Chapter 19 -Anniversary Pt. 2

76 4 0
                                    

Hawak ko pa din yung paper bag na binigay ni Stephen sakin, ano bang pumasok sa isip niya't binigyan ako ng ganito? At kung ano man to sana magagamit ko sa pang araw-araw kong pamumuhay. Pagkapasok ko sa loob ay kinuha ko ang cellphone ko, iniwan ko kasi yon kanina. May apat na text doon, binuksan ko yung kay Rendell

From: Rendell
Nice game :) , ang galing mo. See you later. Can't wait to see you wearing something elegant tonight :)

Napangiti nalang ako, simula ng magkausap kami parang bumalik na lahat sa dati. Hindi na din daw niya ipupursigi ang nararamdaman niya sakin, at magandang bagay yon dahil hindi ko alam kung ano pang dapat kong maramdaman kung liligawan niya ako. Ayoko masayang yung friendship namin para lang sa panandaliang nararamdaman namin

Binuksan ko naman yung tatlong natitirang text, lahat ng yon galing kay Joy Cris

From: Joy Cris
Nakakain na si papa, hinahanap ka niya kaya sabi ko nasa trabaho ka. Ingat ka diyan

From: Joy Cris
Nakainom na ng gamot si papa, nasa wheel chair siya ngayon at nilalakad ko siya sa may park para makakita naman ng ibang tanawin

From: Joy Cris
Enjoy ka diyan. Pagbalik mo mag uusap kayo ni mama, may gusto siyang sabihin sayo

Hindi na ako nagreply alam naman niya na magiging busy ako ngayong araw. Humiga muna ako sa higaan, nakatingala sa kisame. Wala namang pumapasok na kahit ano sa isip ko ngayon, isang bagay lang ang hindi nagpapatulog at nagpapakalma sakin ngayong araw, actually kahapon pa to pero iniisip ko na baliwala lang yung nangyari kagabi, kaso hindi mawala sa isip ko!

FLASHBACK

Tahimik sa lugar na to, naalala ko dito kami huminto ni Stephen nung death anniversary ng mommy niya. Napaka aliwalas ng paligid, parang walang problema. Tahimik lang at tanging paghampas ng alon lang ang maririnig

"Why are you here?" napalingon ako sa gilig at nakita ko si Attorney Eric

"Eh ikaw? Bakit ka nandito?"

"I saw you, may I join you?"

"Oo naman. Upo ka"

Nakangiti lang ako sa kaniya, wala na siyang specs na suot kaya kitang kita ko na yung pagod sa mga mata niya

"Okay ka lang ba?" tanong ko

"Y-Yeah. Pagod lang, nagbiyahe pa kasi ako magmula dito"

"Ah...tama ka, nakakapagod naman kasi talaga"

"Ang sarap ng hangin dito, nakakapag bigay ng peace of mind" humarap siya sa akin at ngumiti

"Oh! May vampire teeth ka pala!" napansin ko yon sa magkabilang gilid ng ngipin niya yon "bagay sayo"

Tumawa siya at biglang nahiga sa buhangin, ginawa niyang unan yung dalawang braso niya

"I hate this vampire teeth" ani niya

"Bakit naman? Ang gwapo mo nga diyan eh"
"Namana ko sa daddy ko to, that's why I hate this, and I hate him"

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya, ayokong tanungin masyadong personal. Hindi naman kami close para makisawsaw ako sa buhay niya

"Ayoko mag tanong Attorney. Personal na masyado yan-"

"Eric"

"H-Huh?"

"Call me 'Eric', gusto kong maging kaibigan ka"

For real? Friends? Kami ni Attorney? Aba! Sinong tanga ang tatanggi don!

Boss Series 1: Playboy BossOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz