Chapter 11

91 7 0
                                    

Hindi mapakali si Dylan na pabalik balik ang tingin sa cellphone, hinihintay niyang sumagot si Stephen sa text niya pero walang reply bumaba ito para uminom ng tumigil pero natigilan siya ng marinig ang usapan ni Tricia at Aki

"You're so lucky, two handsome guys are fighting because of you" ani Tricia na may hawak na isang tasa ng kape

"Hindi swerte yon, nandito kami para magtrabaho hindi para maglandian o kung ano man"

"But Dylan was so sweet back there, he let himself being punched"

"Oo nga pala, baka namamaga na ang mukha non. Pero ayokong lumapit sa kanila feeling ko isa akong malaking harang pag pinagpatuloy ko ang pagiging malapit ko sa kanila"

"But tell me honestly, Rendell o Dylan?"

Tumayo ng tuwid si Dylan at mas inilapit ang katawan sa pader para marinig niya ng klaro ang isasagot nito

"Mabait si Dylan, aminado akong bumibilis ang tibok ng puso ko kapag may ginagawa siyang kabutihan sa akin lalo na pag tinutulungan niya ako sa mga gawaing pangtrabaho" tumigil ito at nagpakawala ng malalim na paghinga "Kay Rendell? He's been my friend since I was a kid siya kasama ko lagi sa bahay dahil nagtatrabaho ang papa ko sa daddy niya. Saka ko lang na realize na mahal ko siya noong 12 years old ako hanggang ngayon gusto ko pa din siya pero sa nakita ko kanina, hindi iyon ang Rendell na kilala ko nakakatakot actually kanina habang nagsasalita ako nanginginig ang mga tuhod ko. Habang tinititugan ko ang mga mata niya feeling ko ibang Rendell ang kaharap ko"

"What do you mean na iba?" puno ng kuryosidad na tanong ni Tricia

"Habang nakatingin siya makikita mo sa mata niya na kaya niyang manakit ng kahit na sino. Yung Rendell na kilala ko mabait, may takot, ayaw na ayaw niya makipag-away dahil takot siyang mabangasan ang mukha niya pero kanina ibang tao yung kaharap ko"

"Well, people change. That's what really happenes when you're really facing the real world. I've been there before, shy type and hate talking but look at me right now all those fears are gone. All I can think is to give myself everything I want"

Tumayo ito at lumabas na sa kusina, nagkatitigan silang dalawa ni Tricia sumunod na tumayo si Aki kaya naman kaagad na tumakbo si Dylan papuntang kwarto niya at isinara ang pinto

"I read the article" ani Stephen sa kabilang linya

"So what should we do now?"

"Step aside, saka na natin problemahin yan pag tapos na itong trabaho natin. After this we can focus to this case"

"Copy"

Nilapag niya ang cellphone sa side table at humiga na sa kama. Ilang minuto rin siyang nakatitig sa kisame malalim ang iniisip at punong-puno ng maraming tanong ang isip niya na masasagot lang pagtapos nilang asikasuhin ang trabaho dito. Tumingin siya sa orasan alas-dose na ng madaling araw kaya naman pinatay na niya ang ilaw at natulog

Naunang nagising si Stephen at nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape, ngayon nila sisimulan ang pag-aasikaso para sa anniversary ng kompanya nila. Habang sumisinghap ng kape ay pumasok si Aki na halos magulo ang buhok at halatang masarap ang naging tulog

"Bumaba ka dito na ganyan itsura mo?"

"Bakit? May problema ba don?"

"Wala naman naisip ko lang na feel at home ka dito"

Bigla niyang naalala ang nangyari kahapon, ibang karisma din pala ang dulot nito para siyang sakit na walang lunas. Dalawang lalaki ang may gusto sa kaniya at nanganganib ang kooperasyon na gusto niya para maging successful ang event

Boss Series 1: Playboy BossWhere stories live. Discover now