Chapter 10

170 18 1
                                    

Chapter 10
Missus’s POV

“Good morning!”nakangiti kong bati sa kanya.

“Nandito ka pa rin?”tanong niya na medyo nagulat pa habang nakatingin sa akin.

Ang totoo’y umalis na ako ng mahimbing na siyang nakatulog para magawa ko na ang aking trabaho. Kababalik ko lang pagkatapos kong tapusin ang mga dapat gawin. Mamaya pa kami babalik sa afterlife.

“You’re not going to work today, right?”nakangiti kong tanong sa kanya dahil day off niya ngayon ang alam ko.

“No, I have some unfinished business pa.”sabi niya at tumayo na. Inayos muna ang kanyang kwarto. Hindi ko naman maiwasang mapanguso at hinayaan na lang siya. Mukhang ayaw magpaawat nanaman ng mokong.

Nahiga na lang ako sa kama niya at tinignan ang kwarto niyang halata ngang gustong gustong pagtambayan ng ligaw na kaluluwa. Paano’y sobrang dark nito.

Hinantay ko lang siyang matapos sa kanyang mga ritwal bago sumunod sa kanya patungo sa station.

“Why are you still here? Wala ka nanaman bang magawa? Saka saan ka ba nagpupupunta?”tanong niya na nakakunot ang noo sa akin. Napangisi naman ako ng dahil dito.

“Interesado ka na sa akin?”natatawa kong tanong sa kanya. Inirapan niya lang ako at hindi na pinansin hanggang sa makarating kami sa station.

Nakasunod lang naman ako sa kanya. Binati ito ng ilang kasamahan niya ngunit parang walang nakita ang mokong at nilagpasan lang ang mga ito. Rinig ko tuloy ang bulong nila.

“Angas.”napailing pa ang ilan ngunit hindi na siya pinansin pa.

Naupo lang naman ako sa isang gilid dahil kausap niya na ang chief nila. Napalapit naman ako sa isang police officer na laging tumutulong sa amin ng kapatid ko noon. Ngayon ko na lang ulit ito nakita, kusa na lang akong napangiti dahil hanggang ngayon pala’y hindi pa rin ito nagbabago. Nandoon pa rin ang relong lagi niyang suot, ang buhok niyang laging nakagel at higit sa lahat ang pito niyang laging nakasukbit.

“Officer Recto!”nakangiti kong bati sa kanya kahit alam ko naman na hindi ako maririnig nito. Napaawang ang labi ko nang humarap siya sa akin at kitang kita ko ang basag sa kabila niyang mukha. Laking gulat ko rin ng nginitian niya ako, that’s when I knew, he already died.

“Nandito ka nanaman, Suhz.”sabi niya sa akin ng nakangiti. Hindi ko namang maiwasang malungkot sa kanya.

“What are you still doing here, Boss Recto?”tanong ko sa kanya. Napatawa naman siya ng mahina sa tawag ko.

“Chief! Chief!”tawag ng isang pulis sa boss nila.

“Si Officer Recto nabaril daw po kahapon sa kabilang bayan!”sambit nito. Napatingin naman ako kay Officer. Nginitian niya lang ako.

“You should go to afterlife, manghihina lang ang katawan mo rito.”hindi ko mapigilang sambitin.

“I know that, Missus, but I have something to do before I go to afterlife.”sabi niya sa akin at ngumiti.

“Mapaparusahan ka lang kung magtatangka kang tumakas, Officer!”frustrated kong saad sa kanya.

“I have unfinished business here, Missus, bago ako umalis ay tatapusin ko muna.”sabi niya sa akin.

“What? Hahanapin mo ang pumatay sa’yo, don’t worry about that, nandito naman si Archangel.”sabi ko na tinuro si Archangel na nakatingin sa aming dalawa ngayon.

“So he really can see the dead, ha?”nakangiting saad ni Officer.

“But no, Missus, I don’t really care who killed me but I promise someone today, it’s my day off at pinangakuan kong bibilhan ko siya ng mamahaling mga laruan.”sabi niya na ngumiti.

“But you can’t do that, Officer!”hindi ko mapigilang sambitin at napakamot pa sa ulo.

“I know.. but I can’t afford to go in afterlife without fullfilling my promise. You know me.”sabi niya at ngumiti.

“Fine, I’ll help you this time.”sabi ko at ngumiti sa kanya. Tumayo ako at lumapit kay Archangel na nakatingin pa rin sa akin. Mukhang tapos naman na ito sa trabaho niya.

“What?”tanong niya na nakatakip ang fortfolio sa kanyang mga labi.

“Hindi ko gusto ang ngiting ‘yan.”sabi niya pa na pinaningkitan ako ng mga mata. Napahagalpak naman ako sa kanya ng tawa dahil dito.

“I need your help.”sabi ko sa kanya. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay.

“Samahan mo kami ni Officer Recto na mamili ng laruan.”sabi ko sa kanya. Ayaw pa nitong pumayag kaya naman kinulit ko talaga ng bonggang bongga. Napabuntong hininga naman siya at walang nagawa kung hindi ang tumango.

“Fine.”sabi niya na napailing pa.

“Let’s go, Officer.”sabi ko kay Officer Recto habang nakangiti. Nagtataka naman siyang sumunod sa amin.

Sumakay naman na kami sa kotse ni Archangel, mukha pang namamangha si Officer Recto dahil nga nakakausap talaga si Archangel.

“Where should we go?”tanong ni Archangel sa akin.

“Officer, sa’n daw po?”tanong ko. Tinuro naman ni Officer ang malapit na mall. Napangisi naman ako nang may maalala. Good idea rin naman pala na tinulungan namin si Officer.

Nakasunod lang naman sa amin si Officer Recto ngunit kinakausap ko ito.

“It’s been 2 years since I saw you at akalain mo nga namang sa ganitong paraan pa kita makikita.”hindi ko mapigilang sambitin.

“Oo nga e. Ikaw naman kasi ang aga mong kinuha.”sabi niya sa akin at ngumiti.

“1 year ago, akala ko’y kaya hindi ka na nadadalaw sa police station dahil nagbago ka na, ‘yon naman pala ay nadeads ka na.”sabi niya pa sa akin. Napatawa naman ako ng mahina doon.

Nang magtungo kami sa loob, kumuha ng basket si Archangel.

“Wow, ready’ng ready magbayad, ha?”natatawa kong biro sa kanya. Inirapan lang naman ako ng lolo mo at sinamaan ng tingin kaya tinawanan ko siya.

Nang pumunta kami sa toy section, pinapili na namin si Officer Recto. Kita ko naman ang pagpahid niya ng luha. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa kanya dahil dito.

“It’s for my son..”sabi niya nang makitang nakatingin ako sa kanya. Pinipigilan din nito ang maiyak. Parehas lang naman kaming nakatulala ni Archangel sa kanya lalo na nang bumuhos ang emosiyon nito.

“Pasensiya na kayo, hindi ko lang lubusang maisip na iiwan ko na ang anak, gusto ko lang naman ito magkaroon ng buong pamilya.”sabi niya pa at ngumiti. Hindi ko naman maiwasang malungkot para sa kanya.

“Sir, ito po maganda, nilalagyan po ‘yan ng battery.”sabi ng saleslady kay Archangel dahil napansin ngang nakatingin lang sa isang gawi kung nasaan si Officer Recto.

“Ahh, yeah, I’ll take that.”sabi na lang ni Archangel at napahawak sa batok. Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa kanya.

“Ano pa, Officer, huwag kang mag-alala si Archangel ang bahalang magbayad nang lahat ng ‘yan.”nakangisi kong saad. Inirapan naman ako ni Archangel ngunit nginitian ko lang siya ng malapad.

Napatingin ulit kami kay Officer nang huminto siya sa isang tabi.

“Dito muna ako.”sabi niya habang nakatingin doon, mukhang naalala nanaman ang anak. Nagkatinginan naman kami ni Archangel at sabay na napakibit ng balikat. Tinanguan  lang naman namin siya.

Hinawakan ko ang damit ni Archangel at malapad na ngumiti.

“What?”tanong niya na pinagtaasan ako ng kilay. Hinila ko ang damit niya patungo sa home decoration.

“Ano naman ang gagawin mo diyan, Missus?”tanong niya nang nakakunot ang noo dahil lagay lang ako nang lagay ng mga gamit sa basket na hawak niya. Napailing na lang siya at sinusundan ako.

“Ang ganda.”nakangiti kong sambit nang mapatingin sa isang lampshade na moon. Malapad ang ngiti kong kinuha ito at nilagay sa basket niya.

“Done.”sabi ko at malapad na ngumiti sa kanya. Napailing na lang siya at kinuha ang mga ‘yon. Maya-maya lang ay nasa harap na rin namin si Officer Recto. Nakangiti lang ito habang nakatingin sa amin.

Binayaran lang ni Archangel ang mga pinamili namin, ni hindi man lang ito bumili ng para sa kanya.

“Salamat..”sabi ni Offucer Recto pagkalabas namin.

“Don’t worry about that, Officer, saka hindi pa nga namin nabibigay ito sa anak mo. Ibibigay pa muna ni Archangel.”sabi ko at ngumiti.

“Desisyon ka.”sabi sa akin ni Archangel, tinawanan ko lang naman ito. Inirapan niya ako dahil dito. Nang mapatingin kami kay Officer Recto ay nakangiti lang ito.

“Hindi ko alam na ang bait mo pala, Detective.”sabi ni Officer kay Archangel. Napaawang naman ang labi ng kasama ko at napaiwas ng tingin. Hindi ko naman tuloy maiwasang mapangiti ng dahil dito.

“Mabait talaga ‘yan, Officer.”natatawa kong saad at hahawak pa sana kay Archangel ngunit tumagos lang ako.

Nagtungo naman na kami sa bahay nina Officer. Nagdoorbell lang kami sa bahay nito, umalis din naman si Archangel nang may taong magbubukas na nito. Ang weird naman kasi kung magbibigay na lang ito bigla, hindi ba?

Nanatili naman doon si Officer Recto, hindi ko maiwasang mapangiti para sa kanya nang makita kong umupo siya sa tapat ng anak na masayang masaya habang nakikita ang mga laruan. Kita ko ang pangingilid ng luha ni Officer nang tumalikod na siya sa anak.

“Salamat, Missus.”naluluha niyang saad.

“Ano ka ba, Officer? Wala lang ‘yan sa mga naitulong mo sa amin noon.”sabi ko at malapad na ngumiti sa kanya.

“Salamat, Detective, maraming maraming salamat.”sabi niya kay Archangel. Tumango at ngumiti lang naman ng tipid si Archangel.

Naghintay lang kami sandali sa pagdating ng grim reaper, maya-maya lang ay sina Dael nanaman ang dumating.

“Hay nako, ikaw nanaman, Suhz.”natatawang sambit nila.

“O siya sige na, patikim ng wine next time.”sabi nila sa akin. Natatawa ko lang naman silang kinawayan. Nakatingin lang naman sa akin si Archangel.

“Sina Bea.”sabi ko, napatango naman ito.

“You have a job, aren’t you?”tanong niya sa akin nang makasakay kami sa kotse. Hindi naman sinabing bawal sabihin na nagtatrabaho ako dahil lingid naman sa kanilang kaalaman na nakakausap ko ang isang mortal.

Nagkibit na lang ako ng balikat, baka mamaya ay gamitin pa sa akin ni Tatang Pedro ito kung sakali. Mahirap ng magkamali.

“Let’s go to your house. Magpapahinga ka na, hindi ba?”sabi ko at nginitian pa siya.

“Tapos na ang unfinished business mo sa station niyo.”sabi ko pa sa kanya at ngumiti.

“Yeah, yeah..”sabi niya tila ayaw ng makipagtalo sa akin. Naoangiti naman ako at tinignan pa ang mga decoration.

Maya-maya lang ay nakarating kami sa bahay niya. Agad ko namang binuhat ang mga gamit nito.

“Do you mind kung pakikialaman ko ang ayos ng kwarto mo?”tanong ko sa kanya.

“What?”tanong niya.

“Pampalayo sa ghost at para mas madali ka na rin makatulog.”sabi ko sa kanya at ngumiti. Tinignan niya lang ako sandali at napakibit na lang ng balikat. Pakanta kanta naman akong nagtungo sa kwarto niya.

Nakasunod lang ito sa akin. Tinitignan niya lang ako habang kung ano ano ang pinaggagawa sa kwarto niya.

Nalilibang naman ako habang inaayos ito, pinangarap ko rin noon na magdecorate ng sarili naming kwarto ni Kaleb kaya masaya ako na nagagawa ko ito kahit hindi na para sa kwarto ko.

Napatingin ako kay Archangel na nakatayo lang sa gilid ng kanyang pintuan.

“It’s my first time decorating a room.”sabi ko at ngumiti.

“I’ve never tried doing that too..”sabi niya naman na nag-iwas ng tingin.

“Edi gawin mo na ngayon.”sabi ko sa kanya nang nakangiti. Hinila ko pa ang damit niya.

Nalibang naman kami parehas habang turo lang ako ng turo sa kanya, paminsan ay nagtatalo pa kami sa kung saan mas magandang ilagay. Parehas din naman kaming nasusunod kaya ayos lang.

“Patayin mo ilaw, dali.”nakangiti kong saad dahil nilagyan ko ang kisame niya ng stars. Madilim ang kwarto niya kaya naman kita rin ito kahit na medyo maliwanag pa.

Napangiti naman ako habang nakatingala. Napatingin naman ako kay Archangel na nakatulala lang sa taas. Napangiti naman ako sa kanya.

“Whenever you can’t sleep, just loom at your ceiling.”sabi ko sa kanya at ngumiti, nilingon niya naman ako at nginitian din pabalik. Nilagay ko naman ang moon sa tabi ng kama niya at nagthumbs up pa sa kanya. Natawa naman siya sa akin dahil dito.

“It’s done!”sabi ko na malapad ang ngiti.

“Ikaw ang mag-isip ng iba mong gustong ilagay dito.”sabi ko na tinuro ang pader niyang sobrang plain nang matapos kami kakadesenyo.

“Painting.”sabi niya at nilabas pa ang laptop niya. Umupo naman siya sa lapag ng kama kaya tumabi ako.

Napangiti naman ako habang naghahanap siya ng piece ng painting dito. Nalibang kaming dalawa habang pinagmamasdan ito. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya nang makita itong nakangiti habang nagtuturo.

Touch of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon