Chapter 19

144 17 0
                                    

Chapter 19
Missus’s POV

“Good morning, Lods!”nakangiting saad ni Bryan kay Archangel. Hindi naman siya nito pinansin at nagpatuloy lang sa pagsisintas ng sapatos.

Katulad nga ng sabi nila’y maghihiking kami ngayon. Well, sila lang pala, saling pusa lang naman ako. Bahagya naman akong napatawa nang makita ko ang mga kasama ni Kaleb na mukhang puyat na puyat.

“You don’t have to come, you know.”sabi ni Archangel sa kanila.

“Sayang ang punta namin dito, Kuya, kung hindi kami sasama.”sabi naman nila.

“Ang sabihin niyo, natatakot lang kayong mag-isa rito.”natatawang saad ni Kaleb sa kanila.

“Alam mo, Kaleb, talagang maniniwala na ako kay Fin na nakakakita ka ng multo! Hindi ka man lang ba kinikilabutan? Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako, pakiramdam ko nga’y may nanghihila sa akin kagabi!”sabi ni Margo. Napatawa naman ako nang makita kong nagtatawanan sina Alex sa isang gilid, halatang sila ang may pakana kung ano man ang sinasabi ni Margo. Naiiling na lang ako dahil sa mga biruan ng mga ‘to.

“Hi, Missus!”bati nina Detdet sa akin na nagising sa ingay ng mga kasama ko. Kumaway lang naman ako sa kanila.

“Magtungo kayo sa dulo ng bundok, paniguradong mamangha ang mga mata niyo sa ganda ng araw!”nakangiting saad ni Detdet. Si Letlet naman ang sumunod sa amin ngayon dahil mukhang gustong gusto niya ang pagsikat ni haring araw. 

“Shh, stop talking, ang iingay niyo, baka mamaya’y makabulabog pa kayo.”sabi ni Bryan, natawa naman ako nang magsihawak sila sa isa’t isa tila ba natatakot nanaman. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang mga mukha ng mga ito nang madatnan namin sila sa kani-kanilang tent. Kanya-kanyang takluban ng kumot at kanya-kanya ring yakap sa isa’t isa. Pati sina Renato at Bryan ay nasa loob lang din ng tent nina Kaleb at nakikipagsiksikan do’n.

Ang ending tuloy ay magkatabing natulog sina Kaleb ngunit nagsipuntahan din silang lahat sa tent, hindi rin tuloy nagamit ang isang tent.

Nagkakatuwaan lang sila habang naglalakad lakad. Nakikitawa lang din ako kahit hindi naman ako kasama sa usapan. Maya-maya lang ay nakarating din kami sa pinakadulo. Hindi ko naman maiwasang mamangha habang nakatingin sa pasikat na haring araw.

“Ang ganda!”hindi ko mapigilang sambitin kaya nginitian ako ni Archangel.

“Yeah, it’s really pretty.”nakangiti niyang saad.

“Whenever I’m looking at the sunset when I was still alive, I fell like I’m just waking up. It’s just a sign of a really hard day.. panibagong paghihirap nanaman.”sabi ko habang nakangiti.

“But when I died? It’s really different.. looking at the sunset feels like you are still alive, it’s a new day to keep living..”aniko, nakatingin lang naman siya sa akin habang nagsasalita ako.

“It’s still the same tho.. It’s another day to keep on doing things you like while you are still here.”sambit niya sa akin. Napatol lang ang usapan namin nang tawagin na siya nina Bryan. Napangiti na lang din ako habang nakikipagtawanan sa kanila kahit hindi naman talaga ako nakikita.

“Let’s take a picture!”sambit ni Alex at nilabas ang phone niya. Inilapag niya naman ‘yon sa may batuhan para kasama ang lahat. Hindi ko naman maiwasang mapangiti at sumama rin sa litrato kahit na alam kong hindi rin naman ako makikita roon.

“Isa pa.”sabi naman ni Margo at nagpeace sign pa. Nakangiti lang naman sa amin si Letlet habang pinapanood kami. Kinawayan ko naman siya at niyaya ngunit inilingan niya lang ako at nginitian.

Nakailang kuha pa sila ng litrato na hindi na kasama ako ngunit hindi rin naman ako kita sa camera. Nang matapos kami ay nagligpit na rin naman sila kalaunan at handa na ring magsiuwi. Kanya-kanya pa silang takbuhan sa sasakyan para makahanap ng mapupwestuhan.

“Thank you.”sabi ni Letlet kay Archangel na siyang katabi ko pa rin hanggang ngayon.

“We don’t like mortals but I think you’re going to be an exception.”sabi ni Detdet kay Archangel.

“You should thank her instead.”sabi naman ni Archangel at napakibit pa ng balikat habang nakatingin sa akin. Nah, it was him who did all the work.

“Of course we’ll thank her. Kaya fav kita, Suhz e.”pambobola pa sa akin ni Letlet habang ginugulo ang buhok ko. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil do’n.

“Maraming salamat sa pagbisita, Suhz, sa uulitin.”nakangiting saad sa akin ni Detdet nang ilagay niya ako sa palad niya. Nginitian ko naman sila at inabutan nang sandwich na bigay sa akin ni Archangel.

“You can eat it! It’s my gift.”nakangiti kong saad dahil wala naman akong pwedeng ibigay sa kanila. Pakaway kaway pa ako nang bumaba at lumapit kay Archangel. Nilingon niya naman ako nang matapos akong makipag-usap kina Detdet, malapad ko siyang nginitian.

“Thank you!”sabi ko at niyakap pa siya. Napangisi pa ako nang hindi ako tumagos. Nakatitig lang naman siya sa akin at bahagya akong nginitian.

It was really a meaningful and a happy trip for me. Masaya ako dahil kahit paano’y nakatulong ako sa mga kapre although hindi naman talaga ako ang tumulong. Masaya ako at nakasama ko sila.

Kinagabihan din ay nagtungo na ako sa train patungo sa afterlife dahil tapos na rin ang araw ng pahinga namin.

“Hi!”nakangiti kong saad sa kanila at pakaway kaway pa. Agad naman na nanliit ang mga mata ng mga ito.

“Mukhang masayang masaya ka ahh?”tanong nina Paulita sa akin.

“Of course, nagbakasiyon din ako! Hindi lang kayo no.”sabi ko naman at napanguso.

“Don’t tell me you like some mortal, Suhz, nako, ikaw din! Mas lalo kang mahihirapan na magtungo sa Utopia!”bilin nila sa akin.

“Hay nako, ilang beses niyo na bang pinaalala ‘yan sa akin?”hindi ko maiwasang matawa at mailing pa. Yes, I want to go to Utopia, sino bang hindi? But the thing is it’s really imposible for me to be there. Noon pa man ay alam ko na ‘yon, nagtatrabaho ako ngayon para sa kapatid ko. Hindi sa kahit na sino.

Nagtrabaho na rin naman kami kinagabihan. Parang naninibago pa nga ang mga katawan namin dahil maski sila ay talagang nalibang din sa kanilang mga panandaliang bakasiyon.

“Sabi ko naman kasi sa’yo, Suhz, e, sana talaga sumama ka! Sobrang enjoy!”pagkukwento pa nila sa akin. Ngumiti naman ako at tumango. Wala namang kahit anong panghihinayang sa akin, kahit papiliin pa ulit ako ng isa pang beses, pipiliin ko ulit na makasama ang mga ‘to.

Maski nang matapos kami sa trabaho’y nagkukwento lang sila sa akin, nalibang din naman ako habang pinapakinggan ang mga kwento nito.

“Suhz, hindi naman talaga halatang excited ka sa pagpunta sa living realm.”puna nila sa akin. Napakibit naman ako ng balikat at ngumiti lang. Hindi ko naman ‘yon maitatanggi, kahit paano kasi’y talagang hindi ko maiwasang maexcite sa ideyang tutungo kami sa living realm kahit na pa kagagaling ko lang do’n.

Tinapos ko lang din ang trabaho ko’t agad na nagtungo sa bahay. Bahagya naman akong nagulat nang makita ko si Kaleb na nakikisalo kina Tita ngayon. Hindi naman ako makapaniwala do’n at bahagya pang napangiti para kay Kaleb.

“Agahan mong umuwi at marami pang kailangan ayusin dito sa bahay.”masungit na saad ni Tita sa kanya. Well, hindi naman na ata mababago ang pagiging maldita nito kaya pagbigyan ng kaunti.

“Opo, Tita..”sambit ni Kaleb at tumango lang. Tumayo na rin siya nang matapos kumain.

“Papasok na po ako.”paalam ni Kaleb sa kanila. Pinagtaasan naman siya ng kilay ni Tita bago siya inirapan at tinanguan.

“Sabay ka na sa amin, Kaleb!”nakangiti pang saad ni Oscar sa kanya. Patingin tingin pa ‘to sa paligid. Sus, hindi ko alam kung napapraning na ba ito o ano. Naiiling na lang ako sa kanya. Pero mabuti naman kung hindi na niya guguluhin pa ang kapatid ko.

“Hindi na.”sabi naman ni Kaleb at kinuha na ang kanyang bag bago siya nagsimulang umalis sa bahay.

“Sabay na tayo, parang tanga ‘to, parang hindi pinsan.”sabi pa ni Oscar sa kanya at sumunod lang dito. Hindi naman siya pinansin ni Kaleb. Nakasunod lang naman ako sa kanilang dalawa.

“Sakay na kaya tayo?”tanong pa ni Oscar sa kanya.

“Sumakay ka na, Oscar, kung sasakay ka.”sabi naman ni Kaleb. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa dalawang ‘to o ano. Nang huminto pa si Kaleb ay siyang hinto rin ni Oscar. Tinawag ni Kaleb si Blackie at pinakain ang tunang kabibili niya sa tindahan. Napanguso naman ako do’n, tinitipid niya ang sarili ngunit ang lakas naman ng loob na magbigay kung kanino.

Nakatingin lang naman si Oscar at kunot noo pang nakatingin kay Blackie. Nagulat pa ‘to nang lapitan siya nito at nagpahaplos ng balahibo. Hindi niya alam kung anong gagawin dito. Napatawa naman ako ng mahina dahil do’n, mukha kasi ‘tong batang hindi alam kung anong dapat na gawin. Hindi ko tuloy maiwasang maalala no’ng bata pa ito, kahit ano kasing bawal ng Mama niya na makipaglaro kay Kaleb ay sinusuway niya. Kaya hindi ko rin talaga maintindihan kung anong nangyari at bakit biglang binubully niya na ang kapatid ko.

“Blackie, come here.”sabi ni Kaleb at ngumiti pa kay Blackie, agad namang lumapit sa kanya si Blackie at nagpahaplos ng balahibo. Malapad naman akong napangiti habang pinagmamasdan sila. Kita ko pa ang inosenteng mukha ni Oscar habang nakatingin lang sa pusa at kay Kaleb.

Nang matapos ng pakainin ni Kaleb ay nagpaalam na rin naman siya kay Blackie habang si Oscar naman ay nakasunod pa rin sa kapatid ko.

“Hindi mo naman sinabing ganito pala nakalapagod ang paglalakad mo tuwing umaga! Edi sana’y inabutan kita kahit pamasahe lang.”sambit ni Oscar. Kita ko naman ang sinseredad mula sa mukha nito. Nilingon lang siya ni Kaleb. Nagkibit lang ‘to ng balikat at nagpatuloy sa paglalakad, medyo mahaba rin kasi ang lalakarin bago makarating sa eskwelahan nito.

“Oh..”sabi ni Oscar at inaabutan pa ng singkwenta si Kaleb. Nilingon lang naman ‘yon ng kapatid ko at hindi pinansin, siguro’y hanggang ngayon ay naninibago pa rin sa pakikitungo ni Oscar sa kanya.

“I don’t nees that.”sabi ni Kaleb at nagpatuloy pa sa paglalakad.

“Alam mo ‘yan ang ayaw ko sa’yo!”inis na saad ni Oscar bago binangga ang kapatid ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nakasimangot pa siyang naunang naglakad kay Kaleb. Napakunot lang naman ng noo ng kapatid ko dahil do’n ngunit hindi na rin naman niya pinansin ang pagbubugnot ni Oscar.

Lumapit naman ako kay Oscar at tinignan ang mukha nito, talagang nakasimangot ‘to, nahurt ata dahil ‘di tinanggap ni Kaleb ang pera niya. But this time, hindi naman siya umalis o ano, nagpatuloy lang din siya sa paglalakad, mas nauuna nga lang kay Kaleb.

Nang makarating sa school ay agad na binati ng mga kaibigan niya si Oscar, nakasimangot pa rin niyang nilagpasan ang mga ‘yon. Maski tuloy ako’y hindi maintindihan kung anong pinuputok ng butsi nito.

“Kaleb!”nakangiting saad nina Alex at nakipag-up here pa kay Kaleb. Bahagya naman na nagulat ang mga kaklase nila dahil nakikipag-usap ‘to sa barkada nina Alex.

“Parang gusto ko ulit bumalik do’n, ghost hunt ulit.”natatawang saad ni Margo kaya agad naman siyang nilingon nina Alex na nang-aasar.

“Ulol mo!”natatawa nilang sambit na inakbayan pa ‘to. Napatawa na lang ako ng mahina sa kakulitan nila.

“Next time ulit!”sabi pa nila kay Kaleb.

“Hmm, yeah, sure.”ani Kaleb at nagkibit ng balikat.

“Ano? Back to aral ka nanaman!”natatawa nilang sambit habang nakatingin sa kanya at inakbayan ito. Bahagya siyang natawa bago niya inalis ang pagkakaakbay ng mga ito.

“Yeah, bayad sa essay?”tanong pa niya at naglahad ng kamay sa mga kaibigan.

“Wala man lang bang discount pang kaibigan diyan?”natatawa nilang biro sa sa kanya ngunit sa huli’y nagbayad din naman. Nailing naman ako sa kapatid ko dahil hanggang ngayon ay ‘yon pa rin ang ginagawa. I told him to use the money na siyang iniwan ko sa kanya ngunit mukhang wala pa atang balak ‘tong si Kaleb na gamitin ‘yon.

Napangiti na lang din ako dahil kahit paano’y umaayos na ang buhay nito, I want to see him successful before I’m finally gone.

Touch of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon