Chapter 30

88 3 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Pinagbuksan niya ako ng pinto, hinatid hanggang labas. Buti nakauwi ako ng maayos.

I'm so confused! I don't want us to be together again. I mean, I still like him but not the other way around. He hurt me, he change me. I don't know what to do anymore.

"Ang aga mo magising" sambit ni Ate

"Naalimpungatan eh, hindi na makatulog"

"Mukhang wala kang tulog"

"H-Huh?"

Tumayo ako at tumingin sa salamin, gosh! May dark circles ako! Kasalanan to ng utak ko!

"Nag iisip kasi ako"

"Balita ko nakauwi na yung gagong 'yon"

"S-Sino?" maang-maangan ko

"Sino pa, edi yung gagong lalaki na nagsabing mahal ka. Paluhod luhod pang nalalaman sa harap ko hindi naman pala kayang panindigan yung sinabi niya. Kung alam niya lang yung pinagdaanan mo! Wala kang tulog, wala kang kain, puro ka iyak. Tapos babalik siya dito, takot na ba siyang magtago? Duwag ang hinayupak!"

Ramdam ko yung galit ni Ate sa kaniya. Nung iwan niya ako halos wala akong kinakausap, kahit sila Drew, John, Carlos, at Dylan. Nag aalala silang lahat sa akin, kahit yung Daddy niya pinupuntahan ako para alamin kung maayos ba ako.

"Nakaraan na 'yon ate, hayaan na natin–"

"Hindi! Anong hayaan? Kung hindi ka pa nagbalak tumalon sa tulay hindi ka matatauhan! Huwag lang talagang magpakita ang lalaking 'yon dito sa bahay o kahit saan, kakalimutan kong pulis ako at talagang masasapak ko siya"

Sa lahat ng taong galit sa kaniya, si Ate ata ang pinaka galit. Naalala ko pa noon na hindi siya pumasok sa trabaho para lang bantayan ako.

FLASHBACK

"Ano ba? Ganyan ka nalang Aki? Hindi ka lalabas dito?" sambit ni Ate

"Pabayaan mo muna ako Ate"

"Okay lang sana kung hindi ka mababaliw pag hinayaan kita. Ilang araw ka ng walang kain, naliligo ka pa ba? Napapabayaan mo na ang sarili mo!"

"Ate ano ba?! Sabi ko pabayaan mo ako dito!" sigaw ko

Hindi na siya nagpumulit at lumabas ng kwarto ko. Gabi na pero nandito pa din ako sa bintana nakatingin sa kawalan.

Hirap na hirap na akong intindihin lahat, ang pagkamatay ni Eric, ang pag iwan niya sa akin. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa, hindi ko alam kung masama ba akong tao sa past life ko para parusahan ako ng ganito.

"Bakit ba sa akin nangyayari to? Hindi ko na kaya"

Walang sabi sabi akong tumalon sa bintana, hindi naman ganoon kasakit ang pagbagsak ko. Naglakad lang ako ng naglakad, kahit nakapaa ay okay lang. Walang direksyong ang ginagawa ko.

"Ay ano ba yan, bakit walang saplot sa paa ang dalagitang iyan"

"Baliw ata. Tara na hayaan na natin"

Narinig ko yung dalawang matanda sa may kanto na dinaanan ko na nag uusap tungkol sa akin.

Ganyan nga ho, hayaan niyo lang ako. Huwag niyo akong intindihin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, minsan humihinto ako para magpahinga. Sa tingin ko nakalayo na ako sa bahay. Wala akong dala na kahit ano, tanging sarili ko lang.

Napahinto ako sa may tulay. Gusto kong isagaw lahat ng nararamdaman ko, kulang na kulang na ako, sobrang pagod na ako. Hindi ko na kaya.

"Bakit?! Sa dinamiraming tao bakit ako?! B-Bakit ako yung nakakaramdam ng ganito?! Tanginang buhay to!" sigaw ko habang bumabagsak ang luha sa aking mata

Boss Series 1: Playboy BossWhere stories live. Discover now