Chapter 21

88 3 0
                                    

Nakaupo lang ako sa side ng kama habang tinititigan siya. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang yakap siya, mahimbing pa din ang tulog niya. Inayos ko yung comforter at inayos din ang buhok niya, sobrang himbing ng tulog niya. Paniguradong masakit ang ulo nito pag nagising siya

Lumabas ako ng kwarto para magluto ng agahan, kanina pa ako gising pero ngayon ko lang naisipang magluto. Baka mamaya din magigising na yon, nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng bacon ng biglang tumunog yung cellphone ko

"Hello?"

"Hello sir, this is Marie from information desk"

"Yeah? What's the problem?"

"Your secretary left her key card here sir"

That damn key card!!

"Pupuntahan ko na ngayon diyan, thanks"

Binaba ko na ang tawag at pinagpatuloy ang ginagawa ko, after a few minutes natapos ko na lahat ng niluto ko. I placed it at the table at nag iwan ng note, baka kasi bigla siyang magising

Pagpunta ko sa information desk nakasalubong ko si Tricia may dala ng maleta

"Uuwi kana?" tanong ko

"Yeah. May shoot pa ako, and I need to talk to my mom about something urgent. How about you?"

"I'm staying here, mamaya na ako kukuha ng ticket—"

"Wala ng ticket, last ticket na yung nakuha ko. Puno ang mga planes because of the event last night, most of the guests booked a back and forth flight"

"Really? Wala na bang ibang flight?"

"Two days pa daw, puro international ang meron sila"

"Ganoon ba? Sige salamat. Take care"

"Yeah, you too" humakbang siya palapit at ginawaran ako ng halik sa pisngi

Ugh! May naiwan pang lipstick!

Sumakay na ako sa elevator, dala ko na yung key card niya

Kung bakit naman kasi kailangang uminom ng napakarami hindi naman kaya yung sarili

Naalala ko tuloy yung mga sinabi niya last night, halatang hindi niya alam mga sinasabi niya. Nang bumukas ang elevator dali-dali akong lumabas, napahinto ako sa harap ng room ni Aki dahil nakatayo si Eric doon

Lakas ng loob tumambay diyan, pagkatapos niyang iwan yung ka date niya

"Ehem"

"Mr. Stephen, what are you doing here?"

"I should be the one asking that. What are you doing here?"

"I'm just...waiting for Aki"

"After what you did last night may gana ka pang magpakita sa kaniya"

"W-What? What happened to her?" nag aalalang tanong niya

"Bakit mo pa tinatanong eh iniwan mo nga siya—"

Hindi ko natuloy yung iba ko pang sasabihin ng bigla niya katukin ng malakas yung pinto sa room ni Aki

"Hey! What the heck are you doing?" pagpigil ko sa kaniya

"I'm asking you nicely but you didn't answer any of my questions!! Mahirap bang sagutin ang lahat ng tanong ko? I was busy last night because of the emergency call, it took two and a half hours that's why I didn't have a chance to go back at the party. It's too dark to walk outside, I asked one of the personnel and they said she's here at the hotel. I don't want to disturb her, so I decided to go back at my room. Kaninang 1:00 am dumaan ako dito kaso mukhang tulog na siya, mamayang 12:00 noon ang flight ko kaya nandito ako para sana kausapin siya. To explain—"

Boss Series 1: Playboy BossWhere stories live. Discover now