Chapter 26

130 21 0
                                    

Chapter 26
Missus’s POV

“Aaron! Sasama ka ba?”nakangiti kong tanong sa batang lalaking nandito na sa afterlife ngayon. Ang mga taong nandito’y talaga namang inaalagaan din ito. Magtutungo na rin agad ito sa Utopia ngayong araw.

“Opo, Ate Missus!”nakangiti niyang saad sa akin. Bahagya pa akong nagulat nang hawakan niya ang kamay ko. Napangiti na lang ako bago ginulo ang buhok niya.

Naglakad naman na kami patungo sa rainbow bridge. Bibisitahin kasi niya si bruno, ‘yong aso niya. Nasa rainbow bridge ngayon, madadaanan ‘yon tuwing nagapabalik balik dito sa living realm at after life. Nandoon lahat ng mga alagang hayop ng mga mortal na pumanaw na.

Sumakay naman na kami ni Aaron sa train patungo sa may rainbow bridge. Nagkukwento lang siya ng kung ano sa akin habang nakikinig lang din naman ako.

“Sobrang bait po ni Bruno, Ate, tapos sobrang talino pa po!”sabi niya pa sa akin kaya hindi ko maiwasang mapangiti, mukhang mahal mahal talaga nito ang alaga niya.

“Kapag sinabi niyo pong maupo siya, talaga pong uupo.”nakangiti niya pang saad. Aliw na aliw naman ang mga taong nakikinig din sa kanya.

“Ganoon din ang alaga ko.”sabi naman ng isang magandang babae. Malapad pa siyang ngumiti kay Aaron, nagkasundo rin ang dalawang ‘to habang nagkukwentuhan tungkol sa kani-kanilang mga alaga. Hindi ko naman maiwasang mapangiti na lang habang nakikinig sa kanila.

Maya-maya lang ay nakarating na rin kami sa rainbow bridge. Humawak naman ulit sa kamay ko si Aaron kaya nginitian ko na lang siya. Kapag kasi hindi pamilyar ang lugar, para itong natatakot, wala naman siyang dapat ikatakot dito dahil takot na lang ng iba na gumawa ng masama. Automatic na talagang tutungo sila sa underworld kung sakali saka maraming anghel ang pakalat kalat dito para panatilihin ang kapayapaan. Kung may taga monitor mula sa lupa, mas marami naman ang magmomonitor rito sa afterlife pero kapag nasa utopia ka na, wala ka ng dapat pang ipangamba.

Napangiti naman ako mang makita na ang napakalaking bahaghari. Nakabukas din ang malaking gate dahil kahit sino’y pwedeng bumisita rito. Madalas ay nakikipaglaro rin kasi ang mga tao rito sa afterlife sa mga alagang hayop na nandito. Kita ko naman ang pagkamangha mula sa mukha ni Aaron.

“Wow!”bulalas niya at lumingon pa sa akin, nginitian ko naman siya dahil do’n. Bahagya ko ring ginulo ang buhok nito bago kami nagsimulang maglakad papasok sa loob.

Kahit ilang beses na akong bumisita sa rainbow bridge, hindi ko pa rin talaga maiwasang mamangha kapag nakikita ko ang malawak na mga burol. Talaga ring marerelax ang mga mata mo sa berdeng berdeng mga damo at talagang mapapangiti ka pa sa mga alagang hayop na talaga namang nagkakasundo.

Halos lahat din sila’y masisigla dahil ang mga sakit na nagpapahirap sa kanila noon, nawala nang tumapak sila sa rainbow bridge.

“Bruno!”agad napangiti si Aaron nang sumalubong sa kanya ang alagang hayop na si Bruno, tila ba hinihintay siya nito. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila, talagang yumakap pa si Aaron sa kanyang alaga.

“Hala! Wala na ang pilay mo!”bulalas pa ni Aaron tila ba hindi makapaniwala roon. Kita ko ang saya mula sa mga mukha nito bago niya pa niyakap ulit si Bruno at hinaplos pa ang balahibo nito. Maya-maya lang ay naghahabulan na ang dalawa. Hindi ko naman maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang ilang taong nandito, nakikipaglaro rin sila sa mga hayop.

“Ate Missus! Halika po.”anyaya pa sa akin ni Aaron, natatawa ma lang akong sumunod sa kanya at nakipaglaro sa kanilang dalawa ni Bruno, nalibang din naman ako sa pakikipaglaro sa kanila.

Inabutan ko naman sina Bruno at Aaron nang pagkain na siyang tinabi ko lang din kanina, para sa kanila talaga ‘yon. Kumain naman na ako kasabay sina Bea kanina.

“Thank you, Ate!”nakangiting saad sa akin ni Aaron nang pabalik na kami sa afterlife, gusto ko mang magtagal kami’y hindi pupwede dahil magtutungo na rin ako sa dreamland para sa trabaho.

“Walang anuman, bisitahin mo pa rin kami kapag nasa utopia ka na, alright?”nakangiti kong tanong sa kanya. Napatango naman siya sa akin.

“Opo! Bibisita po ako lagi! Bibisitahin ko po si Bruno at syempre kayo rin po.”sabi niya at nginitian pa ako. Napangiti na lang din ako roon, well, may visiting hours naman ang afterlife para lang sa mga tao sa utopia pero madalas na hindi na bumibisita pa ang mga ito rito dahil katulad nga ng sabi nila noon. Talagang masaya ang buhay sa utopia. Wala ka ng hihilingin pa roon kaya hindi na nila gugustuhin pang bumisita rito.

Ibinilin ko lang din naman si Aaron kina Bea at sa Lola nito bago ako umalis. Hindi ko alam pero pakiramdam ko’y reposibilidad ko ang bata. Well, I just feel that he needed someone. Nakikita ko lang din siguro ang sarili ko rito.

“Suhz, saan ka galing?”tanong sa akin nina Analita nang makasakay na ako sa train.

“Sa rainbow bridge.”sambit ko naman kaya agad siyang napatingin sa akin.

“Bakit hindi mo ako sinama?”nakanguso nitong tanong kaya napailing na lang ako sa kanya, abalang abala kasi ito kaninang nakikipagchismisan sa mga tao sa afterlife, kahit sino naman kasi ay pupwede mong kausapin at kaibiganin doon, no judgement. Ang nakakataas lang ang pupwedeng manghusga.

Nagsimula na rin naman akong magtrabaho kalaunan. Maraming mensahe ang naipon kaya naman halos pagod na pagod akong palakad lakad dito sa dreamland. Habang naglalakad pabalik na sa train. Natigil ako sa tapat ng isang pintuan. Kita ko ang pangalan ni Archangel. Bahagya pa akong nagulat dahil nasa masayang parte siya ng dreamland. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at binuksan ko ang pintuan.

Kailanman ay hindi ako sumuway sa utos nina Tatang Pedro pero hindi ko ba kasi talaga alam ngayon. Hindi kasi talaga kami pupwedeng pumasok na lang basta sa panaginip ng isang tao lalo na kung wala naman kaming kailangan na gawin doon saka hindi rin kami pupwedeng manggulo do’n. Nabuksan ko na, kahit anong gawin ko’y malalaman at malalaman niya rin ito kaya naman tinuloy ko na ang pagpasok.

Isang payapang lugar lang ang nakita ko. Nakaupo lang din si Archangel sa pinakadulong bahagi ng burol habang nakatitig sa papalubog na haring araw. Agad tumama ang malamig na simoy ng hangin nang lumapit ako sa kanya.

Bahagya naman siyang nagulat nang makita ako. Ngitian ko naman siya agad bago ako naupo sa kanyang tabi.

“What are you doing here?”tanong niya sa akin.

“Just going to sit with you..”sambit ko at nginitian siya. Naupo naman ako sa tabi nito habang nakatingin lang sa kulay rosas na hinaluan ng kulay kahel na kalangitan.

“What’s the thing you really want to do?”tanong ko sa kanya.

“Hmm.. now? I don’t think I have one.. nasubukan ko naman ng gawin ‘yong mga bagay na gusto kong gawin noon..”sabi niya at ngumiti pa sa akin.

“I already tries to camp with friends, amusement park, picnic and even museum date with friends.”nakangiti niyang saad sa akin. Kusa na lang din akong napangiti dahil do’n.

“How about you? Ano ‘yong bagay na gustong gusto mong gawin ngunit hindi mo nagawa no’ng bata ka?”tanong niya sa akin. Natigilan naman ako roon at bahagyang ngumiti na lang.

“Isang bagay lang ang gusto ko noong bata ako. Makakain sa fast food chain..”natatawa kong saad. Napatingin naman siya sa akin dahil do’n.

“Sobrang simple, hindi ba?”nakangiti ko pang tanong sa kanya. Ramdam ko naman ang mga mata niyang hindi ako nilulubayan ng tingin.

“It was my dream back then bago pa kasi kami makapasok sa loob hinaharang na kami. I still remember how they look at me that day.. sobrang dungis ko kasi noon, lagi’y nasa may kalye upang kumita ng pera para kay Kaleb. Ayos na, na hindi ako makapag-aral huwag lang siya.”sabi ko pa.

“Kapag kumakain sina Tita ng masasarap, nasa gilid lang kami ni Kaleb, pinapanood sila. Noong nagkapera ako, talagang binilhan ko si Kaleb nang masasarap na pagkain. Ayaw kong naiinggit ‘yon e.”natatawa ko pang saad.

“How about you?”tanong niya naman sa akin.

“Have you ever tried to reward yourself?”seryosong tanong niya sa akin. Tinawanan ko naman siya dahil do’n.

“Sa hirap ng buhay namin noon sa tingin mo ba’y magagawa ko pang bigyan ng reward ang sarili ko? Imbis na gawin ko ‘yon, kailangan ko na lang kumayod ng kumayod para makapag-ipon.”sabi ko pa at napakibit ng balikat.

“Ayaw ko nga dapat na pagtrabahuin si Kaleb, gusto kong mag-aral lang ‘to pero ano nga bang nangyari? May mga bagay na hindi talaga nangyayari sa gusto nating paraan.”aniko.

“Hmm, how about now? What do you really want to do?”tanong niya pa sa akin.

“Hmm, I don’t know, I just want to see Kaleb grow.. I want to take care of him like how I use to do..”saad ko habang nakangiti.

“I’ll take care of him for you..”sabi niya kaya agad akong napalingon sa kanya at malapad na ngumiti.

“Talaga?”tanong ko pa kaya bahagya siyang tumango.

“Huwag na huwag mong kakalimutan ‘yan, okay?”natatawa ko pang saad sa kanya.

“Anything else you want?”tanong pa niya sa akin. Bahagya naman akong umiling dahil wala na akong hihilingin pa. Masiyado ng marami ang tulong nito sa aming magkapatid.

Bahagya naman along nagulat nang makitang napalitan ng napakalawak na bukirin ang panaginip nito at napatalon pa ako nang may humiyaw na kabayo sa gilid namin. Nagkatinginan naman kaming dalawa mi Archangel at sumakay na roon. Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil do’n. Agad naman akong sumakay sa kabayong narito. Well, wala akong alam pagdating dito pero ayos lang, nasa panaginip niya naman ako.

Bahagya naman akong nagulat nang sumakay din siya sa tabi ko. Nginitian niya lang ako at napakibit ng balikat. Napangiti na lang din ako habang pinagmamasdan ang panaginip nito, masaya ako at hindi na itong kasingdilim noon na talagang pinagpupugaran ng mga halimaw.

Hindi ko mapigilang maramdaman ang lakas ng tibok ng puso sa sobrang lapit niya sa akin. What the heck, Missus? Ngayon mo pa talaga napiling lumandi? Gusto ko na lang saktan ang sarili sa kung ano anong iniisip.

“Ang ganda!”sabi ko nang mapatingin sa mga namumulaklak na mga halaman sa gilid namin. Talaga namang kaakit akit ang kagandahan no’n.

“Yes, it’s pretty.”sambit ni Archangel. Para naman akong kikiliti sa sobrang lapit nya sa akin. Ano ba naman ‘yan, Missus, huminto ka nga sa kaharutan mo.

Tinuruan niya lang akong mangabayo at nang tuluyan nang matuto, nagawa ko pang yayain siyang makipagrace sa akin. Natatawa naman niyang tinanggap ang hamon ko. Ang malahardin na panaginip niya’y napalitan nang horse racing venue. Hindi ko naman mapigilang ganahan pa dahil do’n.

“Hiya!”malakas ko pang sigaw at nauna na kahit wala pang sinasabing go. Nagulat na lang ako nang nasa gilid ko na siya at tumatawa pa ang mahina.

“Napakadaya talaga.”natatawa niyang saad sa akin at bahagya pang napailing. Hindi ko naman maiwasang mapanguso dahil hindi man lang ako nito pinagbigyan, talagang pinili niya pa ring mauna.

“Napakacompetitive!”sabi ko na inirapan pa siya. Tinawanan niya lang naman ako.

“Isa pa!”sabi ko nang hindi nakuntento doon. Napatawa naman siya sa akin at napakibit ng balikat. Nakatatlong beses kaming subok at hindi pa rin ako nakakaramdam ng pagod. Ni hindi pa rin kasi nananalo. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang pumayag sa kagustuhan ko dahil inaasar asar ko siya.

“Hindi ka pa ba pagod? Ilang beses na tayong nagpapabalik balik dito!”natatawa niyang saad ngunit napakibit ako ng balikat at nauna pa ulit. Hindi ako papayag na hindi man lang nanalo kahit isang beses. Napatawa pa siya sa akin nang matapos kami sa wakas dahil nanalo na ako.

“Weak!”natatawa ko pang pang-aasar sa kanya na siya namang hindi niya pinansin. Pinitik niya lang ang noo ko bago nagsalita.

“I think I like you, Missus.”sambit niya kaya bahagya akong natigilan. Ramdam ko rin ang dagundong ng tibok ng puso.

Touch of DeathWhere stories live. Discover now