talaga mapigilan ang mapatawa.

And that what makes Clarice stare at me, "Did you just made fun of me?!"

"Ah hindi. Sorry hindi naman sa ganun. Eto kasing si Marvin--"

"And who are you by the way? Are you perhaps his--"

"NO--!"

"Yes. Why? May problema ka kung sabihin kong she's...

...the owner of my heart?"

This time ay hindi lang si Clarice kundi pati na rin ako at ang anak ko ay nanlalaki ang mga matang nakatingin lang sa kanya. Take note, with matching bukas bibig pa ko.

Tila napaso tuloy ako nang dumikit ang balat ni Marvin malapit sa lips ko nang iangat nya ang baba ko para maitikom ang bibig ko.

Sinabayan pa ng loko ng paglapit sa tenga ko upang bumulong, "Wag ka masyadong obvious dyan. Keme lang 'to para mapalayas natin yung bruha kasama ng mga alipores nya. Just join the ride nalang, okis?"

Dahil dun ay dahan-dahan akong tumango-tango. Nakita kong tinitigan at hinawakan nya rin ang kamay ng anak kong si Hevin. Tumango agad ito habang nakangiti. Tila nagkaintindihan agad sila.

"What?! No! Tell me its not true darling! She's not your girlfriend! I am the one you prom--"

"Uhm I think there's little misunderstanding here," pagpapatuloy pa rin ni Marvin. "Clarice nagkakamali ka. Hindi ko girlfriend si Helen."

Napasimangot agad ako. Lecheng 'to. Pinagmalaki pa kong owner ng puso nya, pero sabay babawiin naman agad ng mga salitang di nya ko girlfriend! Baliw na bakla!

Ngiting-aso tuloy 'tong bruhang Clarice na 'to. -___-

"Sabi ko na nga ba darling I'm still the one--"

"She's not my girlfriend, because she is my wife."

Gulat at napanganga ang reaksyon, hindi lang ako kundi pati na rin 'tong blonding hilaw na kaharap namin.

Hehe. Akala mo ah!

"And I'm their daughter. We are pleased to meet you Tita Foxy," bibong singit ng anak ko sabay lahad ng kamay kay Clarice.

Napailing nalang ako sa parehong-parehong ugali ng mag-ama ko.

------------------------------------------------------

A/N: Hello! Credits po kay Clarice. Sarreh sis kung medyo meany character mo dito. Waitsung lang po sa iba! Malay nyo kayo na ang bibida sa susunod na chappies.

Hihi! Let's wait and see. :) By the way, tell me your thoughts about this chapter please. Thankies! Mwah :*

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon