Chapter 20

136 19 0
                                    

Chapter 20
Missus’s POV

“Hey!”nakangiti kong bati kay Lia at pakaway kaway pa. Ngumiti naman siya sa akin pabalik at kumaway din.

“Kumusta?”tanong niya sa akin habang malapad ang ngiti.

“Ayos lang!”sabi ko naman at nagtungo sa kanya. Nanliit naman ang mga mata ko nang makitang mayroon siyang mga dalang panaboy sa mga multo.

“Balak mo ba akong itaboy?”natatawa kong biro sa kanya.

“Gaga, hindi, alam mo namang may business din ako, ‘di ba?”pabulong na saad niya.

“Half botique, half albularyo?”tanong ko sa kanya. Napanguso naman siya dahil do’n. Naikwento niya kasing simula no’ng muntikan na siyang patayin no’ng matandang napangasawa niya. Nagsimula na rin siyang makakita ng mga ligaw na kaluluwa.

“Oo, pero syempre minsan lang.”sabi niya pa kaya natawa ako. Napakibit na lang ako ng balikat. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa kung ano-ano.

“Why? What are you planning?”tanong niya sa akin.

“Hmm, I just want to thank him?”sabi ko kay Lia.

“Alright, I can drive you two there. Kailan ba?”tanong pa niya.

“Saturday, I think?”patanong na sagot ko dahil ‘yon lang din naman kasi ang time na pwede. Napatango naman siya sa akin do’n. Pumayag din naman siya.

Gusto ko kasing dalhin sa isang trip si Archangel, I just felt like I want to? I mean, I want to repay him for what he have done so far for us. Ang dami niya na rin kayang naitulong sa amin ni Kaleb lalo na sa akin although hindi niya naman talaga kailangang gawin pa ‘yon.

I was really excited for that day to come. Nakaplano na lahat ang gagawin namin ni Lia, tinulungan din ako nito sa pag-aayos ng mga dadalhin at kung ano pa.

“Aba’t pasalamat ka talaga’t kaibigan kita.”natatawang saad niya sa akin. Ako nga lang kasi ata ang kaibigan nito rito. Sa araw araw ko ba namang pagdalaw, ako lang ang nakikita kong bumubibisita sa kanya.

“I’ll go now, basta 8 ka magtungo.”sabi ko sa kanya.

“Yes, Boss.”natatawa niya namang saad na inilingan ko na lang. Nagtungo na rin ako sa afterlife kalaunan, naging abala lang din ako sa trabaho hanggang sa bumalik ako sa living realm. Minadali ko na halos lahat para mapasaakin ang araw na ‘to.

“Hi! Good morning!”malapad ang ngiting saad ko kay Archangel nang batiin ko siya. Napakunot naman ang noo nito sa akin.

“Alam ko na ‘yang ngiting ‘yan, Missus.”sabi niya na naiiling pa sa akin. Bahagya naman akong natawa ng mahina dahil do’n. Nagtungo lang siya sa cr nang natatawa. Nahiga lang naman ako sa kama nito at hindi pa maiwasang magpagulong gulong. Nang matapos naman na siyang maligo’y agad o siyang nilapitan.

“You’ll come with me, right? Day off mo ngayon!”malapad ang ngising saad ko sa kanya.

“Hmm, I’ll think about it.”sabi niya ngunit mas lalo lang lumapad ang ngisi ko dahil nakita ko itong nagsusuot ng casual na damit. I’ll think about it pa raw gayong nagbibihis naman na ito.

“Where do you want to go?”tanong niya sa akin.

“That’s a secret, let’s go.”nakangiti kong saad sa kanya.

“How will I know then?”nakakunot noong tanong niya sa akin. Napakibit na lang ako ng balikat at inaya siyang lumabas. Agad ko naman na nakita si Lia na siyang nakapark na sa tapat ng bahay ni Archangel. Malapad ang ngumiti sa kanya at kumaway kaway pa.

“We have a driver for today, don’t worry.”natatawa kong saad kay Archangel kaya naiiling na lang din siya sa akin. Pinapasok naman na kami ni Lia sa kotse niya. Nasa likod lang kami ni Archangel at hindi rin naman nagsasalita si Lia sa isang gilid. Hindi ko maiwasang mapangiti habang excited na excited talaga sa trip namin.

May mga dala dala rin kaming pagkain ni Lia. Well, should I say dala ni Lia, thankful din talaga ako at tinulungan ako nito. Nagkukwentuhan lang kami ni Archangel at minsan ay tinatanong ko rin si Lia na abalang abala lang sa pagmamaneho.

“Where are we really going?”tanong niya sa akin.

“Hmm, you’ll see.”natatawa kong saad at nagkibit ng balikat.

Maya-maya lang ay nakarating na rin kami sa resort na siyang pupuntahan namin.

“Let’s go!”nakangiti kong saad kay Archangel at lalabas na sana para magtungo sa beach ngunit kita ko ang pagkunot ng noo nito. Napaawang naman ang labi ko dahil do’n.

“I’ll just go.”mahahalata rin sa tinig niya ang galit habang nakatingin sa akin.

“You can enjoy your trip.”malamig niyang saad sa akin bago siya lumabas ng kotse at naglakad patungo kung saan para sumakay.

“What’s wrong?”hindi ko maiwasang itanong. Naguguluhan na sa kinikilos nito. Hindi siya nagsalita at nanatili lang kunot ang noo habang naghahanap ng masasakyan. Hindi niya naman ako pinapansin kahit na nasa gilid niya lang ako.

“You want to leave? Lia can just drop you home.”sambit ko sa kanya. Naguguluhan na talaga sa inaasta nito, hindi ko alam kung anong kinagagalit niya.

“Galit ka ba?”tanong ko pa sa kanya ngunit wala akong narinig na kahit na anong sagot mula rito. Hindi ko na talaga maintindihan kung bakit bigla bigla na lang siyang nagwowalk out.

“Fine, let’s just cancel the trip.”sambit ko sa kanya at napanguso. It’s for him, hindi naman talaga para sa akin, kung ayaw niya, sige, huwag na lang.

“I’ll call Lia, stay here. Let’s go home.”sabi ko pa at ngumiti sa kanya. I don’t know what’s wrong but I think he have his own reason, hindi ko man alam ‘yon, susubukan ko pa ring intindihin ito.

“Stay there.”sabi ko pa bago ako tumakbo patungo kay Lia. Nagtataka namang nakatingin sa akin si Lia dahil do’n.

“What’s going on? Hindi naman pangit ang beach na napili ko para sainyo, huh?”tanong pa niya sa akin.

“Hindi nga. Hindi ko rin alam.”naguguluhan ko na ring saad.

“Can we go home? Hindi niya ata nagustuhan.”sabi ko na pinaglaruan pa ang daliri ko.

“Sorry talaga!”hindi ko mapigilang sambitin habang nakatingin sa kanya.

“It’s fine, Suhz.”natatawa niyang saad sa akin.

“It’s fine, siguro naman ay mas disappointed ka sa akin. Don’t feel bad about it, nakalanghap naman ako ng sariwang hangin kaya ayos lang.”natatawa niyang saad sa akin. Nagpasalamat na lang din ako sa kanya bago niya sinimulang pandarin ang kotse niya patungo sa gawi ni Archangel ngunit agad akong napabuntong hininga nang makita kong wala na ‘to do’n, mukhang nakasakay na nga sa kung saan.

“Okay ka lang?”tanong sa akin ni Lia. Nginitian ko lang siya ng tipid at bahagyang tumango. Pagkabigo ang nararamdaman ko, akala ko rin kasi’y matutuwa siya sa ginawa ko ngunit mukhang naging biyenisanto pa ang mukha nito.

Hapon na rin nang makarating kami mula sa bahay nina Archangel. Agad akong kumaway kay Lia nang makababa.

“Maraming salamat, Lia!”sambit ko at nginitian siya kahit na pa hindi ko talaga magawang ngumiti ng malapad sa kanya ngayon.

“Welcome.”sabi niya at kinawayan lang ako. Nang makaalis ito’y nagtungo na ako sa loob ng bahay ni Archangel ngunit wala pa rin ‘to rito, hindi ko naman maiwasang mag-alala dahil do’n. Naghintay lang ako ng naghintay kaya lang ay dumating na rin ang kinagabihan at kailangan ko ng magtungo sa afterlife nang hindi man lang dumadating si Archangel.

Napabuntong hininga na lang din ako at walang nagawa kung hindi ang sumakay sa train. Maski tuloy sa trabaho, hindi ko maiwasang maisip kung anong nangyari dito.

“Uyy, Missus, kanina ka pa buntong hininga ng buntong hininga diyan.”natatawang saad sa akin ng mga kasama sa trabaho. Nagkibit lang ako ng balikat, tinignan lang nila ako na parang pinag-aaralan ang kilos ko ngunit wala rin naman silang sinabi.

Nang dumating ang kinaumagahan, imbis na dumeretso sa sementeryo, agad akong dumeretso sa bahay ni Archangel. Nakahinga ako ng maluwag nang madatnan ko siyang natutulog din naman ng mahimbing sa kanyang kwarto. Ang sarap ng tulog nito, samantalang pinag-alala niya ako ng sobra. Tinapos ko lang din sandali ang trabaho ko at agad na nagtungo sa station kung nasaan si Archangel.

Malapad naman ang ngiti ko at kumaway pa sa kanya nang palabas siya ng station ngunit parang hindi ako nito nakita, nilagpasan niya lang ako bago siya sumakay sa kanyang sasakyan. Agad naman akong nagtungo paupo sa front seat.

“Saan ang punta mo?”nakangiti ko pang tanong sa kanya. Hindi naman siya nagsalita na para bang wala talaga siyang katabi rito. Hindi ko maiwasang mapasimangot ngunit hindi rin naman ‘yon nagtagal dahil kinulit kulit ko ulit siya kahit na hindi niya naman ako pinapansin.

“What do you have for lunch?”nakangiti ko pang tanong sa kanya. Hindi pa rin siya nagsasalita ngunit inabutan din naman ako ng pagkain niya. Mas lalo naman akong napangiti dahil dito. Sus, kunwari pa, hindi rin naman ako matitiis. Napanguso na lang ako habang sumusubo ng pagkain. Hindi pa rin siya nagsasalita at tahimik lang na kumakain.

Buong araw akong nangungulit ngunit buong araw din naman niya akong hindi pinapansin, hindi ko alam kung ano ba talaga ang problema nito. Minsan ay ayos ngunit madalas ay nag-iinarte. Kahit nang bumalik na ako sa afterlife ay siya pa rin ang iniisip ko. Kahit anong pag-iisip ko, hindi ko talaga malaman laman kung ano bang naging mali? Pangit ba ang beach? Hindi naman, ‘di ba? Hindi niya ba gusto ng surprises? Ano?

Kinaumagahan ay maaga akong natapos sa trabaho kaya malapad ang ngiti ko siyang binati.

“Good morning!”nakangiti kong saad sa kanya. Katulad kahapon, parang hangin lang akong nilagpasan nito, well, talagang mukha lang naman akong hangin.

Malapad naman ang ngiti ko sa kanya kahit na hindi niya ako pinapansin. Nakaupo pa ako sa may countertop habang nagluluto siya ng almusal niya.

“Hmm, bango naman nyarn!”nakangiti kong bulalas na hindi naman niya pinansin. Para naman akong nakikipag-usap lang sa sarili ko habang siya naman ay parang walang tenga. Hindi ko alam kung tuluyan na bang nabingi o ano. Napangiwi na lang ako ng lagpasan niya ako.

Pinanood ko lang siya sa mga ginagawa niya at nakasunod lang din ako rito habang inaasikaso niya ang sarili dahil papasok na sa trabaho.

“Can you leave?”malamig na tinig na tanong niya sa akin. Ngayon lang ulit siya nagsalita kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Huminto pa siya upang harapin ako. Nagtataka ko naman siyang tinignan dahil do’n.

“What’s wrong? Simula no’ng trip ay hindi mo pa rin ako pinapansin!”nakanguso kong reklamo sa kanya.

“Can you tell me what’s going on? Para naman alam ko.”saad ko pa habang tinitignan ang mga mata nitong malamig lang akong nilingon.

“Just go, Missus.”sambit niya na iritado ng nakatingin sa akin.

“Can you just tell me? Sa pagkakaalam ko’y wala naman akong ginawang mali! Gusto lang naman kitang yayain sa beach! Swimming lang tapos hintayin ang paglubog ng araw. Anong mali roon? Wala akong makitang masama kaya bakit galit na galit ka?”bigo kong saad sa kanya dahil kahit anong isip ko, alam kong wala.

“Do you know what isn’t right?”tanong niya sa malamig na tinig habang nakatingin sa aking mga mata. Bahagya namang napakunot ang noo ko sa kanya.

“You being here.”sambit niya sa akin kaya  napaawang ang labi ko.

“I already helped you with your brother kaya bakit nga ba hanggang ngayon, nanggugulo ka pa rin?”tanong niya sa akin. Walang tinig na lumabas mula sa mga labi ko dahil do’n. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin dahil tama naman talaga siya.

“Why are you still? What we have is already done, right?”nakangisi niya pang tanong sa akin. Napakagat naman ako sa aking labi dahil talong talo ako do’n. Wala akong masabi. He’s right. Bakit nga ba nangugulo pa rin ako sa kanya hanggang ngayon gayong nakuha ko naman na ang gusto ko.

“Oh.. I thought we’re friends but I think I’m the only one who treat you as one.. I’m sorry. I’ll go now.”sabi ko at nginitian pa siya bago tuluyang tumalikod. Nanakbo naman ako palabas ng bahay niya at ramdam na ramdam ko ang paninikip ng dibdib na hindi ko na dapat pang nararamdaman.

Touch of DeathWhere stories live. Discover now