Chapter 30

160 21 0
                                    

Chapter 30
Missus’s POV

And that night, we just talk about things we wanted to do together. Masayang masaya ako nang gabing ‘yon ngunit kinaumagahan ay doble doble nanaman ang kaba dahil hindi nanaman nagtungo sa trabaho ngunit wala akong sermon na narinig mula kay Tatang Pedro ngayon, mukhang hindi na rin talaga ako natiis at sawang sawa na kakasermon sa akin.

“Missus!”agad akong napangiti nang makita ko si Paulita. Visiting hours ngayon ng afterlife kaya nandito siya ngayon. Hindi naman sila pwedeng magkwento ng mga ganap do’n. Niyakap niya naman ako ng mahigpit ng makita.

“Kumusta? Fresh na fresh ahh, parang walang pinoproblema.”natatawa kong saad sa kanya.

“Ayos lang, kayo ni Analita?”tanong niya sa akin, agad naman naming nakita si Analita na siyang nasa gilid at pakaway kaway pa sa amin. Hindi ko naman mapigilan ang ngiti habang nakatingin sa kanila.

“Hoy, congrats, Analita! Narinig ko na patungo ka na rin sa Utopia.”nakangiting saad ni Paulita sa kanya. Ngumiti maman ito at bahagyang tumango.

“Hala congrats!”sambit ni Paulita na niyakap pa ito. Napangiti na lang din ako sa kanilang dalawa. Bahagya naman akong nagulat nang halos sabay pa silang lumingon sa akin. Ito nanaman ang pag-aalala mula sa mukha ni Analita.

“Missus..”alam ko na agad ang sasabihin nito kaya agad ko siyang ipinahinto.

“Hep, hep, don’t ruin our day! Huwag na nga muna kayong mag-isip ng kung ano, minsan ka lang bumisita rito, Paulita, tara na, libangin na lang natin ang ating mga sarili.”sabi ko at nginitian pa sila. Parehas naman nila akong tinignan at napatango na lang. Nginitian ko na lang ang mga ito bago sumunod sa kanila. Ang dami dami nilang binabati at nakikipagkwentuhan pa sa kung kani-kanino. Ganoon lang din naman ang ginawa ko.

“Missus!”napalingon naman ako nang may marinig na tumatawag sa akin. Bahagyang napakunot ang noo ko nang mapatingin dito.

“Someone wants to talk to you..”sabi nito sa akin at tinuro ang dalawang taong nasa gilid niya. Natigilan naman ako nang makita kung sino ‘yon, hindi ko na namalayan pa ang pagtulo ng aking mga luha habang pinagmamasdan ang mga ito.

“Ma, pa..”pabulong na saad ko. Maski silang dalawa’y umiiyak na sa isang gilid.

“Missus, anak..”sambit ni Mama nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Dahan dahan niya ring hinaplos ang pisngi ko at hindi alam ang sasabihin. Mas lalo namang lumakas ang paghikbi ko dahil sa paraan ng paghaplos nito.

“Missus, anak, patawarin mo kami ng papa mo..”pabulong na saad niya.

“Patawad, anak, kung iniwan ka na lang namin ng ganoon ganoon lang.”kita ko rin ang luha mula sa mga mata nito. Bakit ngayon lang sila nagpakita? Bakit ngayon lang sa loob ng ilang taon? Hindi ko maiwasang magtampo ngunit habang pinagmamasdan ko ang mga ito’y nawawala ‘yon. Miss na miss ko ang mga ito.

“Patawad kung ngayon lang, wala kaming mukhang maiharap sa’yo gayong ikaw ang nagsikap na gawin ang lahat para sa kapatid mo.. mas maituturing ka pang magulang kaysa sa amin..”umiiyak pa rin nitong saad. Napayakap na lang din ako rito, the warmth of being home. Kahit anong gawin ko, alam ko namang walang kasalanan ang mga magulang ko kaya hindi tamang sa kanila ko isisi ang lahat. Katulad ko, hindi rin naman nila ginusto ‘yon.

Mas lalo pang napalakas ang palahaw ng iyak ko nang yakapin din ako ni Papa. Noong bata ako’y lagi kong nararamdaman ang pangungulila sa mga magulang lalo na’t kapag nakikita ko si Tita na yakap yakap ang kanyang mga anak. Ganoon din si Kaleb kaya naman ginawa ko ang lahat para iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Sana lang ay hindi ako nagkulang.

“Ma, pa.. wala po kayong kasalanan, ayos lang po. Ayos na po ako. Kinaya ko naman po..”sabi ko at ngumiti pa habang tumutulo na pa rin ang mga luha. Si Mama’y wala pa ring sawa sa pagluha habang nakatingin pa rin sa akin. Pinagmasdan niya lang ang mukha ko tila ba kinakabisado ang bawat parte nito. Napangiti naman ako habang nakatingin sa kanila ni Papa. Wala pa ring pinagbago ang mga mukha ng mga ito, si Mama’y ganoon pa rin, hanggang ngayon ay maganda at mukhang bata pa rin. Para nga lang kaming magkapatid kung titignan. Para bang ilang taon lang ang tanda sa akin.

Si Papa naman ay ganoon din, makisig na makisig pa rin ito. Ginulo pa nito ang buhok ko.

“Kamukhang kamukha mo ang mama mo, pasensiya na kung ngayon lang kami nagkaroon nang lakas ng loob para magpakita sa’yo.”sabi niya pa sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.

“Wala pong problema ‘yon, Pa. Ang mahalaga’y nandito na kayo ngayon.”sabi ko at niyakap pa ulit silang dalawa. Hindi ko naman mapigilang maalala si Kaleb. Sana’y nakikita rin nito ang mga magulang naming dalawa. Napangiti na lang din ako sa iniisip. Paniguradong matutuwa ‘yon dahil madalas siyang magtanong sa akin noon tungkol sa mga ito.

“Sana po’y nakikita kayo ngayon ni Kaleb..”nakangiti kong saad sa kanila.

“Sana nga’y makita na rin namin ito.”sabi naman ni Mama na hinahaplos pa rin ang buhok ko. Tumayo naman na kami dahil kanina pa kami nakaupo lang dito.

“Kamukhang kamukha mo siya, Papa!”nakangiti kong saad kay Papa.

“Talaga, anak?”tanong niya naman kaya tumango ako at ngumiti sa kanya.

“Lumaking makisig.”natatawa ko pang saad sa kanila. Napangiti naman ang mga ito habang nagkukwento ako patungkol sa aking kapatid.

“Sobrang talino kaya ni Kaleb, Ma, kung makikita niyo po siya’y paniguradong magiging proud kayo. Maski po ako’y talagang tuwang tuwa sa mga grado nito. Running for valedictorian ‘yon, Pa.”proud na proud kong saad habang kinukwento ang kapatid. Napangiti naman sina Mama rito.

“Valedictorian din po siya no’ng elem at no’ng high school pero kahit wala po ‘yon ay ayos lang dahil sobrang bait na bata no’n.”nakangiti ko pang saad. Napatingin naman ako sa kanila nang parehas nila akong tinititigan. Hinaplos pa ni Mama ang buhok ko habang nakatingin lang sa akin na para bang ilang segundo lang ay mawawala ako.

“Salamat, Anak.. pasensiya ka na..”sabi pa ni Mama sa akin.

“Ma, ayos lang po. Wala nga po kayong kasalanan.”natatawa ko pang sambit sa kanya.

“Ang Tita mo? Maayos ba kayong inalagaan?”tanong niya pa sa akin. Tumango lang naman ako sa kanya, kahit na paano’y malaki ang pasasalamat ko kina Tita dahil sa pagkupkop nila sa amin, kahit na sobrang maldita pa nito at kahit na sa ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang dinanas namin sa kanya noong mga bata kami although may part naman na sinusubukan ko siyang intindihin dahil nga noong mga panahong ‘yon din siya hiniwalayan ng asawa niya tapos bigla bigla na lang siyang nagkaroon ng apat na anak na kailangan pakainin. Pasalamat na lang din talaga kami na hindi niya kami pinamigay sa kung sino.

“Ikaw naman, Anak? Gusto rin naming malaman ang naging buhay mo noon.”sabi pa ni Mama sa akin. Natigilan naman ako roon, ayaw kong malaman nila ang naging buhay ko noon, baka mas lalo lang nilang sisihin ang sarili sa desisyon ko sa buhay. Hindi naman nila kasalanan kung ano man ang piliin kong landas kaya nga hindi ko maiwasang magtaka kung bakit lagi na lang sinisisi ng mga tao ang magulang kapag nagkakamali ang anak. Minsan, kahit na pinalaki mo pa ito ng tama, kung pinili niyang gumawa ng masama, hindi mo na ‘yon kasalanan pa.

“Maayos naman po, Ma.. masaya rin po ako na namuhay noon. Pasensiya na po, wala akong maipagmamalaki sainyo.”natatawa ko pang saad kaya agad na hinaplos ni Mama ang buhok ko.

“Marami kang maipagmamalaki, Missus, ang pagpapalaki mo pa lang sa kapatid mo’y isa na sa mga ‘yon.”nakangiting saad ni Papa sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapangiti at tumango.

Naglalakad naman kami rito sa afterlife habang nagkukwentuhan pa rin.

“Mama at Papa ko po.”nakangiti kong sambit sa ilang tao rito sa afterlife na binabati ako. Ang sarap pala talaga sa pakiramdam kapag may ipakikilala kang magulang. Napangiti naman ako roon.

“Oh, kamukhang kamukha mo nga ang Mama mo, Hija.”sabi pa ng isang matandang nakasalubong namin.

“Hindi naman po ata ako papayag diyan, kamukha ko rin po ang anak ko.”sabi naman ni Papa kaya napatawa na lang kami. Nakakapikit lang din ako kay Mama habang patuloy kami sa paglalakad. Maya-maya lang ay kinailangan na rin nilang umalis. Bahagya akong nalungkot doon ngunit hindi ko pa rin naman maiwasang matuwa nang sabihin nilang bibisita muli sila. Kumaway lang din ako nang ihatid sila sa train kung saan magtutungo na sa utopia. 

Malapad ang ngiti kong maglalakad na sana pabalik sa kainan dito sa afterlife ngunit nahinto nang makita ang hilera nang mga anghel. Tila ba nabato balani rin ako sa kinatatayuan nang makita ko rin si Angel Gabriel na siyang papalapit sa akin. Pakiramdam ko’y alam ko na agad kungamong mangyayari. Alam kong imposibleng hindi ako parusahan sa mga pinaggagawa ko.

“Missus, inaanyayahan ka namin na sumama sa judgement court.”sabi nito sa akin. Napahawak naman ako sa aking mga kamay. Kahit naman expected ko na ang mangyayari, hindi ko pa rin maiwasang matakot dahil gusto ko pang makita sina Kaleb.. si Archangel.. baka pagkatapos ng araw na ito’y hindi ko na sila makita pa.

“May karapatan kang manahimik.”sambit nito sa akin at ilang anghel na ang umalalay sa akin sa paglalakit. Wala namang posas dito o ano. Sa katunayan ay para ka pa ngang may body guard habang naglalakad. Kita ko rin ang pagtingin sa gawi namin ng ilang tao rito sa afterlife, hindi naman na bago sa paningin nila ito pero hindi pa rin talaga sila nasasanay kapag nagsasama-sama ang mga anghel at nagyaya pa ang mga ito. Doble doble rin ang kaba ko lalo na’t nang makarating sa judgement court. Isang beses pa lang akong nakatapak dito, noong namatay ako’y dito ako unang dinala ni Dael.

Takot na takot ako no’ng araw na ‘yon lalo na’t hindi naman pamilyar ang lugar. Hindi ko rin tuloy maiwasang maalala ang old self ko, lagi akong takot noon, kahit ilang beses pa ata akong magnakaw ay hindi pa rin nagagawang sanayin ang sarili. Alam kong mali pero hindi ko pa rin talaga magawang tigilan lalo na’t ‘yon lang ang alam kong paraan noon para sa kinabukasan naman ni Kaleb. Hindi naman kasi sila tumatanggap ng hindi man lang nakatapos ng elementary saka bata pa ako noon. Well, alam kong hindi dapat dinadahilan ang pagkabata. 

“Go-between Missus. Ika’y pinatawag sa pagpupulong na ito’y upang linawin ang pakikipag-ugnayan mo sa mga mortal.”sambit ni Angel Gabriel na siyang nasa may pinataas na upuan na. Napayuko lang naman ako roon at nakinig. Inihahanda na rin ang sarili para sa kaparusahang iaatas nila sa akin.

“Siguro naman ay alam mong hindi ka rin pupwedeng pumasok na lang basta basta sa panaginip ng ibang tao, hindi ba?”tanong pa nito sa akin. Tumango naman ako roon. Aware ako roon pero anong ginawa ko? Sinuway ko pa rin.

“Alam mo ring may kasunduan na hindi ka dapat lumiban ng trabaho, tama ba?”tanong niya pa sa akin. Tumango lang ulit ako dahil alam ko ang mga ‘yon.

“Marami kang nilabag na batas bilang isang go-between..”sabi niya pa. Pakiramdam ko’y malalagutan na ako ng hininga dahil dito.

“Ngunit hindi ka namin paparusahan doon.”sambit nito kaya agad nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. May nilabas naman itong isang jar na siyang umaapaw na.

“Ito ang good deeds mo, nababawasan kapag may ginagawa kang hindi maganda ngunit binabalik mo ng tatlong beses ‘yon kaya naman bibigyan ka namin ng isang pagkakataon upang mamili, oh, hindi ka pala makakapili pa.”sabi pa niya at ngumiti sa akin.

“You only have one choice, go-between Missus. Congratulations, you’ll go to utopia..”nakangiti nitong saad sa akin.

Touch of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon