Chapter 8

169 17 2
                                    

Chapter 8
Missus’s POV

Napangisi ko nang ilapag ko ang kinuhang pagkain sa hapag nina Tita para lang dalhin dito sa loob ng kwarto ni Kaleb.

Nakita ko naman ang pagtataka sa kanyang mga mata nang makita ang isang platito na may ulam. Tinignan niya pa ‘yon na para bang may mali.

Paalis na ako kaya nang makatulog ito sa sobrang pagod ay hinila ko ang kumot para sa kanya. Ilang araw na akong nagpaparamdam dito, hindi ko na lang alam kung hindi pa rin ba siya maniniwala.

Nagtungo naman na ako sa train na papuntang afterlife pagkatapos kong gawin ‘yon. Nang makarating kami ay palakad lakad lang ako habang nandito.

Napatingin naman ako sa isang matanda na nagbubuhat ng ilang mabibigat na bagay, lumapit naman ako dito para tulungan siyang buhatin ang iba.

“Salamat, Apo.”sabi niya at ngumiti.

“Walang anuman po.”sabi ko naman at ngumiti pabalik. Now that I see her, may kahawig ito. Si Bea!

“Lola, ako na ang bahala diyan.”sabi nito na pakalat kalat lang din pala dito sa afterlife.

“Nandito ka pala, Missus.”sabi niya at ngumiti pa sa akin. Mukhang hindi pa siya sinasapian nang masamang espirito.

“Magkakilala pala kayo ng apo ko.”sabi naman ng matanda sa akin at nginitian ako.

“Opo, Lola, siya po itong tumulong sa akin para tuluyan nang magtungo sa afterlife.”pagpapaliwanag naman ni Bea.

“Kung ganoon, halika na’t samahan mo kaming kumain.”sabi nito sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapangiti at tumango, ang swerte rin pala ni Bea. Kahit na nahiwalay siya sa kanyang Lola, ang swerte niya’t nakasama niya ulit ito.

Hindi ko pa rin kasi nakikita ang Mama’t Papa ko, hindi ko nga alam kung nasa utopia ba ang mga ito o baka nasa underworld.

“Salamat po.”sabi ko at kumain ng kumain.

“Mabait na bata itong si Bea noon pa lang, kung nagtungo na ito nang sinundo siya galing sa living realm, paniguradong nasa utopia na ito ngayon.”sabi ng matanda.

“Bakit ikaw, Lola? Bakit hindi ka pa rin nagtutungong utopia?”tanong ni Bea sa kanya. Nagkibit naman ng balikat ang Lola niya at ngumiti.

“Bakit, La? Hinihintay mo pa rin ba si Lola na magtungo dito?”tanong sa kanya ni Bea. Ngumiti lang naman ito at hindi sumagot.

Nang matapos kaming makisalo kay Lola ay nagtungo na kami sa kanya kanya naming trabaho.

Sumakay naman na ako sa train patungong dreamland.

“Grabe, saan ka ba nagsususuksok, Missus? Halos hindi ka na namin nakikita. Sa byahe ka na lang ata namin napapansin.”sabi sa akin ni Analita.

“Bakit? Miss niyo ako?”natatawa kong tanong sa kanila. Napailing na lang ang mga ito sa akin.

Nang makarating kami sa loob ng dreamland ay agad na akong pumasok sa isang kwarto na siyang pupuntahan ko. Medyo natakot pa ako sa loob nito nang bigla bigla na lang may dumampot sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano.

“Huwag kang mag-alala, Aking Prinsesa, ako ang magliligtas sa’yo.”sabi ng isang lalaki na siyang may hawak pang sword. Halos mapahagalpak ako ng tawa nang makita ko itong walang sabing nakipaglaban sa monster na nasa harap ko.

Napailing na lang ako at maayos na sinabi ang line ko. Halos mangatal ako sa cringy line na nasa script ngayon.

“Hihintayin kita, Aking Prinsepe, ipagpatuloy mo lang ang lahat, maging masaya ka, susuportahan kita sa lahat.”sabi ko pa, halos mapapikit pa ako dahil hindi maatim na manggagaling talaga sa akin ‘yon. Niyakap niya ako ng mahigpit.

Touch of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon