Chapter 30

5.4K 185 26
                                    



Dedicated kay dear reader na maganda. :) Thanks for being a friend in Facebook. 

By the way, here is now the ten year old Hevin, guys. =)

Chapter 30

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 30

Bakas pa rin sa mukha ni Marvin ang sobrang kaba habang naghihintay ng oras sa pagdating ng anak ko dito sa kanyang condominium. Ipinahatid ko na ito sa driver at kasambahay namin. Halos mapatalon pa siya nang sa wakas ay mag-ring na rin ang door bell.

"Ako na," sabi ko sa kanya dahil baka himatayin pa siya pagkabukas ng pinto.

"No Helen, let me..." pinigilan niya ang kamay ko, may pakiusap sa mga mata niya. Tumango nalang ako at hinayaan siyang magtungo sa pinto. Sumilip muna siya sa monitor upang masigurong sila na nga iyon. Nakita ko pa si Manang Celia na siyang nakaharap sa monitor.

Agad niyang binuksan ang pinto at nginitian ang mga ito. Nakita kong buhat-buhat ni Manong Lermy ang natutulog nang si Hevin. Napabuntong-hininga ako sa itsura ng anak ko, antok na antok na pero hinahanap pa rin ako. Agad na binuhat ni Marvin si Hevin mula kay Manong Lermy. Lumapit ako sa kanila at sabay na kaming nagpasalamat sa dalawa.

"Maraming salamat po sa paghatid sa anak namin," ika ni Marvin na siyang kinagulat ng dalawang matanda.

Inabutan niya ito ng cash na siyang lubos na ipinagpasalamat ng dalawa. Nagpaalam na rin sila sa akin at saka tuluyan nang umalis.

Samantala, maingat na inilapag ni Marvin si Hevin sa kama sa kwarto nito. Pinagmasdan niya ito at saka marahang hinalikan sa noo. Doon unti-unting nagmulat ng mata ang anak ko, tila naalimpungatan. Agad akong lumapit para tapik-tapikin upang magbalik ito sa pagtulog.

"Sorry," mahinang hinging-paumanhin ni Marvin.

Ilang segundo pa ang lumipas at tuluyan nang nagising ang anak ko. Nang magmulat siya ng mga mata ay diretso ang tingin niya kay Marvin. Pumikit-pikit pa siya na tila sinisigurado na gising na siya.

"P-papa Marvin?" mahinang tawag niya dito.

Nang lumingon ako kay Marvin ay tuloy-tuloy na ang pag-agos ng luha nito. Siniko ko siya ngunit yumuko lang siya at tuluyan nang yumugyog ang balikat at saka umiyak nang tuluyan.

Bumangon sa pagkakahiga ang anak ko at takang-takang pinagmasdan siya. "Papa why are you crying?"

Nilingon siya ni Marvin, tila nagkusa rin ang luha ko sa pagpatak dahil sa nakikita kong itsura niya ngayon. Tila pinaghalong saya at lungkot ang nababasa ko sa kanyang mukha.

Umiling-iling siya, "Nothing, Hevin. Papa is just so glad that you still recognize me. And I am very happy to see you again, anak."

Inilahad ng anak ko ang kamay niya sa huli, "Come Papa, don't cry na."

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon