Chapter 20 -Anniversary Last Part

73 4 0
                                    

"May I have this dance?" tanong ni Stephen

Hindi alam ni Aki kung bakit gusto niyang tumayo at makasama ang binata, bumibilis ang tibok ng puso niya habang nakatitig sa mga mata ni Stephen. Tatayo na sana siya kaso biglang nilahad ni Stephen ang kanang kamay sa direksiyon ni Tricia

Aki's smile suddenly disappeared when she felt something in her heart, it's hurting her into tiny pieces

Tumayo si Tricia at masayang ibinigay ang kamay kay Stephen at naglakad patungo sa gitna, pinagmasdan pa iyon ni Aki pero kalauna'y itinigil na niya iyon

Gustong gusto niya talaga yung babaeng yon? Porket malaki yung boobs! Tsk...bahala siya, para siyang gago!

Uminom siya ng isang basong wine sa sobrang inis niya, lahat ng tao ay nagsasayawan at halatang masaya. Napangiti nalang siya ng isiping isa siya sa dahilan kung bakit nangyari ang bagay na ito

"Oy, umiinom ka? Pwede ka ba niyan?" tanong ni Dylan at umupo muli sa tabi niya

"Libre, sayang naman" sagot niya

"Okay ka lang ba?"

"Oo naman. Bakit hindi naman ako magiging okay?" mataray niyang tanong

"Wala naman. Ang talas ng tingin mo sa mga sumasayaw, wala bang nagsayaw sayo?"

She formed a crazy smile before answering him

"Dalawang lalaki kaya ang nagsayaw sakin. Dalawang gwapong lalaki na nag uumigting ang panga. Mabango! Masarap! Walang wala sa Stephen na yan!—Shot pa!!"

Tumawa si Dylan sa sinabi niya, nakakailang baso na siya wine at hindi pa siya nakuntento at humingi pa siya sa waiter ng isang basong rum

"Tama na yan, malalasing ka" pag awat ni Dylan sa kaniya

"Ikaw? Ayaw mo na ba sakin? Diba gusto mo ako? Bakit hindi mo ako sinasayaw? Sabi mo kanina ako ang pinaka maganda dito? Sinungaling ka pala eh!" pagkatapos niyang singhalan si Dylan ay lumaklak muli siya ng alak

"Oh tara, sumayaw tayo. Sayang ang ganda mo kung itatambay mo lang dito"

Inalalayan siya ni Dylan dahil medyo lasing na siya. Agad naman niyang inilagay ang dalawang braso sa balikat nito. Naghiyawan ang lahat ng magbago ang tugtog at napalitan ng napaka pamilyar na kanta

"What the fuck? Careless whisper?" sambit ni Dylan

Tumawa ng malakas si Aki sa naging reaksyon ni Dylan

"Erotic song haha. Maganda naman yan, wag kang choosy"

Nagsimula na silang sumayaw, ang iba ay natatawa dahil kailangan nilang matapos ang kanta. Enjoy na enjoy naman si Aki sa ginagawa niya, mukhang lasing na siya dahil namumula na ang pisngi niya. Si Dylan naman ay tawa ng tawa sa pag giling ni Aki habang sumasayaw silang dalawa

Inis na umupo si Stephen sa upuan niya ng makitang masaya si Aki sa ginagawa niya

Really? Dancing with Dylan? At gumigiling pa talaga siya ha

Uminom siya ng tequila, wala siyang paki sa tapang ng iniinom niya. Nagtatagis ang bagang niya ng makitang halos ayaw ng umalis ni Aki sa gitna at halatang gustong gusto na niya ang ginagawang pag giling sa harap ng kaibigan niya. Natapos na din kasi yung run way kanina, bago pa sila sumayaw ni Tricia

"Sige ka, hindi yan titigil kung wala kang gagawin" nagulat siya sa boses ni Drew hindi niya namalayan na umupo pala ito sa gilid niya

"What did you say?" tanong niya

"Wews, halata kana in denial ka pa din. Kanina ka pa namin napapansin na pasulyap sulyap diyan sa sekretarya mo. Kung gusto mo naman kasi kumilos kana, mauunahan ka ng iba dyan" nakangising sambit ng kaibigan niya

Boss Series 1: Playboy BossWhere stories live. Discover now