Chapter 7

169 17 0
                                    

Chapter 7
Missus’s POV

“So am I!”sabi naman ni Almira at ngumiti pa kay Archangel. Parehas lang naman kaming nakatingin sa kanya at nakangiti.

“As if I’ll be friends with ghost.”sabi niya ngunit nakita ko ang pagngiti niya bago na unang naglakad.

Nagkatinginan naman kamong dalawa ni Almira at parehas pang natuwa. Sumakay pa kami sa ilang rides at enjoy na enjoy naman kaming tatlo.

“Ang weird talaga niyan.”sabi ng ilang babae na napatingin pa kay Archangel.

“Baka may sayad talaga.”sabi pa nila habang tinitignan ito.

“Sayang, gwapo pa naman.”sambit nila kaya hindi ko maiwasang mapakunot ang noo.

Nakita ko ring nag-iba ng kaunti ang mood ni Archangel dahil dito. Nagkatinginan naman kami ni Almira at sabay pang hinila ang mga buhok ng babaeng ‘to.

“Aray! Bakit ka naman na nanabunot?”galit na sambit nila sa isa’t isa. Parehas naman kaming napahagikhik ni Almira dahil dito.

“Aba’t ang kapal kapal ng mukha mong sumama sa akin, ha? Libre mo lang naman ang gusto ko sa’yo pero ‘yang sama ng ugali mo? Walang magtatagal diyan!”galit na saad pa no’ng isa sa kasama niya.

“Bakit? Akala mo gusto rin kitang kasama? Ang kapal kapal ng mukha mong patay gutom ka!”sambit naman no’ng isa.

Nagsabunutan na talaga sila habang nanonood ang mga tao. Parehas naman kaming napanguso ni Almira na umalis doon.

“Bakit niyo naman ginawa ‘yon?”tanong ni Archangel sa amin.

“Well, because we’re friends!”nakangiti naming sambit sa kanya. Napaawang naman ang labi niya’t nag-iwas ng tingin.

“I’m not going to be friends with ghost.”sambit niya ulit ngunit natawa lang kami sa kanya.

“Horror house!”sabay naming sambit ni Almira.

“I’m too tired to see ghost, araw araw ay nakakakita na ako niyan.”sambit niya ngunit hinila lang namin siya papasok.

Imbis na matakot kami ay natawa pa kami sa mga itsura nito. Nagkatinginan naman kami ni Almira at sinubukang takutin ang mga ito. Hindi ko alam kung naaninaw ba nila ang putting buhok ko o ano ngunit imbis na ang mga taong tinatakot nila ang magsitakbuhan para makalabas, sila itong parang walang bukas kung makatakbo. Napatawa tuloy kami ni Almira.

Napatingin namam sa amin si Archangel at napailing pa. Maya-maya ay nagpalakad naman na kami sa mga stall ng pagkain. Hindi ko naman maiwasang mapanguso dahil hindi kami pupwedeng kumain ng pagkain na galing dito sa living realm.

Parehas pa kaming napalunok ni Almira nang kumakain ito ng Ice cream. Napakamot naman ako sa ulo at nilabas na lang ang pagkain na meron ako. Inabot ko naman ang isa kay Almira. Nagtataka naman siya kung saan ko ‘yon kinuha. Nginitian ko lang ito.

Maya-maya lang ay naglakad naman na kami paalis dito sa amusement park. Pagkasakay namin sa kotse ay dinala kami ni Archangel sa isang playground, mukhang hindi naman pala siya marunong lumimot ng pangako. Napangiti na lang ako dahil dito.

“Be a good girl, ha? Don’t push any kids out there.”sambit ko sa kanya. Tumango naman siya. Naupo naman na ako dito sa isang gilid habang pinagmamasdan ang ito. I waa just smiling the whole time.

“Hijo, may anak ka diyan?”tanong ng isang medyo may edad na matanda. Umiling naman si Archangel.

“Ahh, akala ko meron, you look like you’re having fun seeing your own child.”sabi nito at ngumiti. Hindi naman nagsalita si Archangel.

Touch of DeathWhere stories live. Discover now