Chapter 2

152 7 0
                                    

"Teka! Teka! Bakit tayo umalis dun? Di pa tapos yung party! Wala pa kong sahod!" sambit ni Aki

Dinala siya ni Rendell sa isang convenience store para makalayo na din sa paningin ni Stephen

"Ah kasi baka magkita ulit kayo ng kapatid ko"

"Eh ano naman? Alam mo ang sarap patulan ng kapatid mo! Napaka babaero! Aish!"

Napangiti na lamang si Rendell sa nakita nyang reaksiyon ni Aki, halos sampung taon na rin ang nakalipas mula noong huling kita nila. Wala pa din itong pinagbago, maganda at parang hindi galing sa mahirap na pamilya ang kaibigan niya

"You know, you look like a princess tonight" sambit niya sa dalaga

"Ah..... Ano ba sinasabi mo? Kanina mo pa sinabi yan baka maniwala ako"

Inayos ni Aki ang kaniyang upo at hindi mapakali sa kaniyang upuan, pinagtitinginan na rin sila ng mga tao dahil sa kanilang suot

"Hindi ba nakakahiya to? Tingnan mo suot natin oh. Pinagtitinginan na tayo"

Lumingon lingon si Rendell sa paligid niya at nakatingin nga sa kanila ang mga tao. Nakalimutan niyang anak siya ng isang kilalang tao

"Ganun ba? Tara na may pupuntahan tayo"

Tumayo na ito at hinawakan ang kamay ni Aki

"Sa....saan tayo pupunta?"

Hindi na niya ito sinagot at hinila nalang ito palabas ng convenience store at sumakay na sila sa kaniyang sasakyan

**

"Bro, okay ka lang?" tanong ni Carl ng makabalik ako

"What's with that face?" sambit naman ni John

Wala ako sa mood >_< that girl really gets on my nerves! Sumusulpot nalang bigla! This is the third time na umepal siya sa diskarte ko

"Can I see the list of the invited people here John?"

"For what?"

"I just need to check on something"

"Yes you can, punta ka lang sa entrance"

Pumunta na ako kaagad sa entrance, I don't know the reason why I am doing this but one thing for sure I want to know that girl's name. She's dead when I find her name

"Can I see the list?" sambit ko sa body guard na nagbabantay

Inabot naman niya kaagad sa akin ang listahan. Almost all of them are familiar to me, wala ding strange name ako na nakita. Maybe that girl tresspassed? Is she a girlfriend of someone? Nagpatuloy lang ako sa paghahanap at dinouble chech ko na rin ang list pero wala talaga

"Sino nagbantay dito kanina?" tanong ko

"Ah si Miss Betty, yung party organizer. Nandun siya sa may dulong table katabi ng mga pagkain. Sir"

Pumasok na ulit ako, hinanap yung table na sinabi ng guard. I saw a girl, she's not familiar to me kaya lumapit ako sa kaniya

"Excuse me Miss, Ikaw ba si Betty?"

"Omyy! Stephen? Stephen Miller? Oo ako nga si Betty"

Napangisi naman ako ng bahagya, malalaman ko din pangalan ng babaeng yun. Lagot talaga sakin yun!

"Ahmm, may kasama ka bang ibang babae? I mean she's wearing a wedge heels"

"Si Aki? Si Aki ba hinahanap mo?"

Boss Series 1: Playboy BossWhere stories live. Discover now