Chapter 12

160 17 0
                                    

Chapter 12
Missus’s POV

Nangangalumbaba ako habang pinagmmasdan si Archangel na nandito ngayon sa gym. Hindi na ata nabubuo ang araw ko nang hindi ko ito nadadalaw.

Well, it’s fun to be with him saka nagagawa ko naman ang trabaho ko kaya ayos lang.

Pinagtaasan niya ako ng kilay habang umiinom siya ng tubig. Tinignan ko lang naman ito at nginitian.

“Don’t you have something to do?”mahinang tanong niya habang tinatakpan ang botelya.

“Hmm, wala?”patanong na sagot ko naman at natatawang ngumiti pa. Umupo pa ako sa gilid ng treadmill na pinagtatakbuhan niya kaya lang ay biglang umandar kaya naman napatayo ako.

Napanguso naman ako nang makita ang isang magandang babae, hindi lang basta maganda, may katawang talaga namang maipagmamalaki. Hindi ko naman maiwasang mamangha at sinubukan pang hawakan ang abs nito kaya lang ay tumagos lang ako.

“What are you looking at, Mister?”may pang-aakit na tanong niya kay Archangel na napatingin sa kanya kanina.

“Oh.. sorry about that.”sabi ni Archangel at inilingan pa ako. Napaupo naman ako sa hawakan ng treadmill.

“What are you doing?”tanong niya sa akin.

“Sexy niya no? May abs pa! Ang ganda!”hindi ko mapigilang sambitin.

“You’re prettier.”sabi niya naman na parang wala lang. Natigilan naman ako at maya-maya ay nginitian ito ng malapad.

“Sus, sabi ko na nga ba nagagandahan ka sa akin e!”natatawa kong saad.

“Well, that’s what you want to hear, right?”sabi niya kaya napangiwi ako. Sa inis ay binilisan ko pa lalo ang treadmill. Tinawanan ko naman siya ng makitang pagod na pagod niyang inihinto ‘yon.

“Pikon.”bulong bulong niya. Nagmake face lang naman ako at nakangisi pa rin sa kanya.

“Hey, water?”tanong no’ng sexy’ng babae sa kanya.

“Thanks.”sabi na lang ni Archangel at kinuha ‘yon.

“Sus, ‘yan pala ang mga tipo mo, ha?”nakangisi kong saad sa kanya.

“Shut up, Missus..”bulong niya na tinignan pa ako ng masama. Hindi naman nawawala ang ngiti sa mga labi ko.

“Hay nako, kung ako sa’yo popormahan ko na ‘yan! Ang ganda ganda! Ang sexy pa!”hindi ko mapigilang sambitin. Tinignan niya lang naman ako at pinagtaasan ng kilay.

“Bahala ka, ikaw din! Tatanda kang binata niyan!”natatawa ko pang saad sa kanya. Nandoon pa rin ang masamang tingin niya sa akin habang nagbubuhat na ng barbel ngayon. Pasipa sipa pa ako sa hangin habang nakaupo sa tabi niya. Nakikita ko naman ang pagsulyap sa kanya nang ilang babae sa gym.

Well, ang supladong ‘to naman ay walang pakialam sa tingin nila, he was busy with his muscles, lol. Nagmasid na lang din ako sa ibang naggygym dito, marami rin namang malalaki ang katawan pero iba pa rin ang dating ni Archangel, siguro’y dahil alam ko ng hindi lang ang katawan ang maipagmamalaki nito.

Kahit talaga namang suplado ay hindi mo maipagkakailang matalino at mabait ito kahit paano.

“Do you want to come with me? Kain lang.”sabi no’ng sexy’ng babae nang makitang papalabas na si Archangel ng gym.

“Oo ka na!”sambit ko. Aba, panalong panalo na siya dito.

“It’s fine by me.”napaawang naman ang labi ko sa pagpayag nito. Akala ko’y tatanggian niya ‘yon.

Hindi ko naman alam sa sarili ko kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng kung ano. Isinawalang bahala ko ‘yon at sumunod sa kanila.

“Ask her kung saan niya gustong kumain.”hindi ko mapigilang sambitin. Sinamaan niya naman ako nang tingin, ako na nga itong nagmamagandang loob na nagsasuggest e. Hindi ko tuloy maiwasang mapanguso.

Inirapan niya lang ako pero tinanong din naman ang kausap kung saan ba gustong kumain.

“Aalis na kayo, Ma’am, Sir? You looked good together po.”sabi no’ng nagbabantay. Malapad namang ngumiti ‘yong babae samantalang si Archangel ay wala man lang kangiti ngiti sa kanyang mga labi.

“I’ll ride with you then.”sabi no’ng babae at ngumiti. Tumango lang naman si Archangel sa kanya.

Sumakay ito sa frontseat kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumakay sa backseat. Napatingin naman sa gawi ko si Archangel, nginitian ko lang ito. Tinignan niya pa ako sandali.

“What’s wrong?”tanong no’ng babae. Umiling lang siya at nagsimula nang magmaneho. Wala pang ilang minuto ay nakarating na kami sa resto.

“She look classy, bagay kayo!”malapad ang ngiti na saad ko kay Archangel pagkababa.

Tinignan niya lang ako sandali at binalik na ang tingin sa kausap. Hindi ko naman tuloy maiwasang mapanguso nang dahil dito. Umupo naman sila sa pandalawahang table kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumayo sa gilid ni Archangel.

“What about you? Madalas ka sa gym?”tanong ni Mara.

“Hmm, I think so?”patanong na sagot niya.

“Sinungaling!”side comment ko naman dahil ngayon lang naman ito nagtungo doon. Tumaas naman ang kilay niya habang nakatingin sa steak na hinihiwa niya, ni hindi niya ako pinansin kaya napairap ako. Sinbukan ko pang sipain ang upuan kaya lang ay ako lang ang nanghina at gumalaw lang ‘yon ng kaunti.

“What about you? Lagi ka sa gym?”tanong ni Archangel.

“Hmm, not really, I started 2 days ago, ‘di kita nakita!”sabi ni Mara na nakangiti pa rin.

“Ahh, yeah, I was busy.”simpleng sambit ni Archangel.

“Sus, napakasinungaling talaga.”bulong bulong ko. Mas lalo pang tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa kanyang kinakain. Well, busy naman talaga siya pero hindi siya madalas sa gym na ‘yon! Isang beses lang siyang nagtungo doon at ngayon ang araw na ‘yon.

“But I think mapapadalas na ako doon?”patanong na saad ni Mara.

“Type ka niyan, type mo rin?”tanong ko kay Archangel ngunit hindi ako sinasagot. Patuloy lang sila sa pag-uusap kaya naman nababagot akong umalis doon. Nakasimangot na lumabas sa resto. Hindi ko alam kung nabagot lang ako o may iba pang dahilan.

Medyo natigilan naman ako nang pagkalabas ko’y maraming pulis na nakakalat.

“Detective still talking to her, hintayin niyo lang ang senyas ni Detective Arellano bago pumasok.”sabi no’ng isang officer sa police station. Napaawang naman ang labi ko doon. Hindi ko ulit maiwasang mapatingin sa loob.

What the heck? So it’s his mission all along? Ni hindi man lang ako sinabihan ng mokong na ‘yon! Napairap na lang ako, para sa’n pa ‘yong nararamdaman ko? Ano nanamang nararamdaman ang pinagsasabi mo, Missus?

Napailing na lang ako sa sarili at naglakad na lang patungo sa school ni Kaleb, pasipa sipa pa sa batong nadadaanan. Nasa kalagitnaan na ako nang makita ko ang magarang kotse ni Archangel. Binaba niya naman ang salamin.

“Where are you going?”tanong niya sa akin. Nakakunot nanaman ang noo nito.

“Sa school ni Kaleb.”nakangiti ko ng saad ngayon, wala na ang asar sa mukha.

“I’ll give you a ride.”sambit niya. Napakibit naman ako ng balikat na pumasok sa loob.

“Ni hindi mo sinabing aalis ka.”sabi niya. Wala man lang karea-reaksiyon ang mukha.

“Ni hindi mo nga ako pinapansin!”reklamo ko naman. Nilingon niya naman ako dahil dito. Kita ko naman ang pagnguso niya.

“Sorry..”sabi niya kaya napangiti na lang ako.

“Bakit ‘di mo sinabing iniimbistigahan mo pala ‘yong babae?”hindi ko maiwasang itanong.

“I forgot to tell you and you’re not even asking, right?”tanong niya naman. Right. Hindi nga pala magkukwento ito hangga’t hindi mo tinatanong unless he really wanted to tell you something.

“Dito na ako! Sige na, alam kong kailangan mo pang pumunta sa station. See you!”sabi ko at ngumiti na kumaway kaway pa sa kanya. Tumango lang naman ito at nginitian ako pabalik.

Nagtungo naman na ako sa school ni Kaleb. Agad ko rin naman siyang nakita sa classroom nila ngunit mukhang palabas sila ngayon. Hindi ko naman ito matanong dahil hindi naman ako nito nakikita.

“You know what, Fin, you’re getting crazy.”naiiling na saad no’ng isang babae habang inaayos ang sapatos niya.

“It’s really true! I swear! I really saw him talking to himself and I really saw how our project moves.”sabi no’ng babaeng nagngangalang Fin.

“I think she’s telling the truth guys, maraming kababalaghan ang nangyayari sa bahay, may kaibigan ngang demonyo ‘yang si Kaleb.”sabi naman ng pinsan kong si Oscar. Hindi ko naman maiwasang mapakunot ang noo dahil sa kanila.

Well, I think I should be mindful din pala sa mga taong nakapaligid. Baka kung ano ano nang iniisip nila kay Kaleb ngayon. Hindi ko naman tuloy maiwasang sumunod kay Kaleb, halos lahat sila’y patungo na ngayon sa gym dito sa school.

“Bigla tuloy akong kinalabutan, baka mamaya ay gawan tayo ng masama!”sambit ni Fin.

“Oo nga! Tumaas ang balahibo ko.”napailing na lang ako sa kanila, kung kailan naman malayo na ako saka nagrereklamo ang mga ito.

Hindi ko na sila pinansin at napatingin na lang dito sa kapatid ko. May hawak hawak itong record habang nakasunod sa PE teacher nila. Lumapit pa ako lalo sa kanya. Nagpaparamdam naman ako kapag nandito ako but I think I won’t do it right now, lalo na’t kung ano ano ang narinig ko mula sa mga kaklase niya.

Nagsimula naman na sila sa mga test na pinapagawa ng guro at maya-maya lang ay nagkatuwaan na rin silang lahat. Tinabihan mo lang ang kapatid kong wala atang balak maglaro. Tahimik lang siya dito sa bench habang may hawak hawak na notebook, sinilip ko pa ang kinukwenta nito.

Kinukwenta ang mga gastusin niya. Tahimik ko lang itong tinitignan, aba’t ayaw atang galawin ang pera kong binigay sa kanya, ha?

Parehas naman kaming nagulat nang may bolang tatama sa gawi namin, mabilis ko ‘yong sinangga para hindi tumama sa kanya.

“Ate?”mahina niyang tanong habang ang mga taong nakakita ay gulat na gulat. Napangiwi naman ako nang makitang naghagis ulit ng bola sa gawi rito. Isa nanaman sa kaibigan ni Oscar ‘yon. Mabilis naman na nasangga ni Kaleb ang bola.

“Sorry, Pre, nadulas lang.”nakangising saad nito. Mas lalo pa akong nairita nang makita ang ngisi mula sa kanyang mukha.

Hindi ko maiwasang mapangiwi at patagong kumuha ng bola at hinagis sa kaibigan ni Oscar.

“Aray!”malakas na sigaw nito dahil solid ang pagkakahagis ko no’n, buong lakas ko ata ang binigay doon.

“What the heck was that?! Sino ‘yon?!”galit na galit na tanong nito. Napalingon pa siya sa likod niya ngunit nakitang wala namang tao at halos lahat ay gulat pa rin sa pangyayari kanina.

“Ahhhh!”malakas na sigaw no’ng babaeng nagngangalang Fin.

“I told you! I told you may multo nga talaga dito!”malakas na sigaw nito.

“What the heck was that?!”hindi makapaniwalang tanong ni Oscar na nakabawi na sa gulat.

“I told you, don’t mess with Kaleb! He’s friend with ghost here!”sigaw pa ulit no’ng Fin.

“Stop with you nonsense, Fin, it’s not real!”sambit naman nang isang babae. Habang si Kaleb naman ay tila walang pakialam sa pagtatalo nila at palinga linga sa paligid.

“What’s going here?”tanong ng guro na iniwan lang sila sandali dahil may kakausaping guro ngunit nagkakarambulan naman na ang mga estudyante ngayon.

“Sir, may multo talaga dito sa gym!”sigaw no’ng isang babae.

Napatingin naman ako sa gym ngunit wala naman akong nakikitang ligaw na kaluluwa. Napailing na lang ako sa kanila.

Lumapit naman ako kay Kaleb at ginalaw ko ang relo na suot niya para patunugin.

“You’re here, Ate? Let me tell you about my day.”bulong na saad ni Kaleb. Palabas na kami ngayon sa gym dahil nga nagkatakutan sila. Sayang ang PE nila.

“If ghost is not real then he’s crazy!”malakas na sigaw ni Fin na tinuro pa ang kapatid ko.

“Stop it, Fin, kanina mo pa ‘yan sinasabi, nagkataon lang ‘yon, wal namang nakakita maliban sa’yo.”naiiling na saad ng isang babae hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin sila.

Palabas na kami ng gym ni Kaleb nang marinig ko ang notebook na nasa bulsa ko. Malakas ang tunog nito kaya agad akong kinabahan.

“To all go-between, it’s time to go back in afterlife..”ramdam ko ang paglakas ng tibok ng puso nang dahil dito. Napakagat pa ako sa aking ibabang labi.

“Again, to all go-between, it’s time to go back in afterlife..”pakiramdam ko ay ako ang paparusahan lalo na’t kung ano anong kamalian ang ginawa ko ngayon.

Wala pang alasais ngunit pinapabalik na kami, it’s either my ginawa kaming masama o may ginagawa kaming mali.

Touch of Deathजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें