Chapter 16

72 6 0
                                    

Pagkatapos namin mag usap ni Rendell ay hindi ako nagdalawang isip na umalis, sinilip ko pa ang opisina ni Stephen pero wala siya, hindi siya pumasok! Anak ng...ako nag ayos non! Depungal

Hanggang sa taxi ay hindi maalis sa isip ko yung sinabi ni Rendell

Paano ko siya natulungan noon? Ni wala nga akong matandaang may tinulungan akong lalaki. Baka sa past life ko? Baka namalik mata lang sila? Hindi ako si wonder woman na nagsasalba ng buhay ng iba! Ang gulo gulo!

Nagbayad ako sa taxi driver at naglakad papunta sa bahay ni Stephen, hindi nakalock yung gate kaya kaagad akong nakapasok pero ganoon nalang ang pagtataka ko ng nakalock ang pinto ng mismong bahay. Kinuha ko sa bulsa ko yung susing binigay sa akin at binuksan iyon, tanging ilaw lang sa sala ang liwanag na mayroon doon. Alam kong wala si Stephen, at kung nasaan man siya ay wala akong pakialam!

Umakyat ako sa silid na inuukupahan ko at isa-isang binalik ang mga damit kong nasa maleta na. Wala naman akong magagawa sa desisyon ng daddy niya, hindi man lang ako tinanong kung okay sa akin ang pinapagawa nila. Nagpalit ako ng damit, hoodie jacket at maong shorts lang ang suot ko. Medyo pagabi na din kaya pagbaba ko ay magluto ako ng makakain ko, nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pinto ng bahay dahilan para matigilan ako sa pagkain

Tumambad sa harap ko si Dylan na may hawak na anim na grocery bags. Halu-halo iyon, may mga canned goods, frozen foods, pork meat, fish, beef meat, at iba pa

"A-Ano yan? Ang dami naman?" tanong ko

"Good for one week yan, hindi ako sanay na hindi dumadaan dito eh. Dito ako lumaki at naisip kong baka iniwan mo si Stephen na mag isa dito" baka sa mukha niya ang pag aalala

"H-Hindi ko pwedeng iwan ang kaibigan mo. Alam mo namang kailangan ko ng trabaho"

"Sorry, Aki"

"Sorry saan?" takang tanong ko

"Nagsinungaling si Stephen sayo. Naikwento niya yung nangyari, maniwala ka man o hindi nainis ako sa kaniya. Pero nung malaman ko dahilan niya mag fifty-fifty ako sa sinabi niya"

"Ano ba sinabi niya? Dahil sa trabaho?"

"No. Wala siyang paki sa trabaho. All he wanted to do was to keep you busy so that you don't have to worry about your family, that they're safe with him. Noon napapansin ko siyang nakatingin sa iyo, akala ko wala lang yon pero alam ko na kung ano ang dahilan ng pagtitig niya sayo"

Magulo din to eh! Pare-parehas sila!

"Hindi kita maintindihan"

Ayon nalang ang sinabi ko, at kinuha yung tatlong grocery bags sa kaliwang kamay niya at isa-isa iyong inilagay sa tamang pwesto

"Aki, wala pa si Stephen?" tanong niya

"Wala pa nga eh, saan ba nagsuot yon? Hindi din pumasok kanina"

"A-Ang totoo ay nagkaayan silang magkakaibigan. Nasa bar sila ngayon. Kung okay lang naman sayo ay pwede bang sunduin mo siya? Ayoko na kasing maulit yung dating sinusundo ko pa siya sa hotel sa tuwing nalalasing siya at may dinadalang babae para lang makasama niyang matulog"

"Bakit ako?!" nakataas ang kaliwang kilay ko ng sabihin iyon

"Kasi kailangan akong bumalik kaagad sa bahay. Marami pa kaming aasikasuhin"

Napabuntong hininga nalang ako, para akong nag aalaga ng seven years old na bata!, tinulungan na din ako ni Dylan para mapadali at mapuntahan ma si Stephen

Tumingin pa muna ako sa orasan at eksaktong alas-diyes na ng gabi

"Are you sure you don't want me to give you a ride?" si Dylan

Boss Series 1: Playboy BossWhere stories live. Discover now