Chapter 5

176 22 0
                                    

Chapter 5
Missus’s POV

“Aray!”sinamaan ko siya ng tingin nang kalmutin niya ako. Bumalik nanaman ito sa pagiging evil spirit niya.

“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ako nakakapaghiganti sa kanya.”galit na sambit nito.

“Sino ba ang tinutukoy mo?”tanong naman namin. Sinabi niya naman ang pangalan at sinabi niya rin na ito ang lalaking pumatay sa babaeng sumama sa grim reaper kanina.

“Ayaw mo bang pumunta sa afterlife? Patuloy ka pa rin bang manggugulo dito?”tanong ko sa kanya.

“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi nabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ko!”galot na galit niyang sambit.

“Okay, chill, kapag ba nabigyan na ng katarungan ang pagkamatay mo, tutungo ka na ng afterlife?”tanong ko.

“Ano bang pakiaalam mo?”galit na galit niyang sambit sa akin.

“Nagtatanong lang ako, kasi kung ako sa’yo, magtungo ka na ngayon sa afterlife nang mabawasan naman ang parusang ipapataw sa’yo.”sambit ko sa kanya na napakibit pa ng balikat.

“Bakit naman ako paparusahan?”tanong niya naman sa akin.

“Aba, hindi ka ata aware na nagsasanhi ka ng aksidente dito.”natatawa kong saad sa kanya.

“Hindi ko ‘yon kasalanan! Sumisilip lang ako kung sila ba ang pumatay sa akin, sila itong engot na takot na takot!”galit niyang sambit. Hindi ko naman naiwasang matawa sa kanya.

“Dael, what do you think?”tanong ko kay Dael na nakabalik na. Siya rin kasi ang sumundo sa akin noong namatay ako.

Napatingin naman sa akin si Archangel na nakatayo lang sa tapat ng puno, humalikipkip pa ito habang nakasandal. Pinagkunutan niya ako ng noo, tama nga ang hinala ko na hindi niya ito nakikita.

“Hindi niya nga kasalanan pero mayroon pa ring parte na kasalanan niya at hindi rin ako ang magdedesisyon no’n, kung gusto mo pang magtungo sa Utopia, sumama ka na ng bumaba pa ang sistensiya mo.”sabi sa kanya ni Dael.

Natahimik naman siya at maya-maya ay napatango.

“Promise me that you’ll make that guy pay for what he done.”hindi ko alam kung nagbabanta ba ito o ano.

“Yeah, yeah.”sabi ko naman at napatango. Tinignan naman ako ni Dael kaya pinagtaasan ko siya ng kilay, hindi ko alam kung pupwede ba kaming makipag-usap sa mga tao o ano. Napakibit naman ng balikat si Dael at tumalikod na.

“Hindi lang sa kulungan ang bagsak ng hayop na ‘yon.”sambit niya pa. Hindi nga lang doon.

Napatingin naman ako dito sa babaeng nagwawala ng nagwawala. Pinupunasan niya ang kamay sa kanyang damit na marumi. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay kaya napatikhim siya.

“I’m Bea.”sambit niya. Hindi na naglahad ng kamay. Ngumiti naman ako dahil dito.

“Missus.”sabi ko at ako mismo ang naglahad sa kanya ng kamay. Medyo nagulat naman siya doon bago niya ‘yon tanggapin.

“See you in the afterlife.”sabi ko na kumaway kaway pa sa kanya. Napatango namam siya sa akin at sumunod na kay Dael.

Nang makaalis sila ay tinignan ako ni Archangel na tila may gustong itanong dahil nga hindi niya nakikita si Dael.

“Let’s go, marami pang kailangan imbistigahan.”sambit ko at naglakad pa dito sa kabilang parte ng ilog. Nandito pa raw ang katawan ni Bea dahil nilibing siya sa kabilang bahagi nito.

Napatingin naman ako kay Archangel nang makitang hindi pa rin siya kumikilos, hindi pa rin ito gumagalaw sa kinatatayuan.

“Hey! Come here! Dito na ‘yon!”sigaw ko sa kanya.

“Come back here, we’ll report this first in the police station.”sambit niya na tumalikod na sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapangiwi ng dahil dito.

“Edi sana sinabi mo agad nang hindi na ako tumawid pa.”sambit ko sa kanya.

“Shh..”sambit niya na pumasok sa kanyang kotse.

“I saw him..”sambit nito.

“Who?”tanong ko.

“The one who killed them both, he was looking at that side.”sambit niya.

“Then report it! I’ll stay here, baka kung anong gawin niya sa bangkay.”sambit ko sa kanya.

“Then what about you?”hindi ko alam kung nag-aalala ba ito, blangko pa rin naman kasi ang ekspresiyon ng kanyang mukha.

“Patay na ako, hindi na ako mamatay ulit, ano ‘yon double dead?”natatawa kong sa kanya.

“Fine.”sambit niya at tumango. Nagtungo naman ako sa labas. Umalis na ang sasakyan niya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa lalaking nasa pwesto ni Bea kanina, ang swerte niya’t ngayon lang siya nagtungo dito, kung hindi ay baka tuluyan na siyang masaktan ni Bea.

Nakakapanggigil ang mukha nito lalo na nang makita kong napangisi pa siya as if gustong gusto ang pangyayari.

Hindi niya naman ginalaw ang bangkay o ano, ngunit bago siya makaalis ay nakasunod na ako sa kanya.

“Mga hangal! Anong akala nila mahuhuli nila ako? Wala silang kahit anong ebidensiya na maibintang sa akin.”tumatawa nitong saad. Hindi ko maiwasang mapangiwi habang sinusundan siya. Naglalakad lang ito habang pabulong bulong. Hilig niya atang kausapin ang kanyang sarili.

Napaawang naman ang aking mga labi nang marinig kung saan niya binaon ang ilang ebidensiya. Maya-maya ay nakarating na kami sa bahay niya. Malapit lang pala sa ilog ito. Hindi ko maiwasang manggigil nang marinig ko pa ang malademonyong tawa nito.

Gusto ko siyang saktan dahil wala ata itong kahit na anong nararamdaman para sa kanyang mga nagawa.

“Sa tingin mo matatakasan mo ang mga ginawa mo?”bulong ko pa sa kanyang tenga. Alam kong hindi niya naman na maiintindihan ang sinasabi ko at magmumukha lang itong ‘sgdshsgshsh’. Kitang kita ko naman ang pangungunot ng noo niya at napakamot pa ito sa ulo na pumasok na lang sa bahay niya.

Bumalik ulit ako sa ilog, nadatnan ko naman si Archangel na naghihintay doon. Naghuhukay na ang ilan doon. Nang makita niya ako’y agad siyang napatungo sa akin.

“Did something happened to you?”hindi ko alam kung nag-aalala ba ito.

“Huh?”nagtataka kong tanong sa kanya.

“Sabi ko naman sa’yo, I’m just a spirit, but something happened? Alam ko na kung saan niya tinapon ang mga ebidensiya.”sabi ko sa kanya. Napaawang naman ang mga labi niya dahil dito.

Nagtungo siya doon mag-isa, I mean kasama pala ako ngunit talaga namang nakakatakot lalo na’t katabi lang ng kanyang bahay ‘yon.

Natapos ang araw na ‘yon nadrain na drain ako na bumalik sa afterlife, aba’t ang dami ko ba namang tinrabaho ngayong araw. Pakiramdam ko nga’y naiiba na anv trabaho ko.

“Hoy, anong nangyayari sa’yo? Gutom na gutom, ha?”natatawang tanong nila Analita at Paulita sa akin.

“Huwag niyo ng tanungin.”sabi ko na napailing pa na sumubo ng sumubo dito sa aking pagkain.

Gutom na gutom din ako dahil ang Bea na ‘yon, sinayang niya lang ang pagkain ko.

Nang matapos akong magpahinga ay sumakay naman na kami sa train patungo sa dreamland.

“Hoy. Nandito na tayo.”hampas sa akin ni Paulita. Tumango naman ako at nagtungo doon.

As usual, ginawa lang namin ang mga trabaho namin. Masaya naman dito sa afterlife ngunit mas nalilibang pa ata ako sa living realm o dahil lang may pinagkakaabalahan. Well, may pinagkakaabalahan ka rin naman dito, Missus.

Nang matapos kami ay tinignan ako nina Paulita at Analita.

“Hoy, Missus, sumama ka naman sa aming magshopping dito.”sabi nila sa akin.

Mayroon kasing mga nagtitinda dito habang hinihintay nila ang desisyon ng nasa itaas kung saan ba sila tutungo. Ang ibabayad mo lang ay ang good deeds mo, mayroon namang iba na nagbibigay lang ng libreng product at matatawag na rin ‘yon na good deeds basta bukal sa’yong puso.

Sumama na lang ako sa kanila dahil wala na rin naman akong gagawin. Namili lang sila ng kung ano-ano, hindi ko naman ginagalaw ang good deeds na meron ako at hindi na rin ako nagsasayang pa ng oras para pumunta kay Angel Gabriel para lang icheck kung nadagdagan ba dahil sigurado kong wala.

Kung saan saan lang kami nagtungo hanggang sa magbell nanaman ang train, hudyat na aalis na ito. Nagtungo naman na ako doon.

“’Yan, mukhang sang saya-saya mo nanaman, ha?”tanong nila sa akin. Hindi ko naman sila pinansin at pakanta kanta pa habang tinitignan ang ulap.

Nang matapos ko na ang trabaho ko, nagtungo agad ako kay Archangel upang makabalita kung ano ng nangyari sa kaso.

“Ano ng nangyari? Huhuliin na ba?”tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin dahil dito. Matibay din kasi ang mga ebidensiyang tinapon nito.

Nang sumapit ang hapon ay tuluyan na nila itong inaresto.

“Yes!”nakangiti kong sambit kay Archangel. Hindi ko naman mapigilang mapatulala sa kanya nang ngumiti rin siya sa akin. Sabay pa naming tinaas ang kamay sa ere at sinubukang magup here ngunit parehas lang kaming napangiti at nagkibit ng balikat nang hindi ‘yon magtama.

Ano nga bang ineexpect mo, Missus? Napailing na lang ako sa sarili dahil dito.

“Luh, napapraning ka na ba, Officer? Sino namang inup here-an mo sa hangin? Gusto mo bang saluhin ko?”tanong no’ng lalaking nakita namin sa labas ng station noong nakaraan.

Tila nagbago naman ang mood ni Archangel dahil dito. Hindi ko tuloy maiwasang paglaruan ang buhok nito dahil sa inis. Mukhang natakot naman siya kaya nainis.

“Alis na muna ako, Archangel, see you again tomorrow.”sabi ko at nginitian siya.

“Aalis ka na?”tanong niya sa akin.

“Ikaw ahh, ayaw mo pa akong paalisin. Nag-eenjoy ka naman ata masiyado na kasama ako.”natatawa kong sambit sa kanya. Inirapan niya naman ako dahil dito.

“Ayaw mo ba akong paalisin, officer?”tanong naman no’ng lalaki na akala niya’y siya ang kinakausap.

Napapailing na lang akong umalis doon. Nagtungo naman ako sa school ni Kaleb upang silipin ito, masiyado akong nalibang sa station na hindi ko na siya nabisita.

Nakita ko naman ‘tong naglilinis ng classroom nila ng mag-isa, hindi ko naman maiwasang maawa sa kapatid ko, gusto ko na siyang makausap nang tuluyan ng guminhawa ang buhay niya.

Maghihintay ako hanggang sa maglegal age na ito at aalis na sa poder nina Tita. Hindi ako matatahimik hangga’t nandoon siya.

Palihim ko naman siyang tinutulungan sa pag-aayos. Maya-maya ay natapos din siya at nagsimula ng maglakad patungo sa bahay. Kung hindi lang sana ako maagang kinuha, edi sana hindi nararanasan ng kapatid ko ‘to, nakasunod lang naman ako sa kanya.

Maya-maya ay nakarating na kami sa bahay, nakita kong inutusan siya ni Tita. Hindi ko maiwasang mapangiwi dahil kitang kita niya naman ng pagod na pagod na ito samantalang ang anak niya’y nakaupo lang sa sofa’t palaro laro ng mobile games.

Hindi ko maiwasang balibagan ito ng unan na nasa tabi niya.

“Aray! Epal ka, Ate! Talo na! Kakairita naman ‘to oh!”sigaw niya sa Ate niyang isa rin sa demonyita na nandirito sa bahay nila. Hinagisan pa ‘to ng unan ng kanyang kapatid kaya napangisi ako.

“Aba, pucha ka, ha?! Nakikita mo namang nagnanail polish ako!”galit nitong sigaw na nilapitan pa ang kapatid para sabunuta. Aba’t tiniis ko ang sabunot nitong tila matatanggalan ka na ng anit.

“Ano ba kayong dalawa?! Hindi kayo titigil?!”sigaw ni Tita na pinaghahagis ang hawak na sandok sa kanyang anak. Normal lang ‘yan sa kanila.

Higit pa diyan ang sinapit ko sa araw-araw sa mga ito. Hindi ko na sila pinansin pa at pinanood na lang ang kapatid ko na gawin ang mga inuutos sa kanya. Nang magawa niya na ‘yon, nagbihis na.

Nagtungo na ito sa bodega. ‘Yon ang kwarto naming dalawa noon. Nakita ko naman siyang gumagawa ng mga school works niya, hindi ko mapigilang mapakunot ng noo nang makitang pare-parehas lang ‘yon at nakita ko pang iba iba ang pangalan ng nandoon. Hindi ata sa kanya ang mga ginagawa.

Nang matapos ay nahiga na siya sa banig na nandito. Mabuti nga’t hindi pa inaalis ni Tita ang electric fan na binili ko. Hindi ko naman maiwasang maawa sa kanya nang makita ko siyang kumakain ng noodles sa isang tabi. Mukhang tirahan lang talaga ang binibigay ni Tita dito, hindi niya ba alam na estudyante pa lang ang kapatid ko.

Hindi ko maiwasang magalit ng sobra. Aalis na sana ako ngunit nakita ko siyang kinuha ang litrato naming dalawa.

“Ate.. nakaya ko nanaman ang isang buong araw.”nakangiti nitong saad. Kusa na lang na tumulo ang aking mga luha habang nakatingin sa kanya.

Touch of DeathWhere stories live. Discover now