Chapter 18 - Anniversary

88 7 0
                                    

Hindi na ako nagtagal sa beach side,  naiinis lang ako sa tuwing tatama ang paningin ko sa dalawang yon! Who's that guys anyway? I didn't see him before. Kumain kaming apat sa restaurant sa labas lang ng hotel, hindi naman na sila nagtanong kung saan ako nanggaling.

Si Drew nakahanap na agad ng foreigner na babae, kaya nandon siya ngayon kasama yung babae. Si John naman ay natulog na, mas mahaba ang binyahe niya dahil galing pa siyang US. Si Carlos naman may readings daw siya, walong case files at apat na libro ang dala niya, nagpapakadalubhasa ata sa trabaho niya. Habang ako naman, nandito sa room ko pinagmamasdan ang tanawin sa labas buti nalang may veranda dito kahit papaano narerefresh ang utak ko

I have to be strong and look smart tomorrow, not because I want to show off but because I want my dad to acknowledge me to everyone

Mabuti pa nga't matulog na ako ulit D-Day na bukas at ayokong magmukhang puyat

It's six in the morning when I heard a loud knock on my door. It's too early!! Damn it!

"Pag hindi mo to binuksan kukuha ako ng susi!!"

"Sandali!!! Nagbibihis pa!"

Pagkabukas ko ng pinto bumungad agad sa akin si Aki. She looks so fresh, I look at her in the eye, it's so refreshing to see. Tiningnan ko naman ang kabuuan niya at agad na tumaas ang kilay ko

"Why are you wearing that?" tanong ko

Bagay na bagay sa kaniya yung suot niya. She's wearing a white bikini, covered with a white see-through dress

"Bakit? Wala kang alam?"

Alam? Ano bang dapat kong alamin

"Teka nga papasukin mo ako!"

Umatras naman ako para bigyan siya ng daan, nang makapasok na siya sinara ko yung pinto

"Diba nga ang unang pakulo natin ay beach morning party? Next naman ay yung beach activity for the VIP's, tapos ang gagawin natin ay mag assist–alangan namang mag dress ako kaagad hindi ba?"

She has a point, mas comfortable kung yan ang suot niya

"Oh!" may inabot siyang paperbag "ayan ang susuotin mo, ewan ko kung anong laman niyan. Hintayin nalang kita sa lobby, sir"

Mag diin sa sinabi niya, ano nanaman bang mali kong ginawa? I'm so confuse about her attitude. Pinasadahan ko ng tingin yung paperbag, wala akong ganang buksan yon. Kaya naman pumunta muna ako sa veranda, pinagmasdan ang mga taong nag eenjoy sa mga ginagawa nila.

"Do you see that mom? somehow I showed what I could do to a lot of people. I hope you are here to see it, I know you are proud of me. Just watch me up there, I know you are always by my side. I miss you so much mommy" sambit ko habang nakatingin sa langit

Hindi ko sasayangin yung pagpapalaki mo sa akin, gagawin ko ang lahat mom para mapakita kay dad na deserving ako sa pagkilala niya

After reminiscing, I decided to take a bath and have a simple breakfast. It's good that the hotel provided me a food in the fridge so I can cook some basic food. Bacon, toasted bread, and chocolate coffee for my breakfast. I think this is enough for me

After eating breakfast, I opened the closet to find something to wear. Ang hirap kasi puro pang formal attire pala talaga yung dala ko! Napatingin tuloy ako sa paperbag na dala ni Aki. It's a beach attire, gray board shorts dalawa yon at dalawang hawaiian polo shirt yung isa color red at yung isa naman ay white. Pinili ko na yung white para maganda sa mata, hindi ko na sinara yung butones para mas cool tingnan

Kinuha ko yung phone ko at tiningnan yung oras eight o'clock in the morning na! Ang tagal ko pala kumilos! Pagbukas ng elevator pumunta agad akong lobby pero wala siya, lumabas ako at nakita yung mga tao. Nakita ko din yung tatlo at si Dylan kasi mga busy sila, may mga nakikipagkamay sa akin and I just gave them my hand and a small smile. Naglalakad ako ng makita siya sa may bato nakaupo, lalapit na sana ako kaso biglang sumulpot yung lalaki! Siya din yung nakita ko

Boss Series 1: Playboy BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon