Chapter 14

145 17 0
                                    

Chapter 14
Missus’s POV

“Thanks.”sabi ko nang makabawi sa pagkagulat.

“Yeah, sure.”sambit niya na para bang wala lang habang nakatingin sa labas.

“Ganyan mo ba ako kamiss?”natatawang tanong ko na nakangisi sa kanya. Pinagkunutan niya ako ng noo at inirapan. Napatawa naman ako ng mahina dahil sa naging reaksiyon nito.

“Do you know where’s my brother?”tanong ko sa kanya.

“Nasa café.”simpleng saad niya. Tumango naman ako habang nakatitig pa rin sa floral dress na ito. Hindi ko pa maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ‘yon.

“Where have you been?”tanong niya sa akin.

“Well, I got busy for the past few days.”sabi ko naman na nilingon pa siya.

“So ghost have something to do rin pala.”sabi niya kaya natatawa ko siyang inirapan.

Gulat ko naman siyang nilingon nang bigla na lang huminto ang kotse niya. Bigla bigla na lang itong nagpepreno, kung hindi pa ako patay paniguradong mamatay ako sa lalaking ito.

“Ano—“ni hindi ko pa natatapos ang sasabihin nang makitang lumabas na siya dito sa kotse at nagmamadaling tumakbo. Napaawang naman ang labi ko bago lumabas ng kotse.

Sinundan ko pa siya para makita kung ano ba ang trip nito sa buhay, kita ko namang may hinahabol na siya. Hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo dahil sa lalaking ito. Napailing na lang ako habang tinitignan siya.

“Magnanakaw! Magnanakaw!”malakas na sigaw nang nasa likuran ko. Pinanood ko lang kung paano huliin ni Archangel ang magnanakaw. Maya-maya lang ay tinawagan niya na ang ilang officer.

“Salamat po!”ngiting ngiti na saad nang tinulungan ni Archangel. Tumango lang ito.

Kahit kailan ay ang talas talas ng mata nito kaya hindi na ako magtataka kung bakit niya ako nahuhuli noon gayong detective naman siya.

“Wala pa ring kupas.”natatawa kong saad sa kanya. Tinignan niya lang ako sandali bago kinausap ang officer.

Maya-maya lang ay bumalik na rin naman kami sa kotse niya para magtungo sa café. Nang makarating kami doon ay abala pa si Kaleb sa mga customer nila. Hindi ko naman maiwasang mapangiti nang makita ang kapatid. Kumaway pa ako kahit na hindi naman ako nito nakikita.

Nagtanguan lang naman naman sila ni Archangel. Pinaningkitan ko pa ito ng mata nang makitang may sinenyas.

“I told him that you’re here with me now.”sabi niya naman.

“Wala ka bang trabaho at kanina ka pa palakad lakad?”tanong ko sa kanya.

“Mayroon but it’s lunch time.”sabi niya naman kaya napakibit ako ng balikat.

Nagkwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa dumating na si Kaleb.

“Your sister is here.”sabi ni Archangel. Napangiti namang umupo si Kaleb kung nasaan ang tapat ko.

“Ate? I thought you’re now gone.”sabi niya sa akin.

Nag-usap lang kami sa pamamagitan ni Archangel, nagpaiwan na rin naman ako nang umalis si Archangel dahil may trabaho pa siya. Pakanta kanta pa ako habang nakasunod kay Kaleb, hindi naman ito nagsasalita but he look more happy right now.

“Ate.. I want you to meet someone.”bulong niya. Maya-maya lang ay huminto naman kami sa isang eskinita. Akala ko kung ano na ang gagawin nito dito ngunit kusa na lang akong napangiti nang makita ang isang pusang puti. Pinakain ito ni Kaleb, look at this guy, he look happy feeding the cat. Hindi ko maiwasang mapangiti, sabihin na nilang katangahan dahil walang wala na nga siya ngunit nagawa pang magbigay sa kung sino but for me? He was one of a kind.

“Meow!”nagulat naman ako nang tumalon sa akin ang pusa.

“That’s my sister, Blackie.”sabi ni Kaleb na nakatingin sa gawi ko kahit hindi naman niya ako nakikita.

“Awwe.. kyutie..”bulong ko na ginulo pa ang buhok ng pusa.

Umuwi na rin naman kami pagkatapos. Napakunot naman ang noo ko nang makitang may  asin at bawang na nakakalat sa bahay.

“They’re scared that there’s a ghost here, Ate.”sabi ni Kaleb. Tumunog kasi ang pinto kaya nalaman niyang nandito ako.

Napailing na lang ako habang papasok, hindi ko alam kung natatawa ba ako sa kanila o ano dahil wala namang epekto sa aming mga mensahero ng mga ‘yan. Well, bahala sila, kung saan sila mapapanatag.

Kinagabihan ay payapang nakatulog si Kaleb dahil na rin siguro sa pagod. Inayos ko lang ang kumot nito bago lumabas sa kwarto.

“Ma! Ma!”sigaw ni Oscar. Itong pinsan kong ‘to, oa. Nakikitingin lang ng makakain sa ref e. Sinarado ko na lang ‘yon, rinig na rinig naman ang kalabog ng pagsara no’n.

“Ma!”naiiyak na saad ni Oscar at napaupo pa sa sahig. Hindi ko alam kung maawa o matatawa ba ako sa kanya. Pinili ko na lang na matawa dahil ang matapang na mukha nito’y talaga namang nawawala sa pagiging matatakutin niya.

“Ano, Oscar?! May nakita ka nanaman ba? Sus, lagi mo na lang sinasabi ‘yan!”sigaw ni Tita sa kanya at piningot pa ito.

“Mama! Alayan mo na kasi si Ate Suhz! Sabi ko naman kasi sa’yo!”sigaw naman ni Oscar. Well, may utak naman pala sila kahit paano. That’s a good idea rin para naman makatikim na ulit ako ng pagkain dito.

“Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa’yong bata ka! Nagpapaniwala ka naman sa sabi-sabi! Hindi nga ‘yon totoo. Matulog ka na nga.”galit na saad ni Tita. Napailing na lang ako sa kamalditahan nito, sabagay ano pa nga bang aasahan ko rito?

Nagpalipas lang ako ng gabi dito sa bahay, namiss ko rin kahit paanong natulog dito kahit pa hindi ko naman na talaga kailangan pang matulog. Nagtungo na ako kinaumagahan kina Archangel.

“Hi!”nakangiti kong bati sa kanya ngunit agad na napakunot ang noo ko nang makitang marami itong dalang gamit at hindi ito nakauniporme.

“Hey, what’s wrong?”tanong ko sa kanya pagkapasok sa kotse niya.

“I need to investigate a big fish.”sabi niya.

“Oh..”sabi ko naman at napatango.

“How big it is? Bakit kailangan imbistigahan, may lason ba?”tanong ko. Binigyan niya ako ng tingin na hindi makapaniwala. Doble doble ang pagkakunot ng noo nito kaya tinawanan ko lang.

“I’ll come with you.”sabi ko sa kanya at ngumisi.

“Yeah, yeah, hindi ka rin naman magpapapigil.”sabi niya naman.

“May nakasunod sa atin.”sabi ko sa kanya.

“That’s Offficer Ramos.”sabi niya naman. Napakibit na lang ako ng balikat, hindi ko naman kilala ang mga police sa station nila.

Medyo malayo-layo ata ang byahe namin.

“Sino ba ‘yang iimbistigahan niyo?”hindi ko maiwasang itanong.

“Confidential.”simpleng saad niya kaya naman agad ko siyang pinaningkitan ng mga mata, masiyado talaga itong loyal sa kanyang trabaho.

“Kaluluwa na ako!”reklamo ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako. Sinabi niya rin naman bandang huli dahil sa kakulitan ko. Iimbistigahan nila ang isang drug lord na siyang may pakana rin ng ilang kaso ng human trafficking.

“Dapat lang na mahuli niyo ‘yan! Bakit dalawa lang kayo? Dalawa lang kayong mag-iimbistiga? Paano kung madaming tauhan iyon?”tanong ko sa kanya. Sinagot niya naman ang ilang katanungan ko.

Ang dami kong pinagtatanong sa kanya na hindi naman na konekted sa pinag-uusapan namin. Sinasagot niya lang naman ang ilang mga katanungan ko, sa isang upuan ko dito parang nadagdagan ng ilang kulubot ang utak ko.

Medyo malayo pa ang binyahe namin, hindi ko naman maiwasang mapatingin sa liblib na lugar na ito. It supposed to be scary ngunit hindi ko maiwasang mamamangha habang nakatingin sa paligid.

“Ang ganda!”hindi ko mapigilang sambitin lalo na nang makita ang naglalakihang mga puno. Nilabas ko pa ang ulo ko para sumilip dito ngunit agad ko rin ‘yon binalik sa loob nang may makitang malaking taong nakatayo doon. Well, hindi tao.

“What’s wrong?”tanong ni Kaleb sa akin.

“Hehe, may kapre.”sabi ko at ngumiti sa kanya. Parang wala na lang naman ‘yon sa kanya, sabagay, sa araw araw niya ba namang nakakakita ng mga ligaw na kaluluwa, matatakot pa ba ito? Pinilit ko namang ilubog ang sarili sa kinauupuan.

Parehas naman kaming natigilan nang huminto ang kotse niya. Nagkatinginan naman kaming dalawa bago tumingin ulit sa labas. Nang buksan ang bintana’y nagulat na lang ako nang nasa kamay na ako ng malaking tao na ito.

“Missus! Kumusta ka na? Ni hindi mo kami madalaw simula ng ipatapon niyo kami rito.”sabi ni Letlet.

“Ano ba, Leticio, ibaba mo ako o baka gusto mong suntukin pa kita?”tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay. Agad naman ‘tong napanguso at binaba nga ako ngunit sa may puno naman.

“Suhz! Alam mo bang lagi na lang kaming nawawalan ng tirahan dito? Pinabayaan na ba talaga kami ng tuluyan ni Tatang Pedro?”tanong pa niya sa akin. Agad naman akong napatikhim do’n, ang lalaki nila ngunit ang lalakas mag-emote. Napaubo pa ako ng bugahan ako ni Detdet ng usok mula sa tabakong nasa bunganga nito.

“Ano ba, Deticio! Isusumbong kita kay Tatang Pedro at sisiguraduhin kong hindi ka na talaga makakabalik sa langit.”masamang tingin ang ibinaling ko sa kanya.

Agad naman ‘tong lumayo at ngumuso. Natakot din naman pala. Ang mga kapreng ‘to’y mga alaga ni Tatang Pedro. Pakalat kalat ang mga ito sa kung saan dahil madalas na mawalan ng tirahan dahil sa mga tao. Kilala ko ang mga ito dahil ako madalas ang pinagdadala ni Tatang Pedro ng mga alay para sa mga ito kapag gutom na gutom na talaga. Aba’t mas mahal pa nga ata no’n ang mga ito kaysa sa aming mga kaluluwa sa afterlife.

“Bakit ang dami niyong nandito?”hindi ko mapigilang itanong habang pinagmamasdana ang ilang kapreng nasa gilid na siyang naglalaro pa ng baraha habang may mga sigarilyo. Hindi ko naman maiwasang mapailing dahil do’n.

Napalingon naman ako nang ituro niya ang napakalaking puno sa kabilang daan na sa tingin ko’y dadaan ang ilang daang taon bago tumubo, hindi ko naman maiwasang magulat nang makitang sira na ‘yon. Mukhang pinag-initan nanamang sirain ng mga mortal kaya maski tuloy sila’y pinag-iinitan ding pagtrip-an ng mga alaga ni Tatang Pedro.

“Human.. human.. human.. ilang kapre ang nawalan ng tirahan dahil tuluyan nanaman nilang sinira ito.”sabi ni Letlet sa isang tabi.  Sila rin kasi ang nag-aalaga ng mga punong ‘yon kaya kahit na hayaan man ng mga tao ito pagkatapos taniman, sila ang nagtutuloy ng mga nasimulan ng mga ito, ‘yon nga lang, ang tao rin ang naninira kaya minsan ay nawawalan na ng gana ang mga tagapangalaga na inatasan ni Tatang Pedro.

Kung hindi lang ‘to inuuto ni Tatang Pedro baka wala na talaga, tuluyan na nila itong tatalikuran at magtutungo na lang sa afterlife.

“Don’t worry, I’m willing to help. Tutulong akong magtanim kung ‘yan ang inyong nais.”sabi ko at malapad pang ngumiti.

“Paano ka tutulong gayong go-between ka? Hindi mo rin magagawa ‘yan.”sabi naman ng isang kapre na siyang abalang abala sa pagsusugal ngunit nagagawa pa ring makinig sa usapan namin. Napailing na lang ako dahil chismoso talaga ‘to.

“Ako pa ba?”tanong ko at kinindatan sila. Tumalon naman ako sa kung saan ako binaba saka ko nilingon si Archangel na siyang nasa gilid lang at naghihintay sa akin, inihinto naman niya ang kotse.

“He’ll help us!”nakangiti kong saad habang nakaturo kay Archangel, nagtataka naman ako nitong tinignan.

“Saan mo nanaman ba ako pinapasok, Missus.”kunot noong tanong niya sa akin.

“Nakikita niya tayo?”gulat na tanong ni Detdet na nakadungaw din ngayon, kahit kailan talaga ay slow ito. Kanina pa nakahinto ang kotse ni Archangel dito ngunit ngayon lang napansin ng mga ‘to.

“Tutulungan mo kami o sa tiyan ko ang punta mo?”pananakot ni Detdet sa kanya. Napangiwi naman ako kay Ino nang magkunwari itong para bang walang nakikita. Hindi ko maiwasang nata at mapairap na lang.

“Tutulungan mo kami, hindi ba?”tanong ko at ngumisi pang hiniharap siya. Ipaaandar na sana niya ang kotse niya kaya napasimangot ako, kita ko naman ang pagsulyap niya sa akin kaya agad akong ngumiti at sinubukan pang magpuppy eyes na siyang inirapan niya lang din.

“Fine..”nakasimangot niyang saad kaya napatalon ako sa tuwa.

Touch of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon