Chapter 17

73 6 0
                                    

Lumipas ang mga araw na nanatili ako sa poder nila Papa, sa opisina lang kami nagkikita ni Stephen. Sabado ngayon at mamayang 4:00 pm ang alis namin para bumalik sa resort dahil sa lunes na yung event. Nagtitipa ako sa laptop ng lumabas si Stephen sa loob ng opisina niya, madilim ang aura niya, well bagay naman sa kaniya. May nabago sa hairstyle niya, lagi na siyang naka brushed up. Naalala ko tuloy yung attorney na nakilala ko, ano nga ulit pangalan non? Tss...makakalimutin na ata ako ah

"What's my schedule for today?" tanong ni Stephen

"You don't have any important appointment, Sir"

"Good. Umuwi kana after niyan, magkita nalang tayo sa bahay. Naideliver na yung isusuot mo, kailangan ma fitting para masiguro yung size"

"O-Okay"

Tumayo pa ako at yumuko, tanda ng pag galang sa kaniya. Ako dapat yung galit ah? Bakit siya? Ang unfair! Ako tong nilihiman niya!

Tinapos ko nalang yung chart na kailangan ipasa, sinend ko yon sa email account ni Mr. Miller. Hindi ko alam, pero kada linggo o araw ata ay nagpapalit si Mr. Miller ng secretary niya, hindi ko tuloy alam kung nakakaya ng bagong papalit yung trabahong naiwan ng nauna sa kaniya

"Hi" nag aayos na ako ng bag ng magsalita ang pamilyar na boses na iyon

Parang nakita ko na siya. Naka suit and tie na black, attache case lang ang dala niya, naka specs siya, yung buhok niya naman ay nakahati sa kaliwang side tapos may volume yung makapal na bahagi nung hati hindi ko alam tawag sa hairstyle na iyon

"Hey!" tawag niya "are you alright?"

"O-Oo, s-sino ka?"

Tumawa lang siya. Ayy may mali ba sa tanong ko?

"Grabi ka naman, kakakilala lang natin nung nakaraan nakalimutan mo na agad ako"

Yung boses niya!! Hindi pwede! Siya ba yon? Bakit mas gumwapo siya?

"It's me, Eric"

"I-Ikaw ba yan? Bakit hindi kita nakilala?"

Tumawa siya bago sumagot "Nagbago lang ako ng kaunti, aatend din kasi ako sa event"

Aatend siya? Eh ako nag ayos ng invitation ah? Pati sa design ako din. Sa arranging ng mga guests ako din! Bakit hindi ko matandaang nakalagay siya doon?

"Ang lalim naman ng iniisip mo. Huli ng pinagawa ni Mr. Miller yung para sa akin, kailan lang naman kasi ako naging attorney niya. Namatay kasi si Attorney Perez, kaya ako yung pumalit sa kaniya"

Ah..yun pala! Akala ko naman may pagkukulang ako

"I heard you planned all of it"

"Huh?"

"Wag ka na magulat, lahat ng mga tao dito alam na yung idea sa theme ay galing sayo. Pinolish lang ni Stephen pagdating sa actual place" lumapit siya sa akin halos gahibla nalang ng buhok ang pagitan namin "I like it, beach party"

Pagkasabi niya non ay inabot niya yung calling card niya, infairness ang elegante tingnan. Simple pero may dating

Paglabas ko hindi ko inaasahang nandon sa may kanto si Stephen, nakapamaywang pa siya

"Ang tagal mo!" sigaw niya

"Wala akong sinabing hintayin mo ako. Ano palagay mo sakin? Lumpo? Hindi makakapunta ng bahay mo?"

"Hanggang kailan ka ba magiging malamig sa akin?"

"Ay wow! Sino kaya satin yung pabebe? Ako yung nilihiman pero kung makitungo ka sa akin parang ako pa may kasalanan!"

Boss Series 1: Playboy BossWhere stories live. Discover now