Chapter 27

77 2 0
                                    

After a couple of minutes the rescuers arrived with Rendell, kinalagan ko si Dylan habang naghihintay ng tulong. Parehas kaming iyak ng iyak dahil tatlong tao na walang malay ang kasam namin.

"Pre...g-gumawa tayo ng paraan!!!" sigaw ni Dylan

Wala akong nagawa kung hindi ang hawakan lang si Aki, natutulala ako kahit na nandoon na ang tulong walang salita ang lumalabas sa bibig ko. Gusto kong magwala, pero wala akong lakas. Gusto kong patayin si Edward dahil sa ginawa niya, pero hindi ko kaya.

Nakaposas na si Edward ng tingnan ko, halatang nagulat din siya sa nangyari. Lalo akong nagtaka ng magpumiglas siya at hawakan ang mukha ni Eric na ngayon ay wala ng malay.

"A-Anak!!! Anak ko!!!" naghuhumigpis niyang sigaw

Napabaling ako kay Eric, tinawag niya tong anak, posible bang si Eric ang tumulong sa akin noon? Kung siya man 'yon, gusto ko siyang pasalamatan sa ginawa niya sa akin.

Unang dinala sa stretcher si Dad dahil siya ang malapit sa rescuer, sunod si Eric na parehas ang tama kay Aki. Huling dinala si Aki dahil medyo malayo kami, sumakay ako sa ambulansyang lulan si Aki. Pinapump ng pinapump ang dibdib niya, hindi man ako doctor alam kong nasa kritikal ang vitals niya.

Nang makarating kami ng hospital, lahat ng tao doon ay nagulat. Ang mga nurse agad na tumawag ng mga doctors, apat ang operating room ng hospital kaya sabay-sabay silang inoperahan.

"Stephen, you need to get a treatmeant for your wounds" sambit ni Kuya

Hindi ko alam, pero bigla nalang bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Sinusuntok ko na ang pader pero nandito pa din ang sakit.

Si Daddy may tama ng bala sa kanang tagiliran niya, napuruhan din siya ng dahil sa paghampas sa kaniya.

Si Eric naman, sa ulo tinamaan ng bala dahil papaulanan pa sana ni Edward ng bala si Daddy nung humandusay ito sa sahig. Pero bago palang dumapo ang bala may Dad, si Eric na ang sumalo non.

At si Aki, siya ang sumalo ng bala na para sa akin. Hindi ko alam pero pinipiga ng husto ang puso ko sa tuwing naaalala ko ang mga mata niya bago ito mawalan ng malay, nakatingin siya sa akin bago mawalan ng malay.

Isa isang nagsidatingan ang mga tao, si Ma'am Elizabeth na halos hinamatayin sa kakaiyak. Kaya inalalayan ni Kuya bago papuntahin ng waiting area.

"S-Stephen, are you alright?" tanong niya

Tinitigan ko siya mata, gusto kong basahin kung galit ba siya sa akin dahil nangyari ito sa asawa niya ng dahil sa akin. Inaasahan kong sasampalin niya ako, sisisihin niya ako sa lahat ng nangyari. Pero wala ni isa sa mga inaasahan ko ang nangyari, dahil ng hindi ako makasagot at niyakap niya nalang ako at doon na muling bumuhos ang mga luha ko. Ang yapos ng isang ina na tatlong taon ko ng hindi nararamdaman ay naramdaman ko ulit, masakit isiping iba ang trato ko sa kaniya pero ang trato niya sa akin ay hindi mo kakikitaan ng masamang gawain.

"Shh...stop crying my son. I know how it hurts, I'm here...just call me or hug me whenever you feel in pain"

Lalong lumakas ang pag-iyak ko dahil sa mga sinabi niya. Maski si Kuya at Dylan na ngayon ay kasama na ang magulang niya ay umiiyak dahil sa akin.

Ganon ang sitwasyon namin ng dumating ang step mom at kapatid ni Aki.

"Asan ang kapatid ko?! Nasaan siya?!" galit na tanong ni Joy Cris kaya naman tumayo ako

Tumayo ako hindi para magpaliwanag, kung hindi ang humarap sa kanila at humingi ng tawad. Sa tanang buhay ko, hindi ako nanghingi ng tawad sa mga taong nasaktan ko. Pero alam ko ang sakit na malaman mo na nasa bingit ng kamatayan ang isa sa mga kamag anak o mahal mo sa buhay. Pinunasan ko ang mga mata ko, bago humarap sa kanila. Maga na ang mata ni Joy Cris ganon din ang mama niya, lumunok ako ng tatlong beses bago lumuhod at umiyak sa harapan nila.

Boss Series 1: Playboy BossWhere stories live. Discover now