Epilogue

305 31 13
                                    

Hi! Salamat at umabot ka hanggang dulo! Thanks for being with me. I love you all always! Mwaps! Happy valentine's day! 

Epilogue
Archangel’s POV

“Kuya Kane.”napatingin ako sa kararating lang na si Alex. Kaklase ito ni Kaleb, ‘yong batang hamog na laging nasa kalye noon.

“Ano?”tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay.

“Kung kalokohan lang ‘yan, huwag niyo akong kausapin.”natatawa kong saad sa kanya.

“No. Hindi po. It’s just that—“bago niya pa matuloy ang sasabihin ay pumasok din sina Bryan dito sa kwarto ko, katrabaho ko ito at kaibigan din. Sinamaan ko sila ng tingin. Kung makatambay ang mga ito’y para bang bahay na rin nila kung ano ang bahay ko. Naiiling na lang ako dahil suot suot na rin ng mga ito ang ilang damit ko.

“Hehe, Lods! Ang bagal mong kumilos!”natatawang saad sa akin ni Bryan habang may hawak hawak pang sandwich. Napatitig nanaman ako sa sandwich na hawak nito, hindi ko alam kung ano pero para bang may kulang. Hindi ko nga lang alam kung ano nga ba. Napabuntong hininga na lang ako dahil lagi’y parang may bumabagabag sa aking isipan, para bang may kung anong espasiyo.

“Kuya!”napalingon naman ako kay Kaleb na siyang malapad ang ngiting pumasok kasama sina Margo na siyang handang handa ng umalis para sa trip namin.

Naiiling na lang akong lumabas ng kwarto ko para sumunod na lang din sa kanila. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano sa mga dala dala nilang pagkain. Hinayaan ko na lang na ubusin ng mga ito ang stock ko rito sa bahay.

“Kaya gusto ko rito sa bahay ni Kuya Kane e, unli foods.”nakangisi pang saad ni Fin. Sumang-ayon naman si Renato at maski si Bryan. Hindi ko na lang pinansin ang mga ito at sumakay na sa kotse upang magsimulang magmaneho.

“Tara na.”sambit ko sa kanila. Kanya kanya naman na silang sakay sa van habang may mga hawak hawak pang malalaking snacks.

Sobrang ingay lang ng sasakyan, punong puno ‘yon ng kantahan at tawanan nila. Napapangiti na lang din ako habang nakikinig sa mga ito. Sa hindi ko malamang dahilan, bakit parang pamilyar ang lahat? Well, talagang pamilyar dahil lagi ko ba namang kasama sa mga gala ang mga ito.

Maya-maya lang ay nakarating na rin naman kami sa Sunny Beach. Nagsitakbuhan ang lahat ng ito papunta sa dalampasigan. Napatawa na lang ako nang mahina habang nasunod sa kanila. Naalala ko lang na takot ako dati kapag nagtutungo rito dahil sa pangyayari noong bata ako ngunit nasolusiyonan din naman agad, nagawa ko rin namang lagpasan ang lahat ng ‘yon.

“Kuya, halika na rito! Huwag ka ng magmuni-muni diyan!”natatawa nilang saad at hinila pa ako. Excited na excited ang mga ito habang inaayos na agad ang ihawan. Kain agad ang mga nasa isip. Hindi ko na lang mapigilang matawa at hinayaan sila sa gusto. Naupo lang ako sa dalampasigan habang nakatingin lang sa kalangitan. Hindi ko mapigilang mag-isip isip nanaman ng kung ano.

“Hey, hindi mo pa rin ba nakakalimutan ang panaginip mo?”natatawang tanong sa akin ni Bryan. Naakibit ako ng balikat. Sa hindi ko kasi malamang dahilan, para bang sa bawat ginagawa ko’y para bang may kulang. Hindi ko rin maiwasang maisip ang babae sa panaginip, hindi ko matandaan ang itsura nito pero hindi ko talaga ito makalimutan. Niligtas niya ako sa pagkalunod sa aking panaginip. Hindi ko alam kung bakit hindi ‘yon mawala wala sa aking mga isipan.

“Syempre si Ate Missus pa ba?”napalingon ako kay Kaleb nang banggitin niya abg pangalan ng kanyang kapatid. Sa hindi ko malamang dahilan kumikirot na lang ang dibdib ko kapag naririnig ko ang pangalan nito kahit kailanman ay hindi ko pa naman ito nakita. Siguro’y naaawa lang talaga ako kay Kaleb dahil maaga na nga siyang nawalan ng magulang, nawala pa ang Ate nitong kaisa isang taong kasangga niya sa lahat ng bahay.

“Ang hilig mo talagang ipagmayabang ‘yang Ate mo no?”natatawa nilang saad sa kanya.

“Oo ahh, bakit naman hindi?”sabi naman ni Kaleb at napakibit pa ng balikat sa kanila.

“Kuya, tara na rito! Simulan na nating lumamon!”natatawang saad ni Dame. Napatango na lang ako sa kanila at tumayo na rin sa pagkakaupo.

“Picture tayo!”pagyaya nila. Kumuha lang naman kami ng litrato. Ang hilig talaga kasi ni Alex na kumuha ng litrato, pangarap daw na maging sikat na photographer. Maya-maya lang ay nagsimula na kaming magsikain habanv nagkukwentuhan lang ng kung ano. Napatingin naman kami kay Alex na siyang kagagaling lang sa kotse.

“Hoy! Ito ipapakita ko sainyo oh.”sabi pa ni Alex na siyang nagmamadali habang papalapit sa amin.

“Ano ‘yan?”tanong naman nila na bahagyang kumunot pa ang noo. May pinakita naman si Alex na kung ano sa kanila.

“Gago ka kapag ‘yan edited lang ahh!”natatakot na saad ni Fin. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil ang hilig hilig kasi nilang mag-asaran ng ganyan, laging nag-eedit si Alex para lang takutin si Fin at Margo. Napailing na lang kami ni Kaleb na siyang kausap ko lang tungkol sa kung ano.

“Gago, seryoso, hindi! Promise! Kahit mamatay na ako ngayon!”sabi pa ni Alex.

“Nangilabot nga ako no’ng nakita ko ‘yan, gagi! Seryoso!”sabi pa niya. Napakunot naman ang noo namin nang takot na takot na ang mga ito. Nangingilabot na rin sa takot. Lumapit pa sa amin si Alex para ipakita ang litratong sinasabi.

Natigilan naman ako nang mapatingin sa litratong ‘yon, hindi dahil sa takot kung hindi dahil mas lalong sumikip ang dibdib ko habang nakatingin sa babaeng katabi ko sa litrato, malapad pa ang ngiti nito habang nakapeace sign sa gilid. Ramdam ko ang pananakit ng ulo ko habang tuluyan nang naalala ang mukha nito. ‘Yong babae sa panaginip ko!

“Remember no’ng may trip tayo no’n sa happy forest?”tanong pa niya sa amin. Napatingin pa siya sa aming dalawa ni Kaleb na nakatulala lang sa litrato.

“Tangina naman, Alex, huwag ka namang magbiro ng ganito.”seryosong saad ni Kaleb.

“Seryoso, I’m not joking or what.”seryoso ring saad ni Alex at tinaas pa ang dalawang kamay.

“Gago ka ba? Ate ko ‘yang nasa litrato! Saan mo nakuha ‘yan?”galit na saad ni Kaleb na siyang mas lalo pang nagpahinto sa akin. Mas lalo lang din kumirot ang ulo tila ba may gustong alalahanin.

“Huh? Hindi ba wala na ang Ate mo noong mga panahong ‘yan?”tanong pa nila. Tumango naman si Kaleb doon.

“I’m not joking, promise! Check those photo, kahit tignan niyo pa, wala akong inedit diyan!”sabi pa ni Alex at isa isa pang pinakita ang mga litrato, ang ilang litrato’y malabo ngunit may parte nga talaga sa litrato na tila ba may kasama talaga kami, ‘yong picture na una niyang pinakita ang nag-iisang malinaw ang mukha ng babaeng kasama namin.

Hindi ko naman na ‘yon makalimutan pa hanggang sa makauwi sa bahay. Pakiramdam ko’y mayroong isang malaking parte sa buhay ko na nawawala. Napabuntong hininga na lang ako at halos hindi rin nakatulog nang ipikit ko ang aking mga mata.

Kinabukasan, palabas na ako ng bahay nang matigilan, parang isang ilog na patuloy na umagos ang mga memoryang kasama ko siya. Simula sa una naming pagkikita, sa mga masasaya at hindi man masayang aala-ala na kasama ko siya..

Napatingin ako sa isang babaeng nasa tapat ng bahay, malapad ang ngiti niya habang nakatingin sa akin. Itim na itim ang kulay putinh buhok nito noon, suot suot niya ang floral dress, ‘yong unang dress na ibinigay ko sa kanya. Dahan dahan naman akong lumapit sa kanya. Nanlalaki pa rin ang mga mata lalo na’t nang tuluyan ko itong mahawakan.

“Anong ginagawa mo? Anong nangyari? Paanong—“ni hindi ko maituloy ang sasabihin nang malapad niya akong nginitian at walang sabi sabing dinamba ako ng yakap. Tila ba naestatwa na lang ako sa kinatatayuan, ang init ng yakap nito’y hindi maitatanggi masarap sa pakiramdam.

“Paanong nahahawakan kita? Hindi ako nanaginip, hindi ba?”naguguluhan kong tanong sa kanya. Umiling naman siya at nginitian ako.

Hindi ko maiwasang hawakan ito habang dahan dahan na nilalapit ang mukha sa kanya. Nakita ko pa ang pagpikit ng kanyang mga mata bago ko ipikit ang akin. It was a very gentle kiss, a very wonderful one.

Napatulo na lang ang luha mula sa aking mga mata nang tuluyan nang maalala ang lahat ng ‘yon and that kiss was also the last memory I had with her.. starting that day.. I forgot about her.. I.. I never saw her again..

Missus’s POV

“Can I change my good deeds to something instead?”hindi ko maiwasang itanong kay Angel Gabriel. Seryoso niya naman akong tinignan dahil dito.

“It’s utopia we are talking about here, go between Missus—“ni hindi pa natatapos ni Angel Wil ang sasabihin nang pinahinto na siya ni Angel Gabriel.

“What is it?”tanong nito sa akin.

“I want Archangel to never see ghost ever again, is it possible if he forget about his interaction with them? I know it’s also hard to do this but can you give my brother my gift for him?”tanong ko sa kanila.

“Iyon lang ba?”tanong nila sa akin. Bahagya naman akong tumango. Masaya na ako roon. Handa na akong makita pa ‘yon.

“Alright.”sabi ni Angel Gabriel at tumango.

“Get ready, go-between Missus. We’ll give you a chance to meet them.. before you go to utopia.”sabi pa nito at ngumiti sa akin. Natigilan naman ako dahil do’n.

“Po?”naguguluhan kong tanong.

“Mr. Beelzebub and Dael gave you a wish coupon.”sabi pa niya sa akin. Napatingin pa ako nang ipakita niya ang bote ng alak na binigay sa akin ng dalawa. May nakatatak do’n sa pinakababa na wishing bottle. Hindi ko ‘yon nakita dahil hindi ko naman iniinom ang mga wine na binibigay nila.

Inihatid lang nila ako gamit ang magic clouds. Medyo madilim pa nang makarating kami sa bahay, umalis na rin naman sila nang maihatid ako. Wala akong balak na magpakita kay Kaleb ngunit sa huling pagkakataon ay gusto ko itong pagmasdan. Nakapasok naman ako sa doon kahit na ramdam ko ang kaibahan ng pakiramdam ngayon. Nakita ko namang mahimbing na ang tulog ni Kaleb, napangiti na lang ako habang tinitignan siya. Dahan dahan ko pang hinaplos ang buhok nito.

“I’m sorry, Kaleb, Ate’s going to go now but I know you’re starting to have normal life, right? Ipagsakay mo na lang ako sa eroplano ahh? Itravel mo na lang din ako.”nakangiti kong saad sa kanya.

“Here’s my gift for you.. I took me a while to give you this.”sambit ko bago nilapag sa drawer ang litrato naming apat nina Papa at Mama. Wala kasi akong lakas ng loob na ipakita sa kanya ito noong mga bata kami dahil sa takot na rin na magtanong ito tungkol sa mga ito. Natakot ako na maingit siya sa mga ibang batang may magulang habang siya’y ako lang ang merom siya. Hinalikan ko pa ito sa noo.

Hindi ko alam ngunit dinala na lang ako nang mga paa ko sa bahay ni Archangel. Hindi ko alam kung ano pang ginagawa ko rito, gayong sabi ko sa isipi ko’y wala na akong balak pang magpakita sa kanya. Natigilan ako nang makita ko siyang nakatayo sa labas at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Malapad ko na lang itong nginitian habang pakaway pang lumapit sa kanya. This is the last time I’ll be able to see him, ayaw ko namang makita niya pa akong malungkot o ano. Hindi ko rin napigilang dambahin siya ng yakap. Mahigpit na maghipit ‘yon, parang gusto ko na lang na manatili kaming ganito.

Nang maghiwalay kami ng yakap, nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Dahan dahang nilapit ang kanyang mga mukha sa akin, hanggang sa tuluyan ng maglapat ang aming mga labi. It was a very magical kiss para bang ayaw ko ng matapos but the first time my lips touch yours was also the time that the death touch me again..

Touch of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon