Chapter 29

84 3 0
                                    

Halos mapahawak ako sa dibdib ko pagkapasok ko sa cafe. Late na ako, at marami ng customer.

"Ma'am mabuti naman po at nandito na kayo" sambit ni Irish

"Sorry, traffic sa edsa alam niyo naman"

"Okay lang Ma'am, nandito naman po kami ni Coreen"

Si Irish ang nasa cashier, at si Coreen naman ang nag aasikaso ng mga order ng mga customer.

"Ano ba yung emergency na sinasabi mo?" tanong ko

"Tumawag po kasi si Mr. Sy kanina, ang sabi niya po dumaan na kayo ngayon sa boutique niya para masukatan na po kayo ng gown"

"Huh? Bakit ngayon pa? Ano ba yan monthly check up ko ngayon"

"G-Ganon po ba? Paano po si Mr. Sy?"

"Tell him to cancel it. I can't do everything in just a day. Alam naman niya kung paano ang sistema ng check up ko. Magtatagal ako sa hospital"

"Sige po Ma'am"

Nagpahinga ako saglit sa opisina ko sa may likod, maliit lang iyon pero pwede na. Habang nandoon ako ay bumukas ang pinto, si Betty. Siya ang may ari ng cafe na to, apat na kasi ang branch na mayroon siya. Ako ang main branch manager.

"Alam mo na ba ang balita?" tanong niya

"Anong balita ba yan?"

"Umuwi na siya"

Tss..hindi na bago sa akin yan. Magugulat pa sana ako kung hindi kami nagkita, tatlong araw na ang nakararaan.

"Alam ko" tipid kong sagot

"A-Ano? Alam mo? Paano?"

"Nagkita kami"

"What?! Saan? Kailan? Nagpaliwanag ba siya sayo? Anong sabi niya?"

"Wala naman"

"Anong wala? Hindi man lang nagsabi kung saan nanggaling?"

"Hindi naman ako interesado"

"S-Sigurado ka? Ayaw mong malaman?"

"Para saan pa? Wala namang magbabago. Mabubuhay ba si Eric pag nagpaliwanag siya?"

Hindi na nakaimik si Betty, nagpaalam na din ako na pupunta ako ng hospital para sa check up ko.

"As you can see, we can't do anything about the damage in your head. Hindi naman malala iyon, dahil successful ang unang operasyon mo. May mga sandali lang na mahihilo ka at sasakit ang ulo mo" paliwanag ng doctor habang hawak nakatingin sa monitor ng computer niya

"Ano pong dapat kong gawin?"

"Nothing. Just take your medicines mawawala din ang sakit in no time"

"How about my heart?"

"What do you mean?" takang tanong ng doctor

"Gusto ko lang malaman kung okay lang yung puso ko"

"It's fine. The surgery went well. Bakit nakakaramdam ka ba ng chest pain?"

"W-Wala naman...I just can't believe" nagbaba ako ng tingin

"Miss Santos, it's almost two years. You have to move forward in your life, don't let the past trapped you"

"Hanggang ngayon kasi hindi ko matanggap na ako yung nabuhay" nangilid ang luha sa mga mata ko

"May rason, may rason ang lahat kung bakit ikaw ang hinayaan na mabuhay. Siguro naman akong masaya si Eric kung nasaan man siya ngayon"

"Thank you, doc...mauna na po ako"

Boss Series 1: Playboy BossWhere stories live. Discover now