Chapter 2

221 18 0
                                    

Chapter 2
Missus’s POV

“Suzh, saan ka nanaman pupunta?”tanong nila sa akin nang matapos ako sa aking trabaho dito sa sementeryo.

“Diyan lang, see you na lang mamaya sa train!”sambit ko na kumaway kaway pa sa kanila.

Nagtungo ako kung nasaan ang kapatid kong si Kaleb. Nagtungo naman ako sa school niya dahil nasisigurado kong nandoon siya ngayon.

Nakita ko naman itong tahimik lang na kumakain sa isang tabi, hanggang ngayon ay wala pa ring nagiging kaibigan. Hindi ko naman maiwasang pagmasdan siya.

Maya-maya ay dumating ang pamangkin kong si Oscar, ito ang anak ng Tita ko. Bago pa ito may magawang kung ano sa kapatid ko, agad ko na siyang pinatid. Nagtawanan naman ang mga bata. Kung hindi ko ‘yon gagawin, paniguradong gagawan niya nanaman ng kung ano ‘tong si Kaleb, madalas niya itong bully-hin kapag nandito ako kaya inuunahan ko na.

Napatingin naman sa kanya si Kaleb dahil sa tapat niya ito natalisod ngunit agad din namang binalik nito ang tingin sa pagkain tila ba walang pakialam kung nadapa ang pinsan niya.

“Anong tinitingin tingin mo, Kaleb? Ano? May mapagmamayabang ka na ba?!”mayabang nitong tanong na kinwelyuhan pa ang kapatid ko. Tahimik lang naman itong nakatingin sa kanya. Walang balak patulan, pinagsisihan ko tuloy bigla na lagi kong pinapaalala sa kanya na huwag makipag-away.

Hindi ko rin naman kasi alam na ganito ang natatanggap niya sa anak ni Tita. Walang sabi sabi kong hinubaran ito ng short kaya naman agad na nagtawanan ang mga taong nasa paligid, aba, huwag na huwag niyang subukang bullyhin si Kaleb hangga’t naririto pa ako. Napatakbo naman siya sa hiya. Sinundan ng kanyang mga kaibigan.

Parang wala lang naman nangyari kay Kaleb at tahimik pa rin itong kumakain, may iilang kumakausap sa kanya ngunit tipid lang nitong sinasagot kaya siguro wala siyang mahanap na kaibigan.

Sumunod lang ako hanggang sa papasok siya sa classroom, nag-aaral naman ito ng mabuti. Napabuntong hininga naman ako. Gusto ko ring pumasok sa kanyang panaginip ngunit hindi ko naman pwedeng basta basta na lang gawin ‘yon.

Napabuntong hininga na lang ako at naglakad paalis para puntahan ang siyang makakatylong sa akin na makausap ang kapatid ko. Nagtungo ako sa tapat ng bahay ni Archangel. Umupo pa ako sa gilid habang hinihintay ang kotse niya na magtungo dito.

Wala namang ipinagbabawal sa amin sa afterlife kapag nagpupunta dito, ang mahalaga lang ay huwag magtangkang gumawa ng masama sa mga tao dahil mas lalo lang madadagdagan ang araw ng pagiging mensahero namin or worse kung talagang masamang masama ang ginawa, hindi na maging go-between or messenger, baka ipadala na sa underworld kaya nililibang lang ang mga sarili sa ibang bagay.

Well, paniguradong madadagdagan ang akin dahil sa ginawa ko kay Oscar ngunit hindi ko naman ‘yon pinagsisihan.

Halos mahigit isang oras na akong nandito at wala pa rin ang hinihintay kong si Archangel, 2 times a day akong nandirito ngunit hindi ko pa rin siya nakikita. Kahit sa panaginip ay hindi na kami nagkita pa. Nasa Utopia na kasi ang Ate niya at hindi ko alam kung nakalimutan na ba siya nito.

Nakakatakot. Baka kapag nandoon na rin ako, tuluyan ko na ring makalimutan ang kapatid kong si Kaleb. Napabuntong hininga na lang ako habang hindi pa rin umaalis dito.

Lumipas pa ang ilang oras at hindi ko na talaga nakita pa si Archangel. Bumalik ako sa train na bagsak ang balikat kaya pare-parehas silang napatingin sa akin.

“Anong problema mo, Suhz? Araw araw ata’y ganyan ang itsura mo.”natatawa nilang saad sa akin. Hindi ko naman pinansin ang mga ito at naupo lang sa isang tabi.

“Bakit? Hindi ka na ba makakapasok sa Utopia?”tanong sa akin ni Leandro.

“Pwede ba kapag hindi kinakausap, manahimik?”tanong ko at nginitian pa siya. Napanguso naman siya. Pati sa afterlife kasi’y dinadala nito ang kalandian niya. Napailing na lang ako.

“Nagtatanong lang, ang sungit!”sambit niya. Inirapan ko lang siya. Nagpahinga lang kami sandali sa afterlife. Kanya-kanya naman na silang kain nang mga libreng pagkain, ganoon din ako.

Ganoon lang ang nangyari ng ilang araw sa akin dito, pakiramdam ko ay paboring ng paboring ang bawat araw na lumipas. Pabalik balik pa rin ako sa bahay ni Archangel ngunit wala pa rin akong natatagpuan, kaunti na lang ay papasukin ko na talaga ito.

“Suhz..”tawag sa akin ni Tatang Pedro. Lumapit naman ako doon. Kusa namang kumibot ang ngisi sa aking mga labi nang makita ko kung sino ang pupuntahan ko ngayon sa panaginip. Si Archangel!

Malapad ang ngiti ko nang sumakay ako sa train, lahat sila’y nakatingin sa akin na nagtataka.

“Anong meron, Suhz? Tutungo ka na ba sa Utopia? Hala! Sana ol!”sambit nila habang napatingin sa akin. Umiling lang ako ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti mula sa aking mga labi. Hindi ko rin alam kung bakit. Naeexcite lang ako dahil sa tanan ng pagiging mensahero ko, walang kailanman nakakita sa aking mga tao. Lahat sila’y nilalagpasan lang ako.

Hindi ko alam, baka namimiss ko lang ang pagiging tao. Pumunta muna ako sa unang pangalan na nandito. Nakakatakot naman ang mga bumulaga sa akin doon ngunit nagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko. Unti-unting naglaho ang mga pangit na nilalang na nasa kwarto nang matapos ko ‘tong kausapin.

Nang matapos ako doon. Naghintay pa ako ng ilang oras dahil hindi pa rin ata natutulog si Archangel. Maya-maya lang ay pinapasok na ako sa kwarto nito, as usual sobrang dilim ng paligid. Maraming nilalang na palakad lakad sa kwartong ito.

Lumapit naman ako sa kanya, tinignan niya naman ako. Napakunot ang noo niya kaya napakunot din ang akin.

Sasabihin ko na sana ang line na nakasulat dito sa aking script kaya lang ay nagsalita siya bago pa ako magsalita.

“Anong ginagawa mo nanaman dito?”tanong niya. Napaawang naman ang aking mga labi, aba’t bakit naman ganito siya makipag-usap sa Ate niya? Nag-aalala lang naman ‘to sa kanya.

Wala naman akong mahanap na nakasulat sa script na pwedeng ireply sa kanya kaya ako na ang gumawa ng sarili.

“Aba’t ikaw na nga ang binibisita’t lahat lahat ikaw pa ‘tong nagrereklamo.”sambit ko sa kanya. Kinunutan niya lang ako ng noo kaya naman binasa ko na ang script na sasabihin ko.

Nakatingin lang naman siya sa akin, hindi ko nga alam kung nagegets niya ba ang sinasabi ko. Nang matapos ko ang mensaheng gustong sabihin ng Ate niya, paalis na ako nang tuluyan na itong dumilim, sa sobrang dilim ay halos hindi ko na makita ang dinadaanan, kung hindi lang kulay puti ang aking buhok siguradong hindi na rin ako makikita. Nakatayo lang siya doon habang pinapanood akong umaalis.

Hindi ko maiwasang maging kuryoso sa kanya, sa lahat ng taong napuntahan ko, may mga misteryoso na akong nakita o nakausap ngunit siya itong pinakamisteryoso sa lahat na hindi mo rin alam kung ano ba talaga ang iniisip nito.

Para ring lagi na lang itong kinakain ng lungkot base pa lang sa kanyang mga panaginip, wala pa atang araw na nakita ko itong nasa masayang parte ng dreamland.

Matapos akong manatili sa afterlife, pagala gala lang sa kung saan, nagtungo naman ulit kami sa Living realm. Ginawa ko naman na ang trabaho ko, nakailing tao rin ako.

Nang matapos ay binisita ko ang kapatid, tumungo sa bahay namin dati. Nakita ko naman itong pinapagalitan ng Tita kong matapobre, hindi ko maiwasang mapangiwi habang pinagmamasdan siya, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala para sa kapatid ko, baka mamaya ay matulad ito sa akin.

Gusto ko siyang ilayo sa poder ni Tita ngunit wala naman na kaming pamilyang mag-aalaga pa. Napabuntong hininga na lang ako dahil wala akong magawa. Parang sanay na sanay naman na si Kaleb sa mga sermon ni Tita sa kanya.

Tumayo na ito ng matapos kumain, siya pa ‘tong naghugas ng plato kahit na may pasok pa siya. Napaawang naman ang mga labi ko nang makitang binagsak ni Oscar ang isang pinggan.

“Ma! Nagbasag nanaman si Kaleb!”sigaw nito.

“Aba’t wala ka na talagang ginagawa kung hindi manira dito sa bahay, Kaleb? Parehas na parehas kayo ng Ate mo.”sambit ni Tita sa kanya. Maglalakad na sana ako para gantihan ang mga ito nang magsalita si Kaleb.

“I told you not to say something like that to Ate, Tita, ano hong mahirap intindihin do’n?”seryosong tanong nito. Napaatras naman si Tita at tila natakot kay Kaleb.

“Basta! Linisin mo ‘yan!”galit na saad ni Tita sa kanya. Hindi ko naman mapigilang maawa kay Kaleb nang makita itong nililinis na ‘yon.

Hanggang sa pagpasok sa school ay sinusundan ko ang aking kapatid. Nang matapos na ako doon ay nagtungo naman na ako sa bahay ni Archangel.

Napabuntong hininga naman ako ng wala pa rin akong nadadatnan. Ayaw ko sanang pumasok at kahit paano’y bibigyan ito ng privacy. Ngunit wala kasi akong makitang lumalabas dito o ‘di naman kaya’y pumapasok. Noong sinundan ko siya no’n dito, hindi ko siya nakitang pumasok dahil oras na ng pag-alis ng train at maiiwanan na ako. Hindi ko na tuloy sigurado kung bahay niya nga ba ‘to.

Dahan dahan naman akong pumasok sa loob nito. Malaki ang bahay ngunit parang wala namang nakatira.

Pinagmamasdan ko naman ang mga litratong nandito sa loob, wala ako ni isang makitang picture niya. Naglakad lakad lang naman ako habang pinagmamasdan ito. Malaki ang bahay ngunit nakakatakot ito para sa mga mortal.

Habang naglalakad nga’y pakiramdam ko may mga nakatingin sa akin. Sinubukan ko namang tignan kung may nakatira ba dito ngunit wala akong nakita, sayang naman ang malaking bahay na ito kung walang titira.

Napatitig naman ulit ako sa mga malalaking litrato na talaga namang makikita ang buong baba. Halos mapaatras ako nang may bigla na lang nagsalita.

“Get out, this is my house!”galit na sambit nito. Napaawang naman ang aking mga labi nang makarinig ng tinig.

“Really? Where are you then?”tanong ko.

Maya-maya ay lumabas ang isang medyo bata-bata pang babae ngunit talaga namang nakakatakot ang itsura nito. Itim na itim na ang balat, siguro’y dahil matagal na siyang nanatili sa mundo ng mga tao.

Ito ang epekto no’n, sa pagtatagal ng mga kaluluwa dito, mas lalo pang napupuno ng galit ang mga utak ng mga ito at hindi na gusto pang makipag-usap ng maayos.

“Hindi ko hahayaang tumira kayo dito! Lalo na’t pinaghirapan ko ang lahat ng ‘to!”galit na galit niyang sigaw sa akin.

“Why? Are you enjoying your life here?”tanong ko sa kanya.

“Umalis ka na bago pa kita gawan ng masama!”galit na galit na saad nito sa akin. Hindi ko naman maiwasang mapangisi dahil dito.

“Try me.”natatawa kong saad sa kanya.

Sinubukan niya naman akong itulak sa hagdan, walang epekto ‘yon sa akin.

“Umalis ka na! Umalis ka na!”sigaw niya pa ulit na galit na galit.

“Or else..”napakunot naman ako ng noo sa kanya.

“I’ll kill him.”sambit niya nang may isang lalaking dahan dahan na pumapasok dito sa loob. Nakita ko naman si Archangel na nakadungaw sa amin.

“Siya ‘tong inaabangan mo araw araw, hindi ba?”tanong niya sa akin at tumawa pa. Nilapitan niya naman si Archangel at nginisian ako.

Nakatingin sa akin si Archangel at nagtataka ito habang tinitignan ako.

“Anong ginagawa mo rito?”tanong niya sa akin. Hindi ko alam pero hindi niya ata nakikita ang kaluluwang nasa tabi niya ngayon.

“Huwag kang gagalaw!”sambit ko dahil pwedeng pwede siyang saniban nitong kaluluwang ito. Nakakairata pa itong tumawa.

Pinagkunutan naman ako ng noo ni Archangel, tila ba nagtataka sa akin. Bago pa ulit ako nakapagsalita ay nakita ko siyang napatingin dito at tila saka lang napagtanto na may kaluluwa sa tabi niya.

Agad niya akong nilapitan, hindi ko naman alam kung anong pumasok sa utak nito’t tinapat ang bibig sa tenga ko.

“You make my job easier.”nakangisi niyang sambit. Napaawang naman ang aking mga labi at imbis na siya ang kilabutan, ako mismo ang kinilabutan sa kanya.

Touch of DeathWhere stories live. Discover now