Chapter 1

276 10 0
                                    

"You should be busy Stephen, Puro ka gala" maagang sermon ni Dad sakin. Wala namang bago laging ganito

"I can handle myself and my position to the company dad, don't worry"

"Kailan ka pa kikilos? Pag nasa 30 kana? 22 kana Stephen, dapat parehas na kayo ni Rendell na tumutulong sakin para mapalago ang company. Mahirap pagsabayin ang politics at business"

My dad is currently a governor in our town, he's a busy man. 2 years palang ako nandito sa malaking mansyon niya, tinago kasi nila ako ng halos 20 years sa madla. Because my mom is a mistress sabi nila, but for me she's not. It was an accident, when my mom met my dad he's totally wasted. Lasing si dad non at dahil type ni mom si dad she grab the opportunity to be with him just for 1 night.

"Hon, wag mo masyadong i-pressure si Stephen" sambit ni Miss Elizabeth, I didn't call her 'Tita' or 'Mom'

Hindi kami close ng step-mom ko. She's kind, caring, and loving. Ayoko lang ma attach sa kanya, it's uncomfortable for me to be with her

"I have to go" sambit ko

"Where? You didn't finish your food"

Hindi na ako umimik at lumabas na ng bahay. Hinanap ko muna yung kotse ko, I have two cars pero mas ginagamit ko yung Rolls-Royce na niregalo sakin ni Dad nung birthday ko

--

"Aki! Nandito na si Betty" pagtawag sakin ni Joy

Aalis kasi kami para sa birthday celebration ng isang client ni Betty, sideline ko na din ang tumulong sa kaniya para kahit papano ay may pera ako

Dumaan na kami sa isang birthday shop para mamili ng mga kailangan namin. 21st birthday ito at lalaki ang client kaya naman dapat maayos dahil debut age ito.

"Dito ka muna ha, titingin lang ako ng iba pang kailangan" saad ni Betty

Nakakadalawang basket na kami, at halos umabot na sa 20,000 ang presyo ng lahat ng binili namin. Iba talaga pag mayaman. Nakabalik naman kaagad si Betty dala ang isa pang basket na puno ng party goods

"30,000 pesos po lahat" sambit ni Cashier

Kinuha ni Betty ang isang card at inabot sa kahera

"Para saan yung card na yun?" tanong ko
"Ah, black card tawag dyan. Walang limitation yung card na yan. Sa Client yan"

Tatlong box lahat ng party goods, pinabuhat na namin ito sa ibang crew ng shop. At may kotse na ring nakaabang sa amin

30 minutes ang byahe namin papuntang resort "Casa Dellímé" ang pangalan ng resort. Maraming tao ang busy, ang iba ay nililinis ang pool ang iba naman ay nag aasikaso para sa mga uupuan ng guests

"Grabing party to" sambit ko

"80,000 renta dito sa resort, hindi pa kasama kung ilan lahat ng pupuntang guests"

Like, what the fuck??? Pang isang taong pang gastos na namin yun! Kung ako nga 18th birthday ko ni pancit wala eh

Nagsimula na kaming mag decorate ni Betty, may mga tumulong na rin saming mag-ayos. Nag start kami ng 11:00 am at natapos ng 2:00 pm, simpleng decorate lang ang gusto ng may birthday. Black and gold ang tema ng party

"6:00 pm ang expected time ng pagpunta ng mga guests. Pwede bang kayo nalang sa attendance? May emergency kasing nangyari sa naka toka dun eh. Hayaan nyo double pay naman" litanya ng isang matandaang babae

"Sige po" agad na tugon ni Betty

"Sigurado ka ba?" tanong ko ng makaalis kaagad ang matandang babae

Boss Series 1: Playboy BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon